Chapter Two: A Siren's Song

4 1 0
                                    

Sunday
August 18, 2013
5:33 a.m.

Dear Diary,

Hey! Ngayon lang ako na kapag-sulat uli. Sobrang busy netong nagdaang araw. Tanda mo yung survival show na sinasabi ko? Guess what? Pinadala ako ng agency ko for the show! OMG! Super excited ako! Nandito na ako ngayon sa building ng show na sasalihan ko. Ang daming contestant. Iba't iba ang lahi. Pero sa tingin ko ako lang ang may lahing Pilipino dito.

I must admit, kinakabahan ako. Most of these trainees were from huge entertainment companies. Kung hindi man galing sa mga companies na ito, matagal nang trainee. I'm having doubts to myself right now. Six months pa lang akong trainee. Dun pa lang ang laki na ng disadvantage ko. Idagdag mo na din yung age ko. 15 pa lang ako diary! Huhu! Ay 16 pala nasa Korea nga pala ako. Sabi ng trainors ko ako daw ang pinakabata sa mga trainees. Nakakatakot talaga!

Pero sabi din nila pati ng family ko, hindi yun ang dahilan para panghinaan ako ng loob. Na kaya nila ako pinadala sa show na ito ay dahil sa kayang-kaya kong mag-debut kahit na konti lang ang training period ko. Na magaling ako. Pero paano yun diary? Introvert ako huhu! Ngayon pa nga lang na nasa waiting area ako kasama ang ibang trainee di ko maapproach, paano pa pag nagstart na yung show? Help me! Huhu!

Love,
Mayari Olivia Jeon

P.S. Magaganda suot nila! Call time ba talaga pinuntahan ko? Naka yellow sweatshirt at white sweatpants lang ako! Pambahay ko pa ito! Huhu! Kakahiya!
——————————————————
"Excuse me?" someone tapped Ah Rin's shoulder. Paglingon ni Ah Rin ay may tatlong babae na nakatingin sa kanya.

"Y-yes?" Ah Rin stuttered.

"Is this 3 seats occupied?" nakangiting tanong ng babaeng nasa gitna.

"No it's fine. You can seat here" mahinhin na sagot ni Ah Rin at umupo ang tatlong dalaga.

"Are you a foreigner?" tanong ng isa pang babae in English na ikinagulat ni Ah Rin.

"H-how" Ah Rin starts rambling.

"Relax sweetie. We're not gonna mock you for being a foreigner. I'm Lee Seung Byul, the one to my left is An Min Ah. And the one beside you is Choi Ji Eun" pakilala ni Seung Byul kay Ah Rin.

"How about you? What's your name?" tanong ni Ji Eun kay Ah Rin.

"I'm Jeon Ah Rin. N-nice to meet you" nahihiyang bati ni Ah Rin sa kanila. Hinawakan siya ni Ji Eun sa kamay.

"Take a deep breath Ah Rin-ah" pag-comfort ni Min Ah sa dalaga.

"I'm sorry. It's just I'm shy around people" namumula si Ah Rin sa hiya.

"It's okay Ah Rin! Well it is really hard to make friends sometimes we have those times you know! Don't worry. Your unnies will take care of you during the competition, okay?" mahinahon na sabi ni Seung Byul na sinang-ayunan ng dalawa.

"O-okay" answered Ah Rin.

"Trainees this way to the briefing area!" announced by a staff member.

"I guess that's our cue" sabi ni Min Ah at sabay-sabay na silang tumayo at kinuha ang gamit.

Hinawakan naman ni Seung Byul ang nanginginig na kamay ni Ah Rin at ngumiti sa dalaga.
——————————————————
Sunday
August 18, 2013
8:17 p.m.

Dear Diary,

Nasa dorm na kami ngayon. Buti na lang kasama ko sina ate Seungbyul. Mas komportable ako kapag sila ang kasama ko. Alam mo naman. Only child ako. Tapos di pa pinapalabas ng bahay. It might be a short time na magkasama kaming apat, pero para ko na silang mga ate ko. Inaalagaan nila ako na para bang literal na bunsong kapatid nila. Wala silang pakialam kung hindi ako Koreana. Na hindi ako ganun ka bihasa mag-Korean. Tutal nga sinabi nila na tuturuan nila akong mag-Korean tas tuturuan ko naman sila mag-Filipino.

Admiring You From Afar (The Cold Masks Has Fallen: Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon