ONE month later. Maagang gumising si Ariston at nag-ayos siya ng kanyang closet. Kung ano-ano na lang talaga ang ginagawa niya para hindi malungkot ngunit kahit saan ata siya mapunta o ano pa man ang kanyang gawin, sadyang hindi na mawawaglit sa isip niya si Deyanne. Walang araw na hindi niya ito nami-miss. Hinuhusto na lang niya ang sarili sa paghihintay na magparamdam ito sa suot niyang smart bracelet. So far, they were consistent. Nakabuo na sila ng time pattern kung anong oras sila magpaparamdam sa isa't isa.
Bahagya siyang napatawa nang makita niya ang boxer briefs na iniregalo ni Deyanne sa kanya dati. I miss your craziness. How I wish na puwedeng umapila kay Ninong Carding. Napangiti siya nang mag-vibrate ang kanyang bracelet kasabay ng pag-ilaw nito. "Good morning, my dazzling Deyanne." He tapped his bracelet as a response.
Ipinagpatuloy niya ang pag-aayos ng underwear drawer niya nang may makita siya. Kinuha niya ang pink na manipis na telang iyon at napakunot ang noon ang pinagmasdan iyon. Bakit may panty sa drawer ko?
Napatawa siya nang finally ay maalala niya. It was Deyanne's; ang panty na nagsimula ng lahat sa kanilang dalawa. Geez, nasa akin pala talaga ito! I thought I already threw this somewhere. Naalala tuloy niya ang araw na iyon. Hindi niya gusto ang presence ni Deyanne pero aminado siyang unang araw pa lang, nakuha na nito ang atensyon niya. Itinago na lang niya iyon kasama ng boxer briefs na bigay nito bago pa siya tuluyang mag-emote. Ang pangit namang tingnan na dahil sa panty ay umiyak pa siya.
Bumaba siyang bahay at naabutan niya ang kanyang ama't ina na may kausap sa laptop via video call sa sala ng bahay. Dumiretso na lang siya sa kusina at nagtimpla ng kape. Muling nag-vibrate at umilaw ang bracelet na suot niya. Deyanne must be missing him so much. Supposedly, they would be celebrating their 6th month of relationship that day. Naalala din siguro nito iyon. He tapped his bracelet. Happy anniversary, my dazzling Deyanne. I love you so much and I miss you too.
"Sigurado ka na ba diyan, Carding?"
Napasilip si Ariston nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ina sa kausap. Ang ninong pala niya ang ka-video call nito.
Hindi niya naririnig ang tugon ni Ninong Carding dahil naka-earphones ang kanya ina. Na-curious siya sa pinag-uusapan ng dalawa nang tila natuwa ang kanyang ina at may ibinulong sa kanyang ama. Nagkibit-balikat na lang siya. Baka may business deal sila sa Bukidnon na si Ninong Carding ang nag-asikaso at nagtagumpay iyon.
Kailan kaya ako papayagan ni Ninong na makausap si Deyanne? Five years pa talaga? God, I can't wait that long.
Malungkot na dumulog siya sa hapag upang mag-agahan. Wala ang kanyang dalawang kapatid sa bahay at doon sa lola niya sa Rizal nag-stay. For the first time, mas pinili lang ni Ariston ang mag-stay sa AMMC. Ayaw niyang malayo sa lugar kung saan siya pinakamalapit sa alaala ni Deyanne.
"Anak, mag-usap tayo," anang kanyang ina. Umupo si Mama Jibelle sa tabi niya at umupo naman sa tapat niya si Daddy Jude.
"Ano po iyon?"
"Napapansin na namin na nag-iba ka. Malungkot ka lagi. Alam naming mahirap iyong pinagdadaanan mo, pero andito kami, anak. We can talk about it," sabi ni Daddy Jude.
"Okay lang po ako. Malungkot lang po pero kinakaya ko naman po," tugon niya.
Niyakap siya ng kanyang ina. "Naalala ko ang past namin ng tatay mo sa 'yo. Para ka talagang tatay mo."
"Masyado po ninyong mahal si Daddy Jude that time kaya siguro po namana ko na lahat kay Daddy."
"Manahin mo na lahat, anak, huwag lang mga kalokohan ko noon. Anyway, iyang couple bracelet ninyo ni Deyanne, is it really working?"
BINABASA MO ANG
MU Series: The Careless Cutie
Teen FictionAriston Sebastian A. Celerio thinks that studying at Montecillo University will give him peace. Well, kabaligtaran ang nangyari. Dahil nasa top list ng campus crushes, halos lahat ng babae-pati na rin ng mga lalaking pabebe-ay pinagkakaguluhan siya...