Chapter Six: The Final Bow

3 1 0
                                    

"It's time to open a new chapter without us, our Chameleon maknae. It's time to chase your own sweetest daydream" - Jang Han Eul, PANDORA's leader.
——————————————————
Monday.
August 7, 2017. 6:18 a.m.
Seoul, South Korea.

Tahimik ang buong floor level ng grupong PANDORA at ng kanilang staff.

Nakakapanibago para sa manager at staff ng buong grupo. Tila naglaho na parang bula ang tuwa at liwanag na laging nakikita sa grupo.

"I never thought this would happened" malungkot na sabi ng manager ng grupo sa isa sa mga staff.

"It's everyone's decision, hyung*. The company values the girls' safety. We all value their safety"

"I can't bear to see their frowning faces you know. Especially Hae Rin and Ah Rin"

Narinig nilang bumukas ang pinto.

"Oppa*"

Narinig nila ang boses na nagpipigil ng iyak kaya't sabay sabay silang napatingin sa pinto. Nanlambot at nanghina naman sila sa kanilang nakita.

"Come here Han Eul" the group's make-up artist opened her arms wanting to give the leader a comforting hug.

Lumapit naman ni Han Eul at yumakap. Hindi na niya napigilang humikbi at umiyak.

"Mianhae! Mianhae!*" paulit ulit na humihingi ng tawad si Han Eul. Nagpipigil na umiyak ang mga staff na nakakakita sa leader.

"It's no one's fault Han Eul. Everyone did the right thing" sabi ng kanilang make-up artist.

"I failed everyone unnie*! What kind of a leader is that?!" Han Eul burst out.

"You never failed. A great leader makes a choice that benefits everyone within his team. And you just did that" sabi ng manager sa dalaga.

"I just don't want to see my members sad"
——————————————————
*Mommy new message

Mommy: Anak, tanggap na yung admission mo at pasado ka sa Blackthorne University sabi ng tita Sandy mo. Enroll na lang ang kulang tsaka yung grades mo then puwede ka nang pumasok next week.

Nene: Sige po mommy. Nakuha ko naman na po yung requirements na kaylangan eh. Ako na lang po magbabayad for enrollment at sa mga kakaylanganin ko for school pagkabalik ko diyan.

Mommy: Anak wag na. Kami na ng daddy mo ang bahala sa enrollment at sumama ka na lang sa Saturday para bumili ng gamit mo.

Nene: Pero mommy

Mommy: Anak. Marami ka nang naitulong sa amin. Kami naman. Mag-aral ka na lang ng mabuti.

Nene: Sige po

Mommy: Wag ka nang ngumuso diyan. Kilala na kita nak. I love you.

Nene: I love you too mommy. Ikamusta mo po ako sa kanila.

Mommy: Sige nak. Text ka na lang pag pasakay ka na ha.

Nene: Sige po.

Natawa na lang si Ah Rin dahil sa napag-usapan nila ng kanyang ina.

"Ah Rin-ah! Get up!"

"Hae Rin unnie stop jumping on my bed!"

"Breakfast is ready!" nakangiting sabi ni Hae Rin kay Ah Rin.

"Okay!"

Sabay na silang lumabas ng kanilang kuwarto.

"The baby is awake!"

Admiring You From Afar (The Cold Masks Has Fallen: Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon