Chapter Fourteen: Bakunawa's Cottage

7 1 0
                                    

"Actually, this cottage also have a significance why it was given to me" - Theodore Xerxes Salvatori
——————————————————
"Ate. Aalis ka ba talaga?"

"Ate wag kang umalis!"

"Pwede po bang sa Monday ka na umalis?"

"Please ate? Don't leave po!"

"Ay nako! Hayaan niyo na muna si ate Mayari niyo! Marami pa naman araw para magkita kayo. Hindi ba ate Mayari?" sabi ni Esmeralda sa mga bata.

"Oo naman. Don't worry bibisita ako pag may time si ate ha?"

"Yehey!"
——————————————————
Inilalagay ni Theo at ni Nathaniel ang mga gamit ni Mayari sa kotse ni Theo.

"Sigurado ka ba anak sa desisyon mo?"

"Dad. I'm only helping her" Theo explained to his father.

"I know. Pero alam mo naman kung bakit namin binigay yung cottage na yun. Hindi ba?" napabuntong hininga si Theo sa sinabi ng kanyang ama.

"Hindi naman sa tutol ako kay Mayari. Ang akin lang naman, she might get creeped out once she learned the history ng bahay na yun. Tas dun ka din nakatira as of now. Hindi ba maiilang si Mayari dun?" tanong ni Nathaniel sa kanyang anak.

"Dad, wala naman kaming gagawing masama dun sa bahay na yun" Nathaniel give his son a knowing look.

"Sa tingin mo ba maniniwala ako sa'yo matapos mong pagawan ng damit si Mayari at kunin ang alahas ng mommy mo ng walang araw?"

"Bakit dad? Diba inuwi mo si mommy sa bahay na yun ng hindi pa kayo kasal?"

"Inuwi ko lang siya"

"Hindi yan ang kuwinento ni lola. Yan din reason bakit kayo kinasal" pang-aasar ni Theo sa kanyang ama at kinurot ni Nathaniel ang kanyang anak sa tagiliran.

"Dad naman!"

"Ikaw sinasabihan ko ha! Wag kang papadala sa tukso! Mayari reminds me of your mother Theodore. She's the human interpretation of succubus" napakunot ng noo si Theo sa sinabi ng kanyang ama.

"Are you checking Mayari out?"

"Eto naman! Wag kang magselos! I'm talking about your mother" Theo groaned at what his father was talking about.

"Dad please! I don't wanna hear about your personal life!" natawa naman si Nathaniel sa reklamo ni Theo at hinawakan siya sa balikat.

"Pero seryoso, maiintindihan mo ako once na magtagal kayo ni Mayari sa bahay" seryosong sabi ni Nathaniel sa kanyang anak.

"Ano pang pinag-uusapan niyo diyan? Ready na si Mayari" sabi ni Esmeralda kanyang mag-ama.

"Ah wala! Yung mga gamit mo nasa loob na ng kotse, Mayari" sabi ni Nathaniel sa dalaga.

"Salamat po"

"Oh siya siya! Baka tanghaliin pa kayo. Alam kong mag-aayos pa kayo ng gamit" sabi ni Esmeralda at bumeso kay Mayari.

"Sige ma" sabi ni Theo at pinagbuksan niya ng pinto si Mayari.

"Theodore" napatingin si Theo sa kanyang ina.

"Control yourself. Mas litaw na litaw pa naman ang pagiging Salvatori mo kesa sa dugong Aphelion mo. Alagaan mo si Mayari. Wag kang gumaya sa tatay mo" striktong sabi ni Esmeralda sa kanyang panganay.

"Ano na namang meron sa akin?"

"Nagtanong ka pa kung anong kasalanan mo twenty-one years ago" Esmeralda rolled her eyes at her husband and went inside their house.
——————————————————
"Saan yung sinasabi mong cottage, Theo?" tanong ni Mayari kay Theo.

Admiring You From Afar (The Cold Masks Has Fallen: Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon