Chapter 25

203 119 10
                                    

TULALA si Deyanne habang hawak-hawak niya ang isang clipboard

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TULALA si Deyanne habang hawak-hawak niya ang isang clipboard. Sa private golf park ng Azucarera de Valencia gaganapin ang MU Victory Party. Ang party ay inilunsad ng university katuwang ang SSG at Sports Department ng school bilang celebration sa pagiging overall champion ng MU sa nagdaang University Meet. Isinabay na rin doon ang celebration ng success ng Faces of Montecillo Magazine ng Areum Gazette. It was a formal party. At ang damit niya? Hiniram lang niya kay Aristella. Isinuot nito ang damit na iyon noong nag-pre-debut photoshoot ito. It was a black serpentina-cut beaded gown na may slit sa kanan. Medyo revealing ang damit pero keri lang naman ng ganda niya iyon.

Ang hindi keri ng puso niya ay ang nasaksihan niya kanina nang mag-duty siya sa milk tea shop. May ka-date si Ariston na isang babae na may angelic na mukha. Napakaganda ng babaeng iyon at clingy kay Ariston. Siyet naman! Bagay din sila.

She sighed. Ang labo. Hindi pa ba sapat ang panliligaw niya para mag-date ito ng ibang babae? Hindi pa ba sapat ang sandwiches na ibinibigay niya rito para mabusog ito sa love and attention mula sa kanya? O baka naman dahil alam niyang nanliligaw sa akin si Kuya Lenard kaya siya gano'n?

Iyon pa ang isa pa niyang problema. Sinabi naman niya agad kay Lenard na kuya lang ang tingin niya rito but he insisted to still court her. Sinabi rin naman niya kay Ariston ang tungkol dito but he didn't react at all. Hay, mahirap pala talagang maging maganda.

Namataan niya si Aristella wearing a nude color serpentina-cut beaded gown. She was walking to her direction with Trace Acedillo na in fairness, matched sa suot ni Aristella ang suot na pearl white tuxedo. Nag-usap sa suot? Bongga! Matamis ang ngiti ni Aristella habang nag-uusap ang dalawa.

"Ah, dito muna ako, Trace," sabi ni Aristella dito.

Nginitian muna siya ni Trace bago nito sinagot ang sinabi ni Telai. "Okay. I'll see you, ladies, around."

Kumaway lang siya dito bago ito tuluyang umalis at pumunta sa may stage to take some photos.

"Ano na, bff? Close na kayo ni Trace? Nag-usap kayo ng outfit ano? Matchy pa naman kayo," usisa niya.

Pasimpleng hinawi ni Telai ang buhok at iniipit iyon sa likod ng tainga nito. "Enekebe, bff! Pereng tenge!" Tumawa ito. "Medyo close na kami. Nagkaka-chat gano'n."

"Hala, ang harot!" tudyo niya. "Alam ba ng kuya mo iyan?"

Lumingkis si Tela isa braso niya. "Bff, 'wag mo sasabihin kay kuya iyong tungkol kay Trace. Baka magalit iyon at saka baka isumbong ako kay Daddy Jude."

"Okay, bff. Promise. Pero bakit need mo i-secret?"

"Alam mo naman si Daddy Jude: parang bata pa rin ang tingin sa akin at si Kuya Tunton, OA sa pagka-protective. Hinahanda ko lang ang lahat once na ligawan na ako ni Trace. You know, papunta na kami sa gano'n. Kaunting akit na lang," patawang hirit ni Telai.

MU Series: The Careless CutieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon