Day 5
Allison Fae
HINDI na kami nagtagal sa museum dahil nakaramdam na ako ng pagod at gutom. Inaantok din ako kaya inaya ko na siyang umalis na kahit gusto ko pang magstay d'on at libutin ang buong museum.
Maybe next time, I'll be back.
"Saan mo gusto kumain?"
"Kahit saan, basta maraming pagkain," I said while yawning.
"You want to eat bulalo?" agad akong umiling. "Then what do you want to eat?"
"Jollibee na lang, gusto ko ng burger and fries then sundae,"
Hindi na ito sumagot at pinaandar na ang sasakiyan.
Napatingin ako sa kaniya habang nagmamaneho at hindi ko maiwasang mamangha.
Ang hot niyang tignan.
"Matutunaw ako niyan, babe," aniya ng hindi inaalis ang tingin sa daan.
I saw how his adams apple move up side down, and how his lips lifted.
I bit my lower lip and laugh softly. "Kapal naman ng mukha mo,"
Natawa na lang din ito at umiling-iling pa.
Medyo traffic kaya mabagal ang usad ng mga sasakiyan. Weekdays kasi, at saka pauwi na ang mga taong galing sa trabaho at mga estudyante.
Namiss ko tuloy makipag-unahan sumakay sa bus o jeep noon college pa ako. Kahit na may sarili kaming sasakiyan dati pero pinili ko pa ring magcommute kasama ang dalawa kong best friend.
Speaking of best friend, ilang buwan na akong walang balita sa kanilang dalawa. Si Eunice ay hindi na ako cinontact after niyang sabihin na mag-a-out of town ito habang si Elizabeth ay walang sabi-sabi - I'll ask Aaron na lang, Elizabeth husband and Eunice brother.
I yawned again and watch the sky turns orange and red. Beautiful.
"Tulog ka muna, babe. Drive-thru na lang tayo para maging mahaba ang tulog mo. Then, I'll wake you up na lang kapag nakarating na tayo sa bahay," aniya pero agad akong umiling.
"Gusto ko dine in tayo, namiss ko ng kumain sa jollibee,"
"Para namang ilang taon kang hindi nakakain sa jollibee, ha?"
Inirapan ko ito at hindi pinansin ang huling sinabi nito. Parang tanga naman kasi.
"Galit na 'yan?"
"Tse! Manahimik ka, Blaze. Nagdidilim paningin ko!"
Tumawa lang ito nagfocus sa daan. Umismid lang ako at pinagkrus ang mga braso ko.
Nawala na lang bigla 'yong nararamdaman kong antok at pagod kanina.
Hindi nagtagal ay dumating na kami sa jollibee. Pumasok kami sa loob at naghanap ng mauupuan, pagkatapos ay pumila na ito para um-order ng pagkain namin. Hindi gano'n karami ang tao pero bakit ang tagal niya.
"Here's your burger and fries with sundae," aniya.
Finally, after a couple of minutes he's already here. I'm so hungry na!
"Nagdadabog ka ba?" pagalit kong sambit sa kaniya nang nilapag niya ang pagkain sa harap ko.
"Ha? Babe, no. I'm not!" namumutla niyang sambit.
Gusto kong matawa sa reaksiyon niya. I was just kidding but he took it seriously. Parang tanga naman itong si Blaze, masyadong seryoso.
"I was just joking, seryoso mo naman masyado," natatawa kong sambit.

YOU ARE READING
Prisoner Wife
RomanceWives Series #01 | 𝙾𝙽-𝙶𝙾𝙸𝙽𝙶. When everyone turned their back from me, I thought you will be there for me, you will stay by my side. But you left me hanging. . . and miserable. I'm your wife. . . your prisoner wife.