Chapter 34

170 122 10
                                    


NAALIMPUNGATAN si Deyanne nang maramdaman niyang may lumapat na halik sa kanyang noo. She easily recognized the familiar scent of that someone. Hindi siya makapaniwalang si Ariston iyon. Noong una nga ay inakala pa niyang baka nagdedeliryo lang siya dulot ng high fever. But when she tried to open her eyes, his handsome face welcomed her.

Ngunit nang magsalubong ang kanilang mga mata ay bumalik sa gunita niya ang masasakit na salitang binitiwan ni Ariston. Tiningnan niya ito nang masama. Itong lalaking ito nga pala ay mababa ang tingin sa kanya. Hindi pala totoo ang mga ka-sweet-an na pinagsasabi nito sa kanya dati. She gave almost everything on her plate just to be loved by him. At ito ang napala niya. A part of her heart felt like she got a wrong decision. Mali na minahal niya ito.

Sinubukan niyang bawiin ang kamay niyang hawak nito. Nagulat ito sa ginawa niya. His expressive eyes were reflecting worries and concern.

Pero tapos na ang era na magpapabudol ako sa nang-aakit mong mga mata. Sa mukha mong pagkaguwapo-guwapo at sa men scent mong amoy yummy . . . ang bango—teka self! Akala ko ba hindi ka na papabudol? Rupok yern?

Iniiwas niya ang tingin. "Ano'ng ginagawa mo rito? Galit ka, 'di ba? Wala ka namang pakialam sa akin at all, 'di ba?" She gathered her courage to face him. Palaban siyang tao. Ipinangako na niya sa sarili na hindi na siya iiyak sa harap nito. "Masama ang pakiramdam ko, Ariston. Kung andito ka lang para mang-insulto uli o awayin na naman ako, umalis ka na lang!" pagtataboy niya rito.

Nang magkamalay siya at nalaman niyang nasa hospital na pala siya, ikinuwento ni Telai na si Ariston at Xian ang nagsugod sa kanya sa hospital. Telai even told her that Ariston wanted to make it up to her. Iyon din ang narinig niya mula rito kanina bago siya tuluyang magising. Kung ang dating Deyanne ang nasa sitwasyon, malamang sa kinilig na siya sa sweetness ni Ariston. Ngunit dahil iba na ang sitwasyon ngayon, nagulat na lang siya dahil wala siyang kilig o saya man lang na naramdaman. Ang alam lang niya, gusto na lang niyang protektahan ang sarili upang hindi na masaktan muli. Quota na siya.

"Hindi ako aalis kahit ano'ng mangyari. I know, I messed up. I broke my promises. Pero itong pangako ko na mananatili ako sa tabi ko, hindi ko ito sisirain—"

"Tama ka na, Ariston. Hindi mo na ako mabubudol sa ganyan. Ayoko na," pagmamatigas niya. "Isipin mo na ang gusto mong isipin, bahala ka."

Surprisingly, Ariston was was just listening to her. Hindi iyon ang inaasahan niya rito. Palagi itong nakikipag-argue. He was different that day. Kaya ipinagpatuloy niya lahat ng gusto niyang sabihin dito.

"Parents know best talaga. Naging mabuting anak na lang sana ako at sinunod sina Tatay na huwag munang mag-boyfriend. Pero thank you. Pinatatag mo ako. Iyong tipong kahit anong pang-iinsulto pa siguro ang marinig ko mula sa ibang tao, kayang-kaya ko nang lunukin. Narinig ko na kasi ang pinakamasasakit na salita sa 'yo."

"I'm sorry, Deyanne. I'm really sorry," malambing na sambit nito.

Deyanne felt something warm in her heart. That was it. Isang sorry lang, okay na siya. Eh, nakailang sorry na bai to? Marupok ka nga, self! Confirmed!

Hinawakang muli ni Ariston ang free hand niyang walang suwero. "I am wrong. Iyong mga nasabi ko, hindi naman talaga gano'n ang tingin ko sa 'yo. That time, I was confused. I was afraid. Binuo ko na ang buhay ko at kasama ka na sa plano tapos nangyari iyon. Natakot ako na isang malaking laro lang ang lahat. Natakot ako na gumuho iyong plano ko sa buhay dahil minahal kita. I'm sorry. Alam ko namang hindi mo magagawa sa akin iyon. My heart knows that you love me for real. I know should think first before I speak. Pero iyong magaspang kong ugali at pagiging taklesa, hindi nakinig, eh. I know I sound stupid. Yes, I am stupid." Hinalikan nito ang kamay niya and gazed at her. "I'm really sorry if you feel that you loved a wrong guy. I'm sorry for being wrong."

MU Series: The Careless CutieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon