MATAGAL na nakatunganga si Ariston sa kalangitan sa balkonahe ng kanyang kuwarto sa mansion ng mga Celerio. Bahagya nang nagliliwanag ang langit, sensyales na mag-uumaga na. Maaga siyang nagising. Hindi siya talaga nakatulog nang ayos. Napuyat siya sa kaiisip kay Deyanne at kung paano nito tinatawag ang mga guwapo sa campus sa iba't ibang endearment. It pissed the hell out of him.
Napailing si Ariston. Sinayang ko talaga ang magdamag ko para lang isipin ang babaeng iyon? What the hell? Prezylabs? Bebe Z? Pag may endearment dapat special ka. Ano iyon? Special kaming lahat? The mere thought that giving him an endearment had no difference from giving other guys her own endearment to them, made him feel betrayed.
Napahikab siya. For the first time in his life, ipinagpalit niya ang masarap na tulog para lang muling mag-overthink na maaaring pinagti-trip-an lang talaga siya ni Deyanne at all. Nabudol na naman siya. Akala niya ay seryoso na ito talaga. Napakunot-noo siya sa naisip. Teka, so what? Why the hell I care about it?
Kakamot-kamot sa ulong pumasok siya sa kanyang silid. Inayos niya ang kama at ang mesa niya. Nagkalat pa ang mga papel na ginamit siya sa quilling art nang nagdaang gabi. Naiwan sa mesa ang frame na pinaglagyan niya ng bago niyang natapos na quilling art. It was a colorful image of an open book with a cherry blossom tree on top of it. Tapos na siyang maglinis ng kuwarto nang maisipan niyang lumabas. Naririnig na niya ang usapan at tawanan ng kanyang mga magulang mula sa terrace as early as five in the morning.
Naningkit ang mata niya nang makita niya mula sa bukas na pinto ng kusina ang imahe ni Deyanne na nagsasalang ng damit sa washing machine sa laundry area. Weekly, tuluyan na nga itong naging tagalaba nila pansamantala habang nasa bakasyon ang labandera nila. His mom was giving her extra money for it.
As if directed by faith, lumingon si Deyanne sa direksyon niya at ngumiti naman nang malapad. "Good morning, sweetie pie Tunton!" agad na pagbati nito.
He rolled his eyes. Naalala na naman niya ang iminaktol niya magdamag: her endearments to handsome guys in the campus. "My morning isn't good because I see you."
"Ay, may topak ka pa rin?"
Topak? All along you think tinotopak lang ako? Bigla siyang napaisip. Bakit hindi ba?
"What?"
"Sabi ko, may topak ka pa rin pala. Ano ba'ng offense ko, sweetie pie? Kung iniisip mo iyong mga endearment ko sa mga pogi sa campus, walang meaning iyon."
So walang meaning din iyong sweetie pie? Gusto sana niya iyon itanong ngunit pinigilan niya ang sarili. Mahahalata nitong affected siya. Ayaw niyang malaman nito iyon.
"Pakialam ko naman? The nerve!"
Umiling na iniwasan niya ito at nagsalin ng kape mula sa coffee maker at umakyat muli sa kanyang silid.
"Ariston, hoy!" he heard her say but he just ignored her.
Bumalik siya sa balkonahe at tinanong ang langit kung bakit ang topak niya ay hindi pa rin maalis. Geez, it's almost mid-term week. Income taxation dapat ang nasa isip ko at hindi siya!
"I need to run." Inubos niya ang kape at nagpalit ng running outfit. He wore his smartwatch and went out of his room. Nakita niya roon si Deyanne. Hawak na nito ang tumbler niya. Kung paano nito nalamang mag-jogging siya, hindi niya alam.
"Ariston, kung ano man iyang ikina-bad trip mo, sorry." Iniabot nito sa kanya ang tumbler niya. "Happy takbo! Babawi ako. Pagbalik mo may masarap na breakfast."

BINABASA MO ANG
MU Series: The Careless Cutie
Teen FictionAriston Sebastian A. Celerio thinks that studying at Montecillo University will give him peace. Well, kabaligtaran ang nangyari. Dahil nasa top list ng campus crushes, halos lahat ng babae-pati na rin ng mga lalaking pabebe-ay pinagkakaguluhan siya...