Chapter 12

36 5 0
                                    


Allison Fae

HINDI nagtagal ay dumating kami sa terminal ng bus. I’m planning to go in batangas.

Nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko pa ba ang pag-alis o hindi pero sa huli ay mas pinili ko pa rim ituloy ang pag-alis. Andito na ako, wala nang atrasan.

Alam kong hindi ko pa narinig ang explanation niya pero sapat na ang mga nalaman ko. At saka baka mas lalo lang akong mastress.

“Ma’am, ako na po ang magdadala,” sambit ni Sabrina saka kinuha sa akin ang bagahe ko.

Tumango lang ako at hinayaan ito.

I’m holding my tummy while walking saka pumila sa bentahan ng ticket. Hindi naman gano’n kahaba kaya madali akong nakabili.

“Saan po punta natin ma’am?” Sabrina asked while we’re heading to the bus.

“Batangas,” bored kong sagot. Pero sa totoo lang ay hindi ko pa rin talaga maiwasang isipin kung tama ba ang desisyon ko.

“Po? May kakilala po ba kayo ro’n?” rinig kong bulong niya.

Hindi ako sumagot at umiling lang. Wala akong kakilala sa Batangas.

Wala na akong nagawa kun’di bumuntong hininga at hindi na nagsalita.

Gusto ko munang magpakalayo-layo. At hindi ko alam kung babalik pa ba ako o hindi.

Alam kong padalos-dalos ang desisyon ko, pero ito lang ang tanging naiisip ko — ang pag-alis.

Pasakay na sana kami ng bus nang may biglang humila sa akin.

“O, my God!” I screamed. Napasubsob ako sa dibdib ng taong humila sa akin at hindi ko maiwasang kabahan.

Bumilis ang tibok ng puso ko at nanginginig ang parehong tuhod at kamay ko dahil sa gulat at takot. Gulat dahil sa biglang paghila sa akin at takot dahil baka may mangyaring masama sa baby ko.

Feeling ko ay mamamatay na ako.

“Shsh, it’s just me,” rinig kong sambit ng lalaking nasa harap ko.

His voice is familiar.

Inangat ko ang ulo ko at nanlaki ang mga mata ng marealize na si Blaze pala ito.

“I’m sorry if I scared you. . .” mahinang sambit nito at namamaos ang kaniyang boses.

Habang nakatingala ay kita ko sa mga mata nito ang pag-alala at isang emosyon na hindi ko maipaliwanag.

“Please, babe don’t leave me. . .” he murmured, almost pleading.

Naramdaman ko na lang ang paglakas ng tibok ng puso ko at pigil hininga akong nakatingin sa kaniya. Hindi ako makasagot at nakatulala lang ng ilang minuto.

Ano ang gagawin ko?

“Let me explain first, please!” dagdag niya.

Should I let him explain? Or should I continue leaving.

Hindi ko na alam. Nalilito na ako.

“Ma’am Allison, okay lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ni Sabrina pagkatapos makabawi sa pagkagulat.

Lumayo ako kay Blaze at tumungo sa kaniya.

“I-I’m fine don’t worry,” mahinang sambit ko.

I bit my lower lip, I can’t help but to feel nervous.

Ano ba ang ginagawa niya rito?

“Allison, uwi na tayo. . .”

Umiling ako sa kaniya habang nakatingin ng deretso sa kaniyang mga mata. “Umuwi ka ng mag-isa,”

Prisoner WifeWhere stories live. Discover now