Allison FaeNATAHIMIK ito ng ilang minuto bago lumingon sa akin.
Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko o mas maganda siguro kong nanahimik na lang ako.
Alam kong malalim ang iniisip nito. I want to know it but I know wala akong karapatan.
Kahit kailan ay wala akong karapatan para kwestunin siya. Sino ba naman ako, hindi ba? I’m just his wife, his prisoner wife.
Para kasi akong nakakulong dahil sa inaasta niya, ang daming bawal. Dapat siya lang ang masusunod.
“I’m not going to promise but I’ll do anything to a be a good husband to you this time. Gusto kong bumawi sa ’yo, sa lahat ng nagawa ko. . . for being not a good husband,” he paused. “I’m so sorry for making your life miserable.”
Hindi ako nakapagsalita at nanatiling nakatulala sa kaniya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya, malulungkot o magagalit. Hindi ko alam.
Umiling ako. “Bakit ngayon lang? Kung kailan sumusuko na ako. . .”
“Alli—” I cut him off and shook my head again.
I looked away, I sighed. “Hindi mo ’ko, masisisi. Napapagod din ako, Blaze. For more than two years, you have chance. I give you a chance. Bakit hindi mo ginawa n’ong time na ’yon?” I almost mumble. I stopped myself from crying but I can’t. “Sinayang mo lang ’yong chance na binigay ko, for two years bakit ngayon mo lang naisip ’yan? Nagsawa ka na ba sa mga kabit mo at ngayon mo lang narealize na may asawa ka na? O ano? What’s your reason, Blaze?”
Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingala sa kalangitan. Ang daming bintuin pero wala ka man lang makikitang buwan sa kalangitan.
“Blaze, mahal kita. Mahal na mahal. Pero nakakapagod kang mahalin.”
“I’m sorry. . .” he sincerely said.
Just two words, para akong mahihimatay sa hindi ko malamang dahilan.
“Hey, are you okay?” mukhang napansin nito ang bigla kong pananahimik kaya agad itong lumapit sa akin. Tinulungan niya akong makatayo, dinala papasok sa loob at pinaupo sa kaniyang malaking sofa.
“What do you need?”
Umiling lang ako.
“Do you want to sleep? Buhatin kita papuntang kama,”
“No, no. I’m fine. Bigyan mo na lang ako ng tubig,”
Hindi naman ito umangal at agad-agad kumuha ng tubig sa mini fridge nito.
“Here,” abot niya.
Ininom ko ito agad at pinakalma ang sarili. Umupo ito sa tabi ko, hindi ako nagsalita at sumandal na lang sa balikat niya.
Mukha itong nagulat pero hinayaan ko na lang siya. I just want to rest, hindi ko alam bakit naisipan kong sumandal but I feel comfortable for the second time.
I remain like that for the few minutes until I fell asleep.
Pagkagising ko ay naramdaman ko na lang na matigas na hinihigaan ko. Unti-unti kong binuksan ang mga mata at d’on tumambad ang pagmumuka ni Blaze. I’m on his top. Nakatulog pala ako — kami sa sofa niya.
Hindi ako agad makagalaw at gulat pa rin. Ang hingbing ng tulog nito at parang walang pinoproblema.
“Ally. . .” mukhang nananaginip ito. “I’m sorry.”
He keeps really ‘I’m sorry’ habang ako ay nakatingin lang sa kaniya hanggang sa unti-unti nitong binuksan ang kaniyang mga mata.
Hindi ako gumalaw at hindi pinansin kung ano ang posisyon naming dalawa.
“Good morning,” he said with husky voice.
Hindi ako sumagot at tumango sa kaniya. Aalis na sana ako mula sa pagkakapatong sa kaniya pero hinila niya ako pabalik kaya agad akong napasubsob sa dibdib niya.
“Let’s stay like this just for a minutes,”
“Blaze—
“Please?” hindi na ako nakahindi. Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya ngayon at ganito ang inaasta niya.
My half body is on his top, pero ang mga paa ko ay nasa sofa. Buti na lang malaki ang sofa nito kaya kasyang-kasya kami.
He closed his eyes and after a minute he already fell asleep. Ang bilis niyang makatulog, parang pagod na pagod ito.
Pinapabayaan niya ba ang sarili niya? Pinikit ko na rin ang mga mata ko at ilang minuto na akong nakapikit ay hindi pa rin ako nakaramdam ng antok.
Gusto ko mang bumangon pero ayoko rin dahil baka magising ko siya. At saka maaga pa naman. Hindi pa sumisikat ang araw.
Isang oras akong nanatili sa gano’ng posisyon at hindi nagreklamo. Hanggang sa naisipan kong bumangon, hindi gumawa ng ingay at dahan-dahang naglakad papalabas ng kwarto niya.
“Good morning po, ma’am,” agad kong sinenyasan na h’wag maingay si Sab ng makasalubong ko ito paglabas ko ng kwarto ni Blaze.
“Lower your voice, may natutulog. . .”
Sumunod naman ito at umaktong z-in-ipper ang bibig. “Sumunod ka sa akin,”
Bumaba na kami papuntang kusina para magluto ng breakfast. Ala sais pa lang ng umaga and ang alam ko seven pa ang work ni Blaze habang ako ay may meeting mamayang alas otso sa mga board member ng kompanya.
Bago nagluto, naghilamos at nagtoothbrush muna ako. Baka mamaya ang baho na pala ng hininga ko.
“What’s should I cook? Ano sa tingin mo?”
Sabrina shook her head. “Kahit ano na po, masarap naman po luto niyo,”
Hindi ako sumagot. Naglabas lang ng itlog, ham, at mga prutas. Niluto ko lang ang egg and ham ’tsaka ginawang sinangag ang natirang rice kagabi.
When I’m done, I prepared the table with the help of Sab.
“Gisingin ko lang muna si Blaze,” sambit ko at hindi na hinintay ang sasabihin nito.
Umakyat na ako at nang huminto sa harap ng pinto. Hindi na ako kumatok at pumasok na agad.
But I guess I made a wrong choice.
Wala itong saplot ni-isa. As in wala! Nagtakip ako ng mga mata at hindi alam kung ano ang gagawin.
“C’mon, don’t act like you never see my thing. We’re married and you know. . .” he said while laughing.
Rinig ko ang mahihinang yapak nito papalapit sa akin kaya napaatras ako. Atras lang ako nang atras hanggang sa wala na akong maatrasan. Napasandal na lang ako sa pinto habang nakapikit.
“Don’t be shy, Ally. I saw yours and you saw mine. You’re my wife and I’m your husband, it’s normal, babe. . .” he murmured to my ears.
Mahina ko siyang tinulak at hindi pa rin makatingin sa kaniya.
“E-ewan ko sa ’yo,” nanginginig kong sambit kaya natawa ang lalaking nasa harapan ko.
“Hmm, Ally?” mapanglarong sambit nito at kita ko ang pagngisi nito.
“Look at me,” he said. Tumingin naman ako sa kaniya. He’s still smirking.
Tumingin siya sa baba kaya napatingin din ako rito. O, my God.
Umiling lang ako at umiwas ng tingin.
“Magbihis ka na r’on, kakain na tayo,” I said without looking at him. Shit. It’s huge and tayong-tayo ito.
Napailing na lang ulit ako at mahinang nagdasal. “Sorry po, Lord sa mga kasalanan ko. . .”
I heard him chuckled. “Okay, okay. Hintayin mo na lang ako dito. . .”
Walang’ya, kung ano-ano ginagawa sa buhay. Nakakainis.

YOU ARE READING
Prisoner Wife
RomanceWives Series #01 | 𝙾𝙽-𝙶𝙾𝙸𝙽𝙶. When everyone turned their back from me, I thought you will be there for me, you will stay by my side. But you left me hanging. . . and miserable. I'm your wife. . . your prisoner wife.