Chapter 04

48 9 0
                                    


Allison Mae

KAKATAPOS ko lang maligo at patuyuin ang buhok ko. Dumeretso na ’ko rito sa baba dahil nakaramdam na ako ng gutom.

“Let’s eat,”

“Hindi niyo na po hihintayin si sir?” Sabrina asked.

I shook my head. It’s already past six in the evening and I know he’ll come home late like his usual routine for the past few years.

“Pero sabi po ni sir maaga siya uuwi,” mahinang sambit niya pero sapat na ’yon para marinig ko.

Umakto na lang ako na wala akong narinig at umupo na.

Inaya ko itong umupo at nagsandok na ng kanin. Naglagay ako ng ulam sa bowl ko at saka pumikit para magdasal.

As if he’ll come home early. Wala rin akong balak umasa pa.

“Where is Allison?”

I stopped praying when I heard that familiar voice. I slowly opened my eyes and gazed my attention to him. My eyes widened.

He literally came home early. Am I dreaming? He usually comes home around ten to two in the midnight.  At kung minsan ay hindi naman ito umuuwi.

“You’re early,” mahinang bigkas ko.

He nod his head and sat beside me. “I thought I’m late. . .” I heard him murmured. “But anyway, sinadya kong umuwi ng maaga, para makasabay sabay ako sa ’yo kumain.”

“Oh, okay”

“Hmm, so let’s eat,” he said while looking at me.

I didn’t say anything and looked away. I find it weird. Hindi ako sanay na umakto siya ng ganiyan.

Nagsimula na akong kumain at hindi pinansin ang katabi ko. Minsan ay nahuhuli kong siyang nakatingin sa akin pero imbes na umiwas na tingin ay ngingisi ito sa akin. Habang si Sabrina naman ay naririnig ko ang mahihinang tili nito.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya agad itong natahimik.

Alam kong walang alam si Sabrina sa nangyayari sa aming dalawa kaya ganiyan si kung makareact. I understand her.

“Did you cook of all this?” Blaze asked while pointing the food.

Dalawang putahe lang naman niluto ko.

I nodded.

“Hmm,”

“It taste good,” he said kaya napatingin ako sa kaniya.

He’s smiling from ears to ears while nodding after nitong sumubo. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya, that’s new. Take note that this is the first time na sumabay ito kumain ng dinner sa ilang taon naming pagsasama.

“Why are you looking at me? Kumain ka na lang because you didn’t eat kaninang lunch,” he said with his serious tone pero bakas pa rin sa mukha nito na good mood ito.

Hindi na ako sumagot at nagsimula na ulit kumain. Si Sabrina ang unang natapos sa amin kaya nauna na itong umalis dala-dala ang kaniyang pinagkainan.

Uminom ako ng tubig pagkatapos kong ubusin ang kanin ko.

"Are you done? You didn’t eat too much,"

“I’m already full,” simpleng sagot ko at iniwan siya r’on dala ang pinagkainan ko, nilagay ko ito sa lababo at hinugasan na ito.

“I’m just worried about you, Allison. Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo,”

Inis akong tumingin sa kaniya. “You’re worried? For what? ’Di ba wala ka namang pakialam sa akin? And if meron man, para saan? ’Di ba wala lang naman ako sa ’yo gaya ng mga kabit mo? Bakit kung makaakto ka ngayon para bang you care that much sa akin?”

Prisoner WifeWhere stories live. Discover now