Chapter 11

212 115 4
                                    

"SIGURADO ka ba dito, anak?"

Napalingon si Deyanne kay Tita Jibelle. Sakto namang kalalapag lang nito ng laundry bin sa tabi niya. Nakigamit kasi siya ng automatic washing machine nito. In return, she volunteered to wash their clothes since no one would do that to them that day. May sakit ang labandera ng pamilya.

Weekend kaya umuwi muna sila sa Batangas. Ariston was doing his morning run with and Aristella habang siya, morning kunsumisyon ang napala. She just found out that her brother got his girlfriend pregnant. Malapit na pala manganak iyong girlfriend ng kuya niya kaya itinakbo na ng kuya niya ang pera. Doon napagdugtong-dugtong ni Deyanne ang mga pangyayari. Nagsimulang ibulsa ng kuya niya ang perang pinaghihirapan nila para sa bahay at lupa noong malaman nitong buntis ang girlfriend.

"Oo naman po, tita. Ako na po ang bahala sa labada," tugon niya. Napansin niya ang mga damit sa laundry bin. Sigurado siyang damit ni Ariston iyon. "Ganito po talaga ang nagmamahal. Kailangang manilbihan," biro niya. Aware naman ang magulang ni Ariston sa kalokahan niya kaya hindi na siya nahihiyang magbiro sa mga ito.

Tumawa lang si Tita Jibelle. "Sige na nga. Ipagpatuloy mo iyang pangungulit sa anak ko at baka mabawasan ang pagiging taklesa at masungit." Umupo na si Tita Jibelle sa kalapit na outdoor table. Maaga pa lang pero nasa harap na ito ng laptop kahit weekend naman.

"Salamat sa blessing, Tita Jibelle." Muling tumawa ang ginang sa tinuran niya. Isinalang na niya ang mga damit ni Ariston sa washing machine pagkatapos ay umupo siya sa tapat ni Tita Jibelle.

"Tita, may ipo-propose po sana ako," sambit niya.

"'Di ba dapat kay Tunton ka nagpo-propose?"

Napatawa siya. "Hindi po iyon, tita. Ibang proposal po. Seryosong proposal." Kinuha niya sa bag na dala ang printed proposal niya at ibinigay iyon dito. "Ito po."

"What is this?" Agad na binasa nito ang business proposal niya. "You want a lower reseller price for Chicharon ni Tunton? Saan mo gagamitin ang extra money? Kulang pa ba ang allowance na ibinibigay namin?"

"Ah, hindi po, tita. Labis-labis pa nga po iyon. Kailangan ko lang po magpadala ng pera kina Tatay sa Bukidnon. Hindi naman po tamang doon ko bawasin iyon sa allowance na ibinibigay ninyo sa akin."

"Bakit? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ni Tita Jibelle. She had been a good friend of Deyanne's father since they were in high school. Alam ni Deyanne na parang kapatid na ang turing ni Tita Jibelle sa ama niya kaya madali itong mag-alala.

Napilitan siyang ikuwento kay Tita Jibelle ang nangyari. "Kaya kahit po sana sa kaunting raket, makatulong ako kina tatay. Wala na po kasi kaming aasahan sa mga kapatid ko. Kami na lang po nina nanay at tatay ito."

Tita Jibelle sighed. "Sinabi ko naman sa tatay mo na ako na ang bibili ng property na iyon para hindi n'yo na iyon iintindihin, eh. But knowing your tatay, naku, hindi pumayag. Saan mo ibebenta ang chicharon natin?"

"Ah, target ko po sana sa cafeteria ng MU at sa food alleys malapit sa MU. Doon sa may burger-an po, sa tindahan ng siomai, at saka po doon sa tindahan ng fries. Try ko na rin po mag-online selling."

"To be honest, papagalitan ako ni Tito Jude mo sa gusto mong mangyari. Ayaw kasi noon na magtrabaho ka pa kaya nga tinaasan no'n ang allowance mo. But, I understand you well. Sige, pipirmahan ko ito at dalhin mo sa office ni Tito Carsing mo. Itatawag ko na lang ito."

Napangiti si Deyanne nang pirmahan na nga ni Jibelle ang proposal niya. "Salamat po, tita."

"'Wag ka nang kukuha ng ibang raket at baka mapagod ka na. Ito na lang at saka kapag may iuutos kami, babayaran ka na lang namin para magka-extra ka."

MU Series: The Careless CutieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon