PAGOD na si Ariston sa pagmamaneho pero malayo-layo pa siya sa AMMC. Bilang parusa, heto siya, nagmamaneho ng delivery truck ng AMMC. Kung saan-saang parte ng Luzon at liblib na lugar na siya nakarating. At ngayon nga, may kasama siyang delivery staff. Pauwi na sila galing Quezon province.
Ito ang trabahong ibinigay ng tatay niya sa kanya kapalit na tuition niya next semester. Maliban dito ay pumupunta pa siya sa MU tuwing Wednesdays and Fridays para magmaneho naman ng transport bus sa loob ng campus bilang community service. 150 hours ng pagsisilbi sa school ang kailangan niyang matapos. Iyon ang naging sanction ng MU sa offense nilang magkakaibigan. Ariston was thankful na hindi siya tinanggal sa list ng honor students. May chance pa rin siyang magtapos with highest honor sa susunod na taon. Iyon nga lang, kailangan niyang pagpaguran ang lahat.
It had been two weeks since the Christmas Light Festival . . . since the last day he saw his male friends . . . since the first day he had been relationship with Deyanne secretly. Mahirap magtago lalo na kung nasa AMMC lang sila pareho ngayon pero dahil alam naman ng lahat dito na may crush si Deyanne sa kanya, walang nabago sa pangungilit nito. Siya lang ang nagko-control magpa-sweet. Humahanap pa siya ng buwelo para sabihin sa pamilya niya ang tungkol dito. Even Aristella didn't know about it. Sa palagay niya kasi ay mas madaling matatanggap ng pamilya niya iyon kaysa kung mauuna silang magsabi kay Ninong Carding.
Nevertheless, the secrecy added some thrill to their relationship. I can't wait to see you my dazzling Deyanne.
"Sir Ariston, kung gusto mo, ako muna ang magmamaneho. Dalawang oras pa tayo," ani Kiko, ang delivery staff na kasama niya.
"Okay lang, Kuya Kiko. Kailangan kong panindigan ang trabaho na ibinigay nina Mama sa akin," tugon niya.
"Sigurado ka ba? Mukhang pagod ka na."
"Iyong totoo, Kuya Kiko. Ibinilin ba ng tatay ko na alagaan mo ako habang nasa biyahe?"
Tumawa ito. "Ang magulang ay parating magulang. Kahit punishment mo iyan, sinisiguro ng tatay mo na ayos ka lang. Para sagutin ang tanong mo, oo. Ibinilin ka nga ni Sir Jude. May pabaon pa ngang pagkain para sa 'yo."
Napatawa siya. Totoo. Para siyang batang pinabaonan ng pagkain at tubig ng kanyang ama. His dad was really something. Nagpaparusa pero kita sa mata nito na hindi nito gusto ang ginawa. Alam ni Ariston kung may choice lang ang tatay niya, hindi siya nagtatrabaho ngayon para sa tuition niya. It was just, he needed to get punished and he knew he deserved it. Ever since, ayaw ni Daddy Jude na nahihirapan ang mga anak nito. And that inspired him to be a better person . . . Or maybe a better father once I already have my own family.
Muli niyang naalala ang girlfriend. Gano'n pala talaga kapag natagpuan na ang love. Advance kang mag-isip.
Makalipas ang dalawang oras, nakarating na sila sa AMMC. Alas-kuwatro na ng madaling araw.
Naabutan niya ang kanyang ina sa kusina. "'Ma! Natulog po ba kayo?" tanong niya. Agad siyang lumapit at humalik sa pisngi ng mama niya.
"Kagigising lang, my baby Tunton. Natulog ako." Inginuso nito ang sala. "Iyong tatay mo ang hindi natulog at hinintay ka. Nag-OA mode," biro ng kanyang ina.
"Rinig kita, Belle, at hindi ako OA mode," hirit ng kanyang ama na tinawanan lang ng kanyang ina. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Yayakap sana siya sa ama nang bigla itong humirit ng sermon. "Bakit nawala ang GPS mo? Tapos hindi kita matawagan. Muntik na akong magpatawag ng pulis, ah."
"Hindi daw OA, ano?" hirit ng nanay niya.
Napangiwi siya. "Na-lowbat po ang cell phone ko at wala po akong nadalang power bank. Wala naman pong charging outlet ang truck."

BINABASA MO ANG
MU Series: The Careless Cutie
Fiksi RemajaAriston Sebastian A. Celerio thinks that studying at Montecillo University will give him peace. Well, kabaligtaran ang nangyari. Dahil nasa top list ng campus crushes, halos lahat ng babae-pati na rin ng mga lalaking pabebe-ay pinagkakaguluhan siya...