Chapter 15

235 111 5
                                    

MALUNGKOT na nakatitig si Deyanne sa huling message na ipinadala ni Ariston sa kanya. Binasted na nga siya nito. Siguro masayang-masaya na ito ngayon sa unang pagkakataon ay tinanggap niya ang pantataboy nito sa kanya. Alam niya may mali siya. Humingi na lang sana uli siya ng tawad sa pagkakatawag dito sa palayaw nito sa kalagitnaan ng crowd kaysa hindi ito kausapin. Dumagdag sa tuluyang pagbagsak ng confidence niya katotohanang kahit ano'ng gawin niya, hindi niya mapapantayan si Patty sa buhay ni Tunton.

Puwede ko pa bang ilaban, Tunton ko?

Mula nang araw na iyon ay hindi na siya pinapansin ni Ariston. Hindi na rin nito tinanggap ang sandwiches na ginagawa niya kaya ipinabibigay na lang niya iyon kay Beau. Ngunit according to him, hindi rin ginagalaw ni Ariston ang pagkain. She wondered kung sinilip man lang nito ang pinaglalagyan ng sandwich. May apologetic messages kasi iyon. Tinadtad na rin niya ito ng apologetic messages sa messenger pero deadma pa rin. She even left a love note sa bulsa ng nilabhan niyang boxer shorts nito pero wala pa rin talaga siyang narinig mula rito. Nagsisimula na siyang maniwala na seryoso nga si Ariston sa pamba-basted sa kanya. Malungkot talaga siya dahil doon.

No'ng nakaraang gabi nga ay iniiyak na niya kay Aristella ang pangde-deadma ng kuya nito. Nami-miss na niyang kulitin ito. Nami-miss na niya ang kasungitan nito.

But that didn't stop her from supporting him. Kanina ay nanood siya ng practice game ng soccer team. Kahit ilang segundo lamang naipasok sa game si Ariston, masaya siyang makita itong naglalaro. Nag-send siya ng congratulatory message kasunod ng apologetic message dito. Ngunit tulad nang dati, sini-seen lang nito ang message niya.

She sighed. "Deyanne, hindi ba pupunta si Ariston sa meeting? Kung hindi siya magre-recital, aalisin ko na lang siya sa choir group," sabi ng leader ng organization.

"Sige, ime-message ko," tugon niya.

She immediately sent Ariston a text message.

To My Sweetie Pie:

Tunton, hinahanap ka na ng choir leader. Need mo na mag-recital. Tatanggalin ka sa group kapag hindi ka mag-recital ngayon. Madi-disappoint si Mr. Jaewon Park. Palagi ka pa namang hinahanap ng ninong mo 'pag may meeting.

Sunod niyang text dito ay sinabi niya na nasa auditorium sila. Hindi ito nag-reply. Hindi na rin siya umasang darating ito. After all, this was what he really wanted: ang matanggal sa mga organizations na pinaglilistahan niya ng pangalan nito.

"'Wag n'yo na ngang hintayin iyang Ariston na iyan. Baka nga sintunado iyon kaya ayaw mag-recital. Puro pagpapapogi lang naman ang alam no'n," sabi ng isang lalaki.

Hindi ito kilala ni Deyanne. Ang alam lang niya nasa higher year iyon.

"Marunong kumanta iyon," pagtatanggol ni Deyanne. Alam niya dahil nakita na niya ang mga tinatago nitong videos na kumakanta ito. Ipinakita iyon ni Tita Jibelle sa kanya.

"Lahat ng tao, marunong kumanta. Meron lang talaga wala sa tono. Baka doon belong ang sweetie pie mong nam-basted sa 'yo!"

Naningkit ang mata niya. Talagang inuubos ng lalaking ito ang pasensiya niya. "Hoy, for your information, mas magaling kumanta si Ariston kaysa sa 'yo at higit sa lahat "mas" siya sa lahat. Mas guwapo, mas matalino, mas talented. Alikabok ka lang kompara sa kanya. At sino'ng may sabi na na-basted ako ni Ariston? LQ ang tawag doon."

Tumawa ang lalaking ito na para talagang nang-iinis. "Eh, nasaan na ba iyang mayabang na lalaking iyan na pinagmamalaki mo? Wala rito! Kaya dapat, alisin na siya sa group. Puro yabang lang naman ang meron ang lalaking iyon."

MU Series: The Careless CutieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon