"You didn't know the euphoria I would feel if I didn't resist the temptation"- Theodore Xerxes Salvatori
——————————————————
"Pupunta ka sa party ni Zoe?" tanong ni Mayari kay Theo habang nakatambay silang dalawa sa library ng bahay ni Theo."Oo. Out of respect" Theo said sarcastically. Mayari rolled her eyes.
"Obviously. Nung binigyan din nila kami ng invite halatang napilitan lang. Like we would want to go in the first place"
"So hindi ka pupunta"
"Pupunta syempre. Para mabuwisit siya sa birthday niya" natawa naman si Theo sa sinabi ni Mayari.
"By the way, ano dapat isuot don?" tanong ni Mayari kay Theo.
"Wala namang dress code. Basta pumunta ka lang" sagot ni Theo.
"Eh ikaw ano susuotin mo?"
"Kung anong nandyan"
"Pag talaga yan formal Theodore Xerxes ah" pagbabanta ni Mayari kay Theo.
"Hindi nga formal" sabi ni Theo at ibinaba ang kanyang binabasang libro.
"Ugh! Fine! Maghahanap na ako ng damit!" sabi ni Mayari at tumayo mula sa kanyang pagkakaupo.
"Wag mo masyadong gandahan ha!"
"Oo na!"
Napailing na lang si Theo sa dalaga at bumalik na uli sa pagbabasa.
'Kahit naman simple suot mo, maganda ka pa rin'
——————————————————
"Theo may tao sa labas!" napa buntong hininga si Theo nang may bumusina sa harap ng bahay niya."Saglit lang!" sagot niya kay Mayari at dali daling nag-ayos ng kanyang sarili.
"Ay gago naman oh! Saglit nga lang naman!"
Nagmadaling bumaba si Theo para masilip kung sino ang bumubusina sa harap ng kanyang bahay.
"Saglit lang!" sigaw ni Theo at lumabas ng bahay.
"Tara na kuya! Sama mo si Mayari!" napabuntong hininga na lang si Theo.
"Tangina saan naman kami bibitbitin ng mga ito?" bulong ni Theo sa kanyang sarili at binuksan ang gate ng kanyang bahay.
"Saan naman tayo pupunta?" masungit na tanong ni Theo sa kanyang mga pinsan at kapatid.
"Bibili ng regalo kay Zoe"
"Tangina deserve ba nun magkaregalo? Baka nga uling palagi regalo ni Santa Claus dun nung bata" tanong ni Theo.
"Out of respect" said Cygnus and rolled his eyes.
"Tara na kuya! Baka ma-late pa tayo mamaya"
"Oo na! Tawagin ko lang si Mayari" sabi ni Theo at tumakbo papasok ng loob ng bahay.
——————————————————
"Thales of Miletus. Considered as the first proper philosopher, even though he was just as concerned with natural philosophy as with philosophy as we know it. Heraclitus. He believed-" napahinto si Mayari sa pag-aaral ng makarinig siya ng katok sa pinto.Pagbukas niya ng pinto ay bumungad ang hingal na si Theo.
"Bakit hingal ka?" Mayari asked curiously.
"Sama ka daw sa amin"
"Saan naman?"
"Sa mall. Bibili ng regalo daw kay Zoe" nagtagpo naman ang mga kilay ni Mayari sa sagot ni Theo.
"Deserve ba nun ng regalo?"
"Tara na! Sumama ka na. Babae ka. Kaya baka alam mo kung anong ireregalo sa kapwa babae" sagot ni Theo.
BINABASA MO ANG
Admiring You From Afar (The Cold Masks Has Fallen: Book 1)
FanfictionTheodore Xerxes Salvatori has it all. First child of their generation of his family, future head of the Salvatori family, fortune, intelligence, everything he can wish for. What's the catch? He faced many rejections from the girls he liked. The resu...