ABOT-TAINGA ang ngiti ni Deyanne habang naglalakad siya palabas ng dorm. Bitbit niya ang isang lunch bag na may lamang two slices of cheesy tuna sandwich at malamig na cucumber lemonade na nakalagay sa isang insulated tumbler. Ibibigay niya iyon kay Ariston.
Days passed. Sinubukan ni Deyanne na kalimutan ang traumatic na pagkakadamay sa kanya sa kidnapping incident. Inisip na lang niya na mas traumatic ang mapagkamalang yaya ni Xian kaysa sa mga pagmumukha ng mga dumukot sa kanila.
Moving on, inilaan na lang niya ang mga sumunod na araw sa studies at pagkita ng extra. Nakuha na niya ang deal sa Heaven's Burger. Na-forward na niya kay Tito Carsing, na siyang namamahala ng chicharon products ng AMMC, ang orders. AMMC na ang magde-deliver noon at siya lang ang maniningil. Malaking tulong ang pagtitinda ng chicharon sa kanya. Nakakaipon na siya ng ipadadala sa magulang.
Sumakay siya ng bus service para makarating sa School of Business and Economics Building. Sasadyain niya si Ariston sa classroom para ibigay ang ginawa niyang sandwich. It was her way of appreciating him. Kahit naman sinusungitan at binabara siya nito, what he did that day when she got kidnapped was something to be thankful of.
Pagbaba niya ng bus ay may nakita siyang ID sa tabi gilid ng sidewalk. Agad niyang pinulot iyon at napagtantong ID pala ni Ariston iyon. Itong lalaking ito talaga, napakapabaya sa mga gamit.
Madalas na niyang naririnig sa mga usap-usapan ng ibang mga estudyante na napulot raw nila ang ballpen, panyo, notebook, at higit sa lahat, ID nito. She even witnessed seeing a group of girls going crazy as they were holding Ariston's expensive gel pen. Oo, baliw din siya kay Ariston pero hindi naman niya sasambahin ang ball pen nito. Bakit ko sasambahin ang ball pen kung nahawakan ko na ang boxer shorts niya? Mind set, dude! Mind set!
Hinanap ng beautiful eyes niya si Ariston. Kung nailaglag nito ang ID, hindi ito makapapasok sa building kaya tiyak siyang nasa paligid lang ito. Nakita ng cute niyang mata ang hinahanap na naglalakad papasok ng building.
"My sweetie pie Ariston!" eskandalosa niyang pagtawag dito.
He irritably shouted, "Get lost, Deyanne!" when he turned to her.
"Later. Hintayin mo ang beauty ko diyan."
He rolled his eyes. "Ano na naman? Agang-aga, panira ka ng araw!" singhal nito.
Ngumiti siya. "My sweetie pie, panira man ako sa iyong paningin, balang-araw, magiging akin ka rin."
"Deyanne, just go back to your building. We both still have classes." Tinalikuran na siya nito.
"Wait! Sandali lang, Ariston. Kakailanganin mo ang beauty ko!"
"No, thanks." Kinapa nito ang bulsa pagkatapos ay tila may hinanap sa bag na dala. "Where the hell is my ID?"
Ibinigay niya ang ID nito. "Sabi ko sa 'yo, kailangan mo ang beauty ko."
Kumunot ang noo nito nang kunin ang ID sa kanya. "Bakit nasa 'yo ang ID ko?"
"Napulot ko roon sa sidewalk." Tiningnan siya nito nang may pagdududa. "Ariston, crush nga kita pero hindi ko pagkakainteresan ang mga gamit mo, ano."
"Then why are you here?"
Iniabot niya rito ang blue na lunch bag. "Ibibigay ko ito sa 'yo." Tiningnan lang nito ang lunch bag bago muling bumaling sa kanya kaya kinuha niya ang kamay nito at pinahawakan doon ang lunch bag. "Sandwiches iyan at cucumber lemonade. I know, full load ang classes mo today. In case magutom ka, kumain ka during fifteen-minute class breaks. Kailangan mo iyan para hindi ka gutom mamayang try out game mo sa soccer team."
"Walang lason 'to?" tanong nito.
"Don't worry, safe na safe iyan. Lason-free. Gayuma-free. Full of love lang." Namataan niya ang bus. "Andyan na iyong bus. Sige, aalis na ako. Enjoy the food!" Nakangiti tumakbo na siya sa loading area at sumakay agad sa bus.
![](https://img.wattpad.com/cover/304285892-288-k954863.jpg)
BINABASA MO ANG
MU Series: The Careless Cutie
Teen FictionAriston Sebastian A. Celerio thinks that studying at Montecillo University will give him peace. Well, kabaligtaran ang nangyari. Dahil nasa top list ng campus crushes, halos lahat ng babae-pati na rin ng mga lalaking pabebe-ay pinagkakaguluhan siya...