Chapter One: The Girl in White Dress

14 1 0
                                    

"Di ko inaasahang magiging interesado ka sa survival shows. Pagkakatanda ko ayaw mo sa ganyan dahil sa popularity at pagpapaawa lang ang mga nananalo diyan?" - Cygnus Orpheus Salvatori
——————————————————
"Mahal kita Theo" nakangiting sabi ng isang dalaga sa binata. Hinawakan ng binata ang mga pisngi ng dalaga at ngumiti.

"Mahal din kita-"

"Kuya! Dito na tayo!" Pambubulabog ng isang walaong taong gulang na batang lalaki.

"Five minutes!" Inis na sabi ng natutulong na binata. Walang tigil naman sa pag-gising ang bata.

"Kuya Vlad ayaw gumising ni Kuya Theo! Nagagalit pa siya sakin!" nakanguso ang batang lalaki dahil sa hindi niya magawang gisingin ang kanyang kapatid.

"Ako! Ako!" Matinis na pag-offer ng isang batang babae sabay takbo papalapit sa sasakyan.

"Mimi! Hayaan mo nang sina tita gumising kay kuya Theo!" saway naman ng isang labing dalawang taon na lalaki. Tila walang naririnig ang bata at tuloy pa rin ito sa pag-takbo.

"Kuya gising na. Magpeplay pa tayo diba po? Pwomise mo yan" malambing na sabi ng batang babae sa binatang si Theo. Napangiti naman ang binata dahil sa ginagawa ng kanyang bunsong pinsan.

"Hello Mimi! Namiss mo ang kuya?"malambing na tanong ni Theo sa bata. Tumango ang bata.

"Mimiss ang kuya!" excited na sabi ng bata. Sumimangot naman ang batang lalaki.

"Ang daya mo kuya! Pag si Mimi ang kausap mo ang lambing mo, ba't kami ang sungit mo" nagtatampong sambit ng batang lalaki at sumang-ayon ang dalawa pang kaedad niyang batang lalaki.

"I already promised our baby na maglalaro kami. Tommorow we can play, okay ba yon?" sabi ni Theo sa tatlo. Tumango na lang sila at pumasok sa bahay ng kanilang lolo at lola.

"Theo, ijho! You've grown so much! Binata ka na talaga! Ilang taon ka na ba uli?"

Sinalubong ng yakap at halik sa pisngi si Theo ng kanyang lola.

"Lola, parang di po tayo nagkita last week! And I'm 17 na po. Di niyo na po ba tanda ang age at birthday ko?"

Pabirong pagtatampo ni Theo sa kanyang lola. Napatawa naman ang matanda.

"Oo nga po lola. Dati you're babying us tapos ngayon you forget our age na ni Theo" dagdag ng pinsan na ka-edad ni Theo at ngumuso ang dalawa na nagdulot sa lubos na pagtawa ng kanilang lola.

"Andyan ka lang pala darling. Sino kayo? Ba't niyo pinapatawa nang maigi ang asawa ko?"naniningkit ang mata ng matandang lalaki na lumapit sa kanila.

"Siyempre ang mga paborito niyong apo lolo. Theo and Cy!"

"Ang ingay mo Cygnus" pananaway ni Theo sa kanyang pinsan.

Nawala ang masungit na ekspresyon sa mukha ng kanilang lolo at napalitan ito ng ngiti.

"Sino ba naman ang makakalimot sa una naming mga apo? Hindi puwedeng makakalimutan ng lolo ang mga itsurang iyan. Marka yan ng isang Salvatori mga apo" sabi ng kanilang lolo.

"Wag kayong maniwala diyan sa lolo niyo. Si Minerva ang paborito niyan" pang-aasar ng kanilang lola.

"Lola!" the two cousins whined. Napatawa ang mag-asawa.

"Oh siya siya! Pasok na tayo. Nakahanda na yung tanghalian natin. I cooked your favorite" nakangiting banggit ng lola nina Theo

The both teenager's eyes twinkled at what their grandmother said.

"Gambas al ajillo*?!" excited na tanong ng magpinsan.

Napatawa naman ang mga nakakatandang nakarinig sa dalawa at nagsipasukan na sila sa loob ng bahay.
——————————————————
"Taya!"

Admiring You From Afar (The Cold Masks Has Fallen: Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon