Allison FaeKANINA pa na umalis si Blaze habang naiwan akong nakatulala.
“Ate, kumain na po muna kayo,” Sabrina said.
Nilapag nito ang pagkain sa harap ko. Adobong pusit at iba’t ibang klaseng prutas.
Hindi ko na siya sinagot at kinain na lang ang pagkain. Kahit wala akong gana, kailangan kong kainin ito.
Inubos ko na ito saka napagpasyahan manood na muna ng movie pero in the end, hindi rin ako nakapagpokus kaya natulog na lang ako.
Kinaumagahan ay handa na ang lahat ng gamit namin.
Nadischarged na ako kaya pwede na akong umuwi. Sa condo unit ko no’ng college ako muna kami tutuloy. Kapag nanganak na ako ay saka pa kami aalis ng manila. Masyadong delikado kung lilipad kami lalo na’t malapit na ang kabuwanan ko.
“You can go home muna kuya Samuel, tatawagan ko na lang po kayo kung aalis na po tayo ng manila,” I said ng makarating sa condo.
Inayos ni Sabrina ang mga gamit namin kaya pinabayaan ko na lang ito.
“Sigurado kayo po ma’am?” I nodded. “Sige po, tawagan niyo na lang po ako kung may kailangan kayo. Mag-iingat po kayo ma’am, and laban lang po.” aniya at umalis na.
Kuya Samuel is like a father and a kuya to me, he knows my situation kaya gano’n na lang ang pag-aalaga nito sa akin, sa aming dalawa ni Sabrina. Nasa early 40’s pa lang ito at hindi rin halata sa mukha nito na forty plus na siya. May dalawang anak itong binubuhay at patay na ang misis nito.
Hindi ko na sana siya isasama sa paglipat namin ng davao but he insist, kaya sinabi kong isama na rin ang kaniyang dalawang anak: ang panganay nito ay sampung taong gulang pa lang at ang bunso ay pitong taon. His wife died seven years ago ng ipanganak nito ang bunsong anak.
“Ate Ally, ano pong gusto niyong lunch? Magluluto na po ako,” napatingin naman ako kay Sabrina at sinabi ang gusto ko.
“Adobong pusit lang po ba?” I nodded.
Sa dami kong paglihihan ay adobong pusit pa talaga. Baka mamaya paglabas ng anak ko ay maging pusit ito, h’wag naman sana!
Umalis na ito at dinala sa kusina ang groceries na pinamili namin bago dumeretso rito.
Pumunta ako sa balcony ng condo unit ko at lumanghap ng sariwang hangin.
Ang bilis ng pangyayari. Parang kahapon lang ay ikakasal na kami ni Blaze, at mga araw na hindi kami nagkakasundo. Parang kahapon lang no’ng nagbati kami at kung gaano kami kasaya.
Ang bilis. Panandaliang saya lang pala ang lahat dahil kapalit nito agad ay sakit.
Napahawak ako sa tiyan ko. Naramdaman kong sumipa si baby kaya hindi ko maiwasang umiyak.
What did I do wrong? Bakit humantong sa ganito?
Do I deserve this kind of pain. This is not what I want. I didn’t want this.
Kung masasaktan ka lang din pala kapalit ng panandaliang kasayahan e, ’di sana hindi na lang pinaramdam sa akin ang saya.
Ngumiti naman ako ng mapait.
I’m sorry baby if your mother is useless. Una pa lang sana hindi na ako pumayag sa kasal.
I do regret it pero may kung ano sa sarili ko na sinasabing hindi dapat ako magsisi. Naging masaya kahit panandalian lang sa piling ni Blaze, at nagkaroon ako ng anak dahil sa kaniya.
I sighed.
“Okay lang po ba kayo, Ate Ally?” biglang sulpot ni Sabrina.
Lumapit ito sa akin at tinignan ako ng mabuti. Halata sa mukha nito ang pag-aalala. She’s really caring, kahit na ako ang mas matanda sa kaniya pero parang siya pa ang mas matanda sa akin kumilos at magsalita.
Tumango naman ako at tipid na ngumiti. “Yes, I need to. . .” I answered.
“By the way, luto na ba ang niluluto mo?”
“Malapit na po. Pinuntahan lang kita para icheck kung okay lang po kayo, alam ko kasing hindi pa po kayo okay pero ginagawa niyo ang best niyo para mas lalong maging strong. Kaya nga po hinahangaan ko kayo, ang tapang niyo po. . .” she said.
My smile widen. Her words warmth my heart.
Namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na ito napigilan dahil kusa na itong tumulo.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. “T-thank you, Sabrina for always being my side. For not leaving me, thank you for everything. . .”
“I’m always here for you, Ate Allison. I will never leave you. . . you’re the only family I have, kaya thank you too for everything, Ate. . .” her voice broke kaya mas lalo akong napaiyak. “you’ve never made me feel na iba ako, na kahit hindi mo ako kadugo ay parang kapatid na ang turing niyo sa akin. Kaya sobrang saya ko po na nakilala ko kayo, Ate Allison.”
“O, siya tama na ang iyakan. Kain na tayo dahil nagugutom na kami ni baby,” natatawang sambit ko.
Tumango naman ito at mahinang natawa. Pumunta na kami ng kusina at hinanda nito ang nilutong adobong pusit, syempre hindi mawawala ang mga prutas sa hapag.
“Anong gagawin niyo after this, Ate?”
Napailing naman ako. Hindi ko alam kung ano ang gawin.
Maybe after this magbabasa na lang ako ng libro or manonood ng mga video tungkol sa pagiging mommy.
After we ate nakaramdam ako ng antok kaya nagpaalam na ako kay Sabrina.
Pumunta ako ng kwarto, naupo ako sa kama at nilagyan ang aking likod ng unan. Gusto ko ng humilata pero kakatapos ko lang kumain kaya magpapahinga na muna ako.
Kinuha ko ang isang libro na nakapatong sa tabi ng kama. Binuklat ko ito at akmang babasahin ko ito pero naramdaman kong biglang sumipa si baby.
Sumipa ito, hanggang sa nakatatlong sipa ito bago tumigil.
Hinaplos ko ito at napangiti.
“Kapit pa baby, konti na lang makikita mo na ang mundo. . .” mundong masyadong unfair.
In this world, you will never knew what’s the meaning of life if you never feel the pain and suffering.
TWO months had passed. I’m currently in the hospital right now.
I’m laying in the hospital bed. Labouring for almost ten hours.
Punong-puno ng pawis ang noo ko at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Kinakabahan ako.
“A-ate, okay lang po kayo? Nanginginig po ang kamay niyo—” kinakabahang sambit ni Sabrina.
Napatingin ako sa kaliwang kamay ko na nanginginig. Habang ang kanang kamay ko ay nakahawak sa tiyan ko.
Sunod-sunod din ang aking paghinga, at pinilit pakalmahin ang sarili.
Hindi naman ganito ang kaba ko kanina dahil nakakatawa pa ako kasama si Sabrina.
“L-lalabas na ang anak ko—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsidatingan na ang mga doctor at tinanong ako ng kung ano-ano na tanging tango lang ang sagot ko.
Sobrang bilis ng pangyayari dahil namalayan ko na lang na nasa emergency room na ako at umiire ng malakas.
“Isang ire pa, Allison. I can see the head of your baby,” Beatrice said.
Siya pa rin ang kinuha kong doctor dahil ayaw ko may ibang magpapaanak sa akin.
“More push pa, Ally. Konti na lang. . .”
Malakas akong umire at ilang sandali pa ay narinig ko na ang iyak ng anak ko.
“It’s a baby boy. . .”
❦︎❦︎❦︎
Short update for today ang ferson. Sana nag-enjoy kayo kahit na super lame ng update at sobrang sabaw!😭
Sat080622 1:42 am
YOU ARE READING
Prisoner Wife
RomanceWives Series #01 | 𝙾𝙽-𝙶𝙾𝙸𝙽𝙶. When everyone turned their back from me, I thought you will be there for me, you will stay by my side. But you left me hanging. . . and miserable. I'm your wife. . . your prisoner wife.