"BFF! Sa tingin mo, anong dapat kong gawin?" tanong ni Deyanne kay Aristella. Ikinuwento niya rito ang nalaman niya during Victory Party tungkol sa pagiging cause niya ng trauma ni Ariston. Pinilit niyang intindihin na lang ito. Na baka ayaw lang nitong gawing issue iyon kaya hindi sinabi sa kanya.
But the guilt went back when they all witnessed how a trauma broke Xian during the candle-making activity. Natapunan si Xian noon ng vanilla na siyang nag-trigger ng anxiety attack. It had something to do with Xian's childhood. Once in his life, iniwan ito ng daddy nito and that was associated with the vanilla scent. Pinaalala noon kay Deyanne ang trauma ni Ariston. Wala naman nabago. He was still shaking kapag napuputikan ito. At hindi na mababago ang katotohanan na siya ang dahilan. She was torn between telling him that he already knew about it or just keep on ignoring it so that they would remain okay in her expense.
"Alam mo, Deyanne. Sa tingin ko, kaya ginawa ni Kuya Tunton iyon kasi ayaw niyang alalahanin mo pa iyon. Ano ba'ng gusto mo? Magalit ang kuya ko dahil doon? Eh, 'di lumabo lalo ang chance na maging kayo. Kung hindi ka matahimik, mag-usap na lang kayo."
"Paano kung bigla na naman siyang magalit? Remember noong victory party? Nag-uusap lang kami, biglang nag-walkout."
"Maarte talaga ang kuya ko. Tanggapin mo na lang." Tumawa si Telai. "Pansin mo, kahit nagwo-walkout iyon, lumalapit naman din sa 'yo after na parang 'di nag-walkout unlike before. Improving si Kuya Tunton, 'di ba?" dagdag pa nito sabay subo ng huling spoonful ng fried rice nito sa plato.
Tapos na si Deyanne kumain at inuubos na lang ang hot choco niya. "Sa bagay. Bahala na nga. Need ko na talaga ng time out, bff. Nasermunan na ako ng tatay ko. Tigilan ko na raw ang kuya mo. Masyado na ata akong naadik kay sweetie pie Tunton. Siya na lang ang iniisip ko lately," Kinikilig na ngumisi siya. "Well, nakakaadik naman talaga ang cuteness niya."
"Good luck—" Nag-alarm ang cell phone nito. "Una na ako, bff!" Agad itong tumayo at kinuha ang bag at books nito.
"Ang aga pa, ah!" sita niya.
"May gagawin pa ako. Bye, bff."
Kamot-ulong inubos na lang niya ng hot choco niya. May forty-five minutes pa siya bago ang una niyang klase sa araw na iyon. Kinuha na lang niya ang textbook at nagsimulang magbasa. Wala naman silang exam pero madalas siyang mag-advance reading lalo na sa subject na ang mama ni Ariston ang professor niya. Need niya mag-excel. May binigay na grade requirement si Tito Jude sa kanya na tanging condition nito kapalit ng full scholarship. Wala siyang planong biguin ang mga nagpapaaral sa kanya.
"Good morning, lunatic girl." In a snap, umupo si Ariston sa nabakanteng inuupuan ni Aristella kanina.
Literal na napahinto si Deyanne sa paghigop ng hot choco at natulala na lang nang maramdaman niya ang pamilyar na pagkabog ng puso niya. Balewalang sinimulan ni Ariston ang kumain. Naisip ni Deyanne ang pinag-usapan nila ni Aristella kanina. Okay, hihingi muna ako ng time out.
Naramdaman ata nitong nakatulala lang siya dito kaya agad itong tumunghay. In her mere surprise, bigla itong ngumiti.
"I know I'm cute. Hindi ka na nasanay," biro nito.
Paano ako titigil sa panliligaw kung ganyan ka kaguwapo araw-araw?
Kumunot ang noo nito nang hindi siya tumugon. "Why are you quiet? May sakit ka ba?" Umiling siya. "Then. What's your problem?" nag-aalalang tanong nito.
It was like a cue for her to tell what was in her head.
"Ariston, I'm sorry."
Lalong kumunot ang noo nito at napahinto sa pagkain ng pancake. "Why?"
![](https://img.wattpad.com/cover/304285892-288-k954863.jpg)
BINABASA MO ANG
MU Series: The Careless Cutie
Teen FictionAriston Sebastian A. Celerio thinks that studying at Montecillo University will give him peace. Well, kabaligtaran ang nangyari. Dahil nasa top list ng campus crushes, halos lahat ng babae-pati na rin ng mga lalaking pabebe-ay pinagkakaguluhan siya...