Day 4
Allison Fae
NAGISING na lang ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa ’king mukha.
Binuksan ko ang mga mata ko at ang nakangiting Blaze ang unang bumungad sa akin.
“Good morning, babe. Rise and shine,” aniya at pinatakan ako ng halik sa labi at sa noo.
Mahina ko itong pinalo. “Ano ba, hindi pa ako nagto-toothbrush, mabaho pa ang hininga ko,”
“It’s okay, it’s normal babe. And kahit amoy kanal pa man bunganga mo hindi kita iiwan,”
Natawa na lang ako sa sinabi niya at muli siyang pinalo. “Gago, kinumpara mo talaga ako sa kanal,” natatawa kong sambit.
“Just kidding, babe. Nagiging amazona ka na, ha,”
Umiling lang ako at bumangon na sa kinahihigaan. Nang akmang ililigpit ang higaan namin pero naunahan na ako ni Blaze.
“Ako na, baka mapano pa si baby. Maghilamos ka na muna and do your other morning routine, susunod ako. . .”
Tumango lang ako bilang tugon at maingat na pumasok sa banyo, hindi ko naman kailangan bumaba pa, may banyo naman sa kwarto namin kaya hindi rin naman ako mahihirapan pa.
Naghilamos ang una kong ginawa saka nagtoothbrush bago ko ginawa ang skin care routine ko.
“Tapos ka na, babe?” biglang sulpot ni Blaze sa likod ko at saka ako niyakap.
“Malapit na,” halos pabulong kong sagot.
Pareho kaming nakaharap sa salamin at ng magtama ang mga mata namin ay bigla na lang kumalabog ang puso ko.
Nakatingin siya sa akin na punong-puno ng pagmamahal, may mga ngiti sa kaniyang labi at marahan hinalik-halikan ang buhok ko.
“I love you and I will love you forever. . .”
I love you too, Blaze. And I will do anything to prove how much I love even the world against on us.
Nanatili kami sa gano’ng pusisyon bago naming napiling bumaba para kumain ng almusal.
“Good morning, Ate Allison and sir,” bati sa amin ni Sabrina. “Breakfast is ready na po.”
Binati namin siya pabalik saka inaya sila na kumain na dahil nagugutom na ako at si baby. Tabing kaming umupo ni Blaze, habang si Sabrina ay nasa harapan naming dalawa.
“Where do you want to go today?” tanong nito sa akon habang nasa kalagitnaan nang pagkain.
Sinubuan niya ako ng kanin at hotdog using his hands. Pareho kaming nagkamay habang kumakain.
Napaisip naman ako dahil sa tanong niya. I want to go to museum, last punta ko sa museum ay noong college ako, when I joined an arts competition.
Arts is my passion but since I got married I lost interest of it.
Tinignan ko si Blaze, he’s waiting for my answer pero hindi ko alam kung sasabihin ko bang gusto kong pumunta sa museum.
“Hey, are you okay?” he asked but I didn’t answer him, I stared him for a minute.
I want to see someone’s arts that can make me realize how much I love arts, can make me come back to my first love after so many years.
Hindi ko alam kung gagana ’yon but I hope so.
Hindi ko man sabihin pero alam ko sa sarili ko na si Blaze ang isang rason kung bakit ayaw kong bumalik sa pagpipinta.
It’s because of our past that I can’t forgot — that I will never forget.

YOU ARE READING
Prisoner Wife
RomansaWives Series #01 | 𝙾𝙽-𝙶𝙾𝙸𝙽𝙶. When everyone turned their back from me, I thought you will be there for me, you will stay by my side. But you left me hanging. . . and miserable. I'm your wife. . . your prisoner wife.