Allison FaeI WOKE earlier not feeling well. Namamanhid ang katawan ko at wala sa tamang pag-iisip.
Para akong patay, walang kabuhay-buhay.
Pero pilit kong nilakas ang sarili ko lalo na’t sa sinabi ni Beatrice kanina.
“Glad that you already awake,” napatingin ako kay Beatrice ng pumasok ito sa loob.
Mag-isa lang ako sa hospital room at hindi mo alam kung nasaan si Sabrina. Si Blaze naman ay wala akong pakialam sa kaniya.
Pero sino nga ba ang niloloko ko? I know to myself I still care for him, kahit na sa nalaman ko kahapon.
“Kumuha ng gamit mo si Sabrina that’s why she’s not here. And Blaze is with Aaron and Aidan. . .” she said.
Hindi ko na lang pinansin ang huling sinabi nito. “H-hows my baby?”
Lumapit ito sa akin saka ngumiti. “Your baby is stable now. But next time me you need to be extra careful, buti na lang malakas pa rin ang kapit ng baby mo kaya safe naman siya sa tiyan mo. . .” nawala ang pangamba ko dahil sa sinabi niya. “But, like what I said. You need to be extra careful, this is the second time na dinala ka sa hospital, hindi na natin alam ang mangyayari kapag pumutok na naman ang patubigan mo. Baka makunan ka and worst your baby will be in danger, h’wag naman sana. Please, kung ano problema niyo ni Blaze pag-usapan niyo or magpalamig na muna kayo. I don’t want to meddle your problem kaya kayo na ang bahala basta make sure iingatan mo ang sarili mo, hindi lang buhay mo ang nakasalalay pati na rin ang batang nasa sinapupunan mo. . .”
UNTIL now iniisip ko pa rin ang sinabi ni Bea. Wala akong ibang inisip kundi hindi dapat ako magpadalos-dalos sa mga galaw ko. Kailangan kong mag-ingat lalo dahil nakasalalay ang buhay ng baby ko sa akin, kahit noon pa man. At hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa anak ko. Pangalawang beses na ’to, at hindi ko na hihintayin pang umabot sa tatlo. Malapit na rin ang kabuwanan ko, and worst baka hindi ko na kasama si Blaze sa mga oras na ’yon.
Kakatapos ko lang kumain ng lunch na binili ni Sabrina, na kakadating lang din.
Kumuha siya ng gamit ko pamalit dahil baka mamaya o bukas ay pwede na rin ako umuwi. I told Sabrina na h’wag niyang sabihin sa parents ko ang nangyari sa akin, ayaw kong mag-alala sila. They already knew about my pregnancy pero hindi nila alam ang mga ganap sa amin ni Blaze.
“Ate Allison, magpahinga na po muna kayo, at inumin niyo po ’tong gatas na tinimpa ko,” tumango lang ako at kinuha ang gatas na inabot niya.
Inubos ko ito saka nahiga na sa kama. Pinilit kong matulog at hindi naman ako nabigo, dahil na rin sa hindi maganda ang pakiramdam ko at medyo pagod ako ay agad akong nakatulog.
Two days had passed. Pinili kong manatili muna sa hospital to take a rest, and besides I don’t want to go home.
Yesterday, Markian and Eunice visited me. They’re both worried kaya nakatanggap ako ng sermon sa kanila. Talagang ginisa nila ako, ang dami nilang tanong at sermon.
While earlier, Blaze tried to to talk to me but I refused. I can to his eyes that he’s tired, as I am. We’re both tired and the only thing I know is to refresh our mind. We need time to think.
“Ate Allison, ito na po ’yong pinapakuha niyo,” sambit ni Sabrina.
Lumapit ito sa akin at pinakita ang mga gamit na pinakuha ko sa kaniya.

YOU ARE READING
Prisoner Wife
RomanceWives Series #01 | 𝙾𝙽-𝙶𝙾𝙸𝙽𝙶. When everyone turned their back from me, I thought you will be there for me, you will stay by my side. But you left me hanging. . . and miserable. I'm your wife. . . your prisoner wife.