"Hey, Aris! Please come back to earth!"
Napabalik sa babaeng kasama ang atensyon ni Ariston. Early that morning, this girl sent him a message and asked if they could meet on lunch time. Kararating lang nito mula Germany at naisipan nitong bisitahin siya sa MU.
"I'm sorry, Beatrice," he said.
"Ano ba kasing iniisip mo?" she asked sweetly. Inilingkis nito ang mga kamay sa braso niya at humilig sa kanyang balikat. Mukha tuloy silang mag-jowa na nagla-lunch date sa Dew Thai Milk Tea Shop located sa labas ng MU. Dito rin nagpa-part time cashier si Deyanne. Pinagtitinginan na nga sila ng ibang mga estudyante ng MU na naroon dahil masyadong clingy si Beatrice.
Ariston never thought that this girl would turn into a beautiful sexy woman after years. Ito ang babaeng iniligtas nila nina Eli at Beau noong high school sila mula sa mga bully na pinag-trip-an ito. Since then, he developed a good friendship with Beatrice. After high school, Beatrice lived and studied in Germany with her mom who happened to be Daddy Jude's friend too.
"Wala, inaantok lang ako," palusot niya.
He was preoccupied with the threat that Deyanne might choose his cousin Lenard over him. Last week, during the anniversary party of AMMC, Lenard told him the he really wanted to court Deyanne. Pinadalhan pa nga ng pinsan niya ng isang bouquet of flowers ito to express his sincerity about courting her. Naunahan siya ng pinsan niya that day. May ibibigay naman talaga siyang bulaklak para kay Deyanne sana. It was a surprise na susundan pa sana niya ng pagtatapat. Ngunit hindi na niya nagawa ang plano nang dumating ang dalawa nang magkasama pagkatapos ay sinabi pa ni Deyanne sa kanya ang move na ginawa ni Lenard as if it was nothing. And that kept on haunting his head. Paano kung maunahan siya ng babaero niyang pinsan?
They were totally opposite. Lenard was vocal and sweet while Ariston couldn't even show off his feelings to Deyanne.
"I need a Plan B," wala sa sariling nasambit niya na nagpangiwi kay Beatrice.
"Talagang nasa ibang planeta ang utak mo, Aris. Kumain ka na nga."
Muli siyang natauhan nang umalis sa pagkakalingkis sa braso niya si Beatrice. "Sorry again. Wala talaga ako sa sarili kapag inaantok."
"I don't believe you. May iniisip ka. Sino ba iyan? Girl? May girlfriend ka na ba, Aris? Bakit walang kinukuwento sina B at E?" She was pertaining to Beau and Eli.
"Wala kaya wala silang ikukuwento sa 'yo," he said and sipped his iced coffee.
"Baka naman ikukuwento mo na sa akin nang mauna naman ako sa details," nakangising sambit nito.
Umiling siya. "Nasaan na ba ang dalawa? Sinabihan mo ba?"
"Nope. I'll already dated Beau early this morning. I'll date Eli tomorrow morning," tugon nito na nasundan ng pagsubo ng pasta na in-order nito.
"Wow. Scheduled."
"Well, minsan ko lang naman kayong makita. Dating you exclusively is no biggie." She smiled at him. "Now, tell me. Si Patty ba ang iniisip mo? Kayo na ba? Is there a progress?"
Umiling siya. Talagang makulit itong si Beatrice. Hindi pa rin tinigilan ang topic na iyon na ayaw naman niya talagang i-discuss kahit kanino. "No. Iba iyong iniisip ko."
"Oh! So may bago ka nang nagustuhan, sa wakas! Tell me about that girl. Sige na!" She was excited while he felt so awkward.
He was about to reply nang maagaw ng pagbukas ng main door ang kanyang atensyon. Nasa left side ng main door kasi sila nakapuwesto. He had the good access to see who came in the shop. Lenard came entered and Deyanne followed. Parang may kung anong sumuntok sa puso niya. Pero sa halip na umiwas ng tingin, lalo pa niyang tinitigan ang dalawa. At dahil malapit sila sa main door, narinig niya ang conversation ng mga ito.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Careless Cutie
Teen FictionAriston Sebastian A. Celerio thinks that studying at Montecillo University will give him peace. Well, kabaligtaran ang nangyari. Dahil nasa top list ng campus crushes, halos lahat ng babae-pati na rin ng mga lalaking pabebe-ay pinagkakaguluhan siya...