"IKAW talaga, sweetie pie! Huwag mo nga akong titigan nang ganyan. Nang-aano ka, eh. Enebe?! Ganda ko ba?" kilig na kilig na hirit ni Deyanne habang pinagmamasdan ang solo pic ni Ariston sa Faces of Montecillo Magazine ng Areum Gazette. Released na ang magazine at tinotoo niya ang sinabi noon. Nag-take home siya ng sampung kopya.
Nasa office siya ng Animal Care Center ng AMMC. In preparation sa sem-break ay nagte-training na siya sa AMMC. Magtatrabaho na siya sa kompanya kapag wala siyang pasok at during semestral break. Dahil dito ay tatapusin na lang din niya ang semester bago mag-resign sa milk tea shop. Hindi na rin kasi kakayanin ng Darna-self niya.
Anibersaryo ng AMMC nang araw na iyon. Nagpamisa sa loob ng compound at buong pamilya ng Arella at Celerio ay nag-participate sa misa. Siyempre, dahil bida-bida siya, isa siya sa naging reader kasama si Telai. Sina Ariston at Ernest naman ay nagsakristan.
Pumunta lang siya sa office para i-check ang email ng visiting veterinarian ng AMMC para sa schedules ng vaccination at deworming ng mga livestock animal ng kompanya. At habang hinihintay matapos ang pini-print na files ay inilaan niya ang oras niya para namnamin ang laman ng magazine. Libre siyang magpakabaliw dahil siya lang ang tao sa office.
"Gusto mo, kiss kita?" tanong niya sa picture ni Ariston. "Ishe lang ha." She pouted her lips and about to kiss the magazine page when door opened. Napaurong ang nguso niya at napaayos ng upo sa pag-aakalang ang lolo ni Ariston ang dumating. Niyakap na lang niya ang magazine. But, Ariston was the one who entered the room.
"The feast is about to start. Why are you here?" tanong nito.
Kahapon lang ito lumabas ng university hospital. For the past few days ay sinikap niyang magbantay sa hospital hangga't kaya niya. Umaalis lang siya kapag may laro sila. Well, Montecillo Queens was held the champion for volleyball women division. Nag-champion din ang Montecillo Kings. Hakot-award ang MU nang nagdaang University Meet.
"May pini-print lang ako. Need na ito mapirmahan nina Tita Jibelle," sabi niya. Bumalik siya sa pagbubuklat ng magazine with feelings. "Ang guwapo mo talaga, sweetie pie!"
"Tigilan mo na iyang pangha-harass sa picture ko," sabi nito sabay upo sa visiting chair.
"Appreciation ang tawag do'n, hindi harassment."
Ibinaba ni Deyanne sa mesa ang magazine habang bina-browse pa rin iyon. Napahinto siya sa page kung saan ang pogi face ni Perry ang bumugad sa kanya. Binalingan niya si Ariston. "May tanong ako. Gaano katagal ka nang bet ni Perry idol?"
BINABASA MO ANG
MU Series: The Careless Cutie
Teen FictionAriston Sebastian A. Celerio thinks that studying at Montecillo University will give him peace. Well, kabaligtaran ang nangyari. Dahil nasa top list ng campus crushes, halos lahat ng babae-pati na rin ng mga lalaking pabebe-ay pinagkakaguluhan siya...