Chapter 5

279 111 7
                                    

THEY arrived at Azucarera de Valencia after few hours of travel. First time nakapasok ni Deyanne do'n. It was like a paradise. Maganda rin naman ang Arella Meat Market Compound pero mas malakas maka-hacienda ang azucarera nina Patty. Hindi maiwasan ni Deyanne ang humanga sa lugar.

Ariston smoothly parked the car at entrance of a mansion.

"Sebbie, thank you so much!" Patty leaned her head to Ariston's shoulder.

"Don't mind it, Katkat. Mauna na rin kami."

Napasimangot naman si Deyanne nang malambing na namang kinausap ni Ariston si Patty. Ang sweet n'yo ni Kimchi girl! Bakit, my sweetie pie Tunton?

Bumaba ng kotse si Patty at mula sa mansion ay lumabas naman ang isang may edad nang babae ngunit pak na pak pa rin ang ganda at figure. It was Patty's pretty mom. Katulad ni Tita Jibelle ay parang hindi rin ito tumatanda. Agad nakilala iyon ni Deyanne. Grabe, ang bata niya ring tingnan. Hindi siguro nakatatanda ang yaman. Napailing siya sa walang sense niyang naisip.

"Deyanne, let's go," pagtawag ni Ariston sa kanya.

Dahil kung ano-ano ang iniisip niya, hindi niya namalayang nakababa na ng kotse ang lahat. Siya na lang ang hindi.

"Saan?" tanong niya.

"Bumaba ka na lang kasi, girl. May inihandang Korean foods si Mom," sabi ni Patty.

Korean food? Naku wala akong alam sa ganyan. Nag-aalinlangan si Deyanne dahil hindi naman siya marunong gumamit ng chopsticks at hindi rin siya marunong kumain ng foreign food. Hanggang pangmahirap na Filipino food lang ang kaya ng powers ko.

"Ah, salamat, pero kayo na lang. Okay na ako rito sa sasakyan. Hintayin ko na lang kayo," pagtanggi niya.

Sumilip sa nakabukas na pinto ng sasakyan ang mama ni Patty at ngumiti sa kanya. "Sige na, hija. 'Wag ka nang mahiya. Pasasalamat ko na ito sa sa paghatid ninyo kay Patricia at celebration treat na rin dahil sabi nitong si Aristella, pumasa kayo sa entrance exam ng MU. Madadagdagan ang kaibigan ng anak ko—"

"Mom, don't be paladesisyon. Another slapsoil in my friends list? OMG!" sabad ni Patty.

Pinigilan ni Deyanne ang matawa. Hindi pa ata ito nakaka-move on sa Chanelas niya.

"Patricia, your manners!" sita ng mommy nito.

"Don't worry, mom. Deyanne gets it. She's not hurt. Right?" Binalingan siya ni Patty.

"Opo. Sanayan lang po siguro," tugon niya.

"See? Let's go na! I'm hungry!" Hinila na nito ang braso ni Ariston habang papasok sila sa mansion.

"Halika na," sabi ni Aristella.

Napilitan si Deyanne na bumaba ng sasakyan. "Bff, wala akong alam sa Korean food," pabulong niyang sabi kay Aristella.

"Okay lang iyan. Lagi naman tayong may first time sa buhay natin. At saka, kung bet mo talaga si Kuya Tunton, kailangan mong i-embrace ang Korean food at ang Korean family na ito. My kuya loves being in here . . . being with Park family," litanya nito.

Kade-declare ko lang, challenge agad? Pinagmasdan niya ang paglingkis ni Patty sa mga braso ni Ariston. "Telai, hindi kaya sila nga?"

"Imposible talaga iyan, bff. They're just sweet best friends."

Nakapasok na sila sa loob ng mansion. Hindi maiwasan ni Deyanne ang humanga sa ganda ng bahay. Ang laki ng mansion nina Patty. Iyong porch ng bahay, kasinglaki na ng bahay nila sa Bukidnon. They're heading their way towards the lanai dining area. Bago tuluyang makalabas ng lanai, may dinaanan silang isang mesa na may nakasalansan na libro. Mukhang may nag-aayos ng bookshelf.

MU Series: The Careless CutieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon