Allison Fae
MY smile widen as I watch my son slowly walking.
Natumba ito pero agad din tumayo, buti na lang may mat ang sahig namin kaya hindi gano’n kasakit sa pwet kahit na matumba siya.
“Oh, my baby is now walking. . . . Walking-walking na ang baby namin. . .” pagb-baby talk ko sa anak ko habang nakangiti habang pinanggigilan ito.
It’s been eleven months and I’m already healed, happy and contented with my life. Three months after I gave birth when I decided to flew here. Pinalipas ko muna ang buwan because I don’t want to risk my baby, hindi naman pwedeng kakapanganak pa lang ito ay papasakayin ko na ito agad-agad sa eroplano. Lalo na’t higit apat na oras ang byahe mula manila hanggang davao.
“Ma’am parating na po pala si sir Raven, nagtext po. . .” sambit ni Sabrina na nasa tabi ko lang habang pinapanood ang paglalaro sa anak ko.
Pagkatapos ng pagkasabi nito ay narinig ko ang pagtunog ng busina sa labas hudyat na nandiyan na siya. Tumayo si Sabrina at pinagbuksan ito at hindi rin nagtagal ay pumasok na sila.
“Hi, my love. I missed you. . .” pagbungad nito at inambanan ako ng yakap pero agad ko siyang pinipigilan at pinanlakihan ng mata saka tinignan si Sabrina na nilalaro ang anak ko.
I know Sabrina that likes Raven, and he is. Ayaw lang nila aminin sa isa’t isa ang nararamdaman, naghihintayan kung sino ang mag-f-first move. Isang manhid at isang torpe. Perfect combination.
Si Raven ay kasing edad lang ni Sabrina pero hilig niya akong tawaging my love, para pagselosin si Sabrina, kahit anong sabihin ko sa kaniya na tigilan akong asarin pero pinagpatuloy pa rin niya. He loves seeing Sabrina jealous, baka mamaya dahil sa ginagawa niya mafall out of love ito.
I met Raven when I need a manager to my new opened restaurant three months ago, and nag-apply siya hanggang sa naging matalik kaming magkaibigan. And I found out na kababata ni Raven si Sabrina. What a small world, isn’t?
“Gustong-gusto mo talagang pagselosin siya, ’no? Baka kakaganiyan mo wala ka ng makuhang chance sa kaniya,” mataray kong sambit, mahina ngunit sapat lang para marinig niya.
Nakanguso naman ito at napatingin kay Sabrina na walang kaalam-alam na pinag-uusapan na pala namin siya.
“Ang sama mo naman sa akin, my love,” aniya at sinulyapan ang babae. “Tips naman diyan kung paano umamin ng hindi nare-reject.”
Napairap naman ako at sinamaan siya ng tingin. “You don’t need any tips. Kung sasagutin ka man niya or ire-reject ay okay lang. Ikaw na ang bahala kung paano mo iha-handle,” nginitian ko ito. “bakit ba kapag nanliligaw ang mga lalaki, nagagalit kayo kapag ni-re-reject? ’Di ba pwedeng tanggapin niyo na lang desisyon ng babae kapag nireject kayo. Ang panliligaw is kailangan mong magrisk at dapat handa ka sa kung ano man ang desisyon ng babae. . . Kaya nga nanliligaw para makuha ang loob ng mga babae hindi ba? E, kung ayaw naman ng babae sa inyo h’wag niyo ng ipilit, hindi naman pwedeng ipilit natin ang sarili natin sa isang tao na hindi naman para sa atin. Nasa babae ang desisyon kong bibigyan ka niya ng chance o hindi.”
Tinignan naman ako ni Raven at bigla na lang siyang tumawa kaya kahit si Sabrina ay napatingin sa amin.
“Seryoso mo naman, Allison. Parang nagtatanong lang , e,” natatawa pa rin niyang sambit.
Walang’ya. Ang haba-haba ng sinabi ko tapos tatawanan niya ako?
Binatukan ko ito. “Tse! Hindi ka sana niya sagutin kapag manligaw ka,” mahinag singhal ko sa kaniya at tumayo na saka lumapit sa anak ko.
“May pizza akong dala, wait kunin ko muna sa sasakiyan, nakalimutan kong dalhin. . .”
Hindi na ako sumagot at tinignan si Sabrina.
“Ipaghanda mo ng meryenda ’yong mokong na ’yon,” sambit ko saka tinuro si Raven na kakalabas lang. “Bigyan mo na rin ng gamot, hindi yata nakainom.”
Agad naman nagtaka ang mukha ni Sabrina, hindi nagets ang sinabi ko.
“Nevermind, kunin mo na lang kay Raven ’yong pizza na dala niya,” natatawa kong sambit at nilaro na lang si Dio.
“Hi, baby. Are done playing? Sleep ka na?” he giggle.
“M-mama,” nauutal nitong sambit gamit ang baby tone nito.
Napangiti ako ng malawak, how cute. Gustong-gusto kong kurutin ang pisngi nito pero the last I did that, umiyak ito nang umiyak kaya nevermind.
“Yes, mama. Say it again, baby. . .”
“M-ma-mama. . .” pag-uulit nito hanggang sa paulit-ulit nitong binibigkas ang salitang mama
Nangilid agad ang luha ko dahil sa sayang nararamdaman.
Ang sarap pakinggan ang bawat bigkas nito at pagtawag nito sa akin ng mama. Hindi ito ang unang beses na tinawag ako pero parang ito ang first time.
“D-dada,” umurong ang luha ko dahil sa biglang pagsambit nito ng dada, nanigas sa kinauupuan ko.
“M-ma, dada,”
Hindi na ako nagsalita, at binuhat na ito. Dinala ko siya sa kwarto namin at nilagay sa crib nito.
Tanghali na at oras na para matulog ito. I patted his back softly and sing a lullaby. After a few minutes he already fell asleep so I decided to go back in our sala.
Nadatnan ko ro’n sila Raven at Sabrina, nakaupo sa magkabilang side ng mahabang sofa. Hindi nila ako napansin kaya pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig. Bahala sila riyan.
Nakita kong nakapalag ang sinasabing pizza na binili ni Raven kaya kumuha na ako.
Bumalik na lang ulit ako sa kwarto namin ng anak ko dala ang isang basong tubig at pizza. Hindi nila ulit ako napansin dahil nakatalikod sila sa akin.
Bahala silang mag-usap do’n. Para maayos din ang problema nila sa lovelife nila at hindi ako ’yong pini-pesti nila.
Mabilis dumaan ang mga araw. Nasa restaurant ako ngayon at ako ang kumukuha ng order mg mga customer.
Pinagpahinga ko muna ng saglit ang mga staff ko dahil tanghali at kailangan din nilang kumain ng lunch. Parating na rin naman ang papalit sa shift nila. May pang-umagang shift at may panggabi.
“Hey, ako na muna rito, my love. Do’n ka na lang sa office mo,” sambit ni Raven na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.
“Sabing tigilan mo na ang sa pagtawag mo ng my love na ’yan sa akin, may Sabrina ka na’t lahat-lahat lumalandi ka pa rin,” masungit kong sambit gamit ang mababang boses ko, baka marinig kami ng ibang customer.
Tumawa ito at inakbayan ako. “C’mon, my love. H’wag ka ng magselos,” malakas niyang sambit. Agad ko siyang siniko dahil sa kawalanghiya’n nito.
“Hoy, pinagsasabi mo. Isa pa, sasabunutan kita at tatanggalan kita ng trabaho,” mahinang singhal ko sa kaniya at kinalma ang sarili dahil baka masapak ko siya ng wala sa oras.
Ang lakas ng trip niya ngayon, sinali pa talaga ako.
“Don’t worry my love, babawi ako sa ’yo after ng work,” sambit pa nito kaya hindi ko na maiwasang kumunot ang noo.
Isa na lang talaga, tatanggalin ko na siya sa trabaho niya. “Makisama ka na lang, may isang taong kanina pa masama ang tingin sa akin,” bulong niya.
“Ha? Baliw ka na ba, Raven? ’Tsaka, tanggalin mo kamay mo sa akin, kung hindi mawawalan ka ng trabaho ngayon din,” mahina ngunit sapat na para marinig niya ito.
“Chill, andiyan ang asawa mo. At kanina pa masama ang tingin sa akin. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin baka kanina pa ako nakabulagta sa sahig at pinaglalamayam na ako bulas. . ." aniya sabay nguso sa likod ko.
Agad naman ako napalingon at do’n ko nakita si Blaze na sobrang sama ng tingin kay Raven. . . sa aming dalawa ni Raven.
What the hell he’s doing here?
Sat081322 11:40 pm
YOU ARE READING
Prisoner Wife
RomanceWives Series #01 | 𝙾𝙽-𝙶𝙾𝙸𝙽𝙶. When everyone turned their back from me, I thought you will be there for me, you will stay by my side. But you left me hanging. . . and miserable. I'm your wife. . . your prisoner wife.