"OH my god! Ariston is here!"
"Ang guwapo talaga ni Aris! So jowable!"
"Ariston is really so pogi. . . I love you na!"
Kunot-noong walang pakialam na nagpatuloy si Ariston sa paglalakad sa kalawakan ng parking lot ng Montecillo University. Nautusan siyang samahan sina Aristella at Deyanne. Magte-take na ng entrance exam ang dalawa. All eyes were on him the moment he went out of his car. Kahit wala siyang gawin, tila nama-magnet niya ang atensyon ng lahat ng babae at mga lalaking attracted sa kapwa lalaki. May iilang mga students sa campus kahit bakasyon na. Most of them were Bronze Tier students, mga student na walang ambag sa campus kung 'di existence lang nila and of course, intelligence. Their parents didn't donate anything unlike those students in Gold and Silver Tier. Students couldn't easily enroll in MU unless they have brains, money or both.
"Kaloka sila, Kuya Tun—Ariston," hirit ni Deyanne. "Ang eksaherada. Akala mo hihimatayin na dahil lang nakita ka."
"Oo nga, kuya. Sikat ka pala dito sa campus," sabi ni Aristella. "Ang pogi much mo talaga!"
He rolled his eyes. Hindi alam ni Ariston kung pinupuri ba talaga siya ng kapatid o inaasar. Kung alam lang nito na walang-patawad ang mga student na may crush sa kanya. Ginugulo ng mga ito ang ninanais niyang tahimik na college life. Lahat na lang na bagay na associated sa kanya ay pinagkakaguluhan nila. Anything na mahawakan niya, nagiging precious "gem" para sa kanila. Palagi siyang nawawalan ng gamit especially his id and ballpen and then maririnig na lang niyang may students na pinagkakaguluhan ang nalalag niyang ballpen as if it was something worth a million. Ang iniwan niyang seat sa cafeteria ay pinag-uunahang maupuan ng mga may interes sa kanya as if it was a big achievement. Madalas niyang naririnig ang mga tili at usapan ng mga babaeng nakakasama niya sa elevator na parang may kasama silang sikat na artista. Minsan, may hinimatay pa ngang babae na nakasabay niya sa elevator dahil nakalimutan daw huminga nang masolo nilang dalawa ang elevator. Gano'n ang epekto ng kaguwapuhan niya sa Montecillo University. It was crazy and exaggerated, but his struggle to stay away from them was real.
"That doesn't matter. Grades are." Huminto siya sa paglalakad sa tapat ng exam roon. "We're here. Take your time in answering your exam. Babalikan ko kayo after the exam. 'Wag kayong aalis dito nang hindi ako kasama. Kung saan ko kayo iniwan, dito ko kayo babalikan." Para siyang nagbibilin sa mga bata.
"Okay, Kuya!" korong sagot ng dalawa.
Niyakap niya si Telai. "Good luck on your exam, Telai." Saglit na yakap lang iyon pagkatapos ay tinapik niya ang ang balikat nito.
"It's Ystel now, kuya. Stop calling me Telai. It sounds so provincial," sambit nito na tila umaaktong maarte sabay tawa. "Ang hirap palang saniban ni Ate Patty! My gosh! I cannot!" She was pertaining to his best friend, the only daughter of his Korean ninong Jaewon 'Steve' Park.
Kilala rin si Patty sa campus . . . bilang exaggerated drama queen nga lang.
"Puro ka kalokahan, Telai. Go now."
"Ako walang good luck hug? Samahan mo na rin ng kiss," hirit ni Deyanne sabay pout ng lips.
He rolled his eyes. Ito pa ang panibago niyang sakit ng ulo. He didn't know why but he didn't like her presence. Hindi pa rin niya nakalilimutang nag-landing ang panty nito sa mukha niya and to make things worse, natagpuan pa niya ang panty nito sa bulsa ng jogging pants niya nang araw na iyon. He immediately buried that underwear under his drawer hoping that he could also bury that embarrassing moment. Wala siyang planong ibalik pa iyon ay dumaan uli sa nakakahiyang sitwasyon.
"No need. Sigurado namang babagsak ka sa exam," he said annoyingly. Hinihiling talaga niyang mahulog ito sa exam para hindi na niya ito makita.
Eksaheradang sinapo ni Deyanne ang left chest. "Judger ka masyado. Papasa ako ano, with flying kiss for you, my sweetie pie Tunton!" She even gestured a flying kiss. "At iwe-welcome ako ng Montecillo University nang bonggang-bongga."
BINABASA MO ANG
MU Series: The Careless Cutie
Teen FictionAriston Sebastian A. Celerio thinks that studying at Montecillo University will give him peace. Well, kabaligtaran ang nangyari. Dahil nasa top list ng campus crushes, halos lahat ng babae-pati na rin ng mga lalaking pabebe-ay pinagkakaguluhan siya...