Chapter 4

319 111 19
                                    

EXCITED lumabas si Deyanne ng exam room. An hour after ng entrance exam ay nakuha na agad nila ang result. Hawak niya ang puting envelope na naglalaman ng exam results. Pagkalabas ng room ay tumitiling niyakap siya ni Aristella.

"Congrats sa atin, Telai!" hirit niya.

"Congrats, Deyanne! Schoolmates na uli tayo!" Umupo sila sa bench sa hallway habang hinihintay na balikan sila ni Ariston. "Eh, Bff, paano ba iyan? Pasado ka sa MU. Ibig sabihin, haharutin mo talaga si Kuya Tunton?" tanong ni Aristella.

Tila kinikilig na sinapo niya ang dibdib habang hawak pa rin ang white envelope at pangiti-ngiting hinarap si Aristella. "Hindi na mapipigilan ang tadhana. Alam mo namang nakalaan ang kagandahan ko sa kapogian ng kuya mo, 'di ba? This is an act of destiny. Handa na akong mahalin siya nang buong puso, atay, bituka, pantog . . . lahat na!" patawang hirit niya na bumenta naman sa tatawa-tawang kaibigan. "Wala na rin namang atrasan kasi nakapag-declare na ako. Mai-in love din ang kuya mo sa akin. Itaga mo iyan sa bato!"

"Bahala ka na diyan sa trip mo, Deyanne. Support lang kita pero warning lang. 'Wag aasa nang bongga. Iyong kuya ko, kita mo naman kung gaano kasungit. Wala rin iyang pinapansing babae. Hate na hate niya ang nagpapapansin sa kanya katulad ng ginagawa mo. At mukhang hindi ka niya bet, pero ipagdarasal ko na makulam mo siya. Good luck na lang, bff! 'Di hamak naman na mas type kitang maging sister kaysa do'n sa mga babae kanina. Kaloka sila."

"Aw, ang sweet mo naman Telai! Thank you for the blessing. 'Wag kang mag-alala. Aalagaan ko ang kuya mo. Bubusugin ko siya ng pagmamahal at aalayan ko siya ng buong katawang Diyosa ko, kasama na ang kaluluwa. All for the sake of love. Charot!" biglang bawi niya. "Mag-aaral ako dito sa MU. Hindi ako haharot." For Deyanne, Ariston was just like a good doze of inspiration. Pampasaya ng buhay, pamapabuhay ng dugo. Kaya kahit taray-tarayan siya nito, deadma lang. Mas gumaguwapo pa nga ito sa paningin niya kapag nagsusungit ito.

"Weh? Kahit magkamilagro at i-harot back ka ni Kuya Tunton?"

"Ano ka ba, bff? Siyempre, joke lang. Kaya ko namang pagsabayin ang pag-aaral at pagharot sa kuya mo. Expert 'to sa multi-tasking!" Pero alam naman niyang malabo pa sa malabong mata niya iyon sa ngayon. Hindi puwedeng magsalita ng tapos agad, Deyanne. Baka maaakit ko pa naman siya gamit lang ang ganda at talino ko. Pak ganern!

Napailing na lang si Telai sa sinabi niya. "Ang labo mo ata, bff!"

Naagaw ang kanilang atensyon nang mahagip ng kanyang paningin ang papalapit na si Ariston na may kasamang magandang babae. Nagtatatawan ang mga ito at mukhang ang sweet ng dalawa sa isa't isa. Eksaheradang sinapo ni Deyanne ang kanyang kaliwang dibdib bago hinampas ang balikat ni Aristella. Her eyes were still on Ariston's happy face.

"Ilang oras lang kaming nagkalayo ng sweetie pie ko, biglang may iba na siya! Sino siya? Sino siya?!" eksaheradang hirit niya.

Tumawa si Aristella. "Sira! Si Ate Patty iyan. Kinakapatid din ni Kuya."

Napakunot-noo si Deyanne. "Patty? Siya ba iyong anak ng Jiampong ninong ni Kuya Tunton? Iyong kalaro natin dati no'ng bata pa tayo?"

"Korek! Well, best friend siya ni Kuya. I think, hindi naman sila mag-jowa unless sinesekreto nila."

"In fairness, ang ganda niya at bagay sila," malungkot niyang sagot.

Kung ang tipo ni Patty ang type ni Ariston, feeling dehado si Deyanne. Hindi niya mapapantayan ang ganda ni Patty. Ang kinis ng balat niya, parang naliligo ng gatas. Samantalang ako, mukhang kinulang sa gatas.

MU Series: The Careless CutieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon