Chapter 30

209 121 5
                                    


AGAD na kinutuban si Ariston sa sinabi ni Deyanne. Nabisto na ang ginagawa nila sa silid ni Lucas. It meant, his academic standing was at stake. Grounds for expulsion ang offense nila, unless otherwise, bigyan sila ng consideration dahil wala namang actual na sugal na naganap. But then, ayaw niyang idamay ang girlfriend niya sa burden.

"I'll handle this, Deyanne. You don't have to come. Bumalik ka na sa room mo, magpahinga ka, kasi kakanta pa tayo mamaya sa lighting ng giant Christmas tree."

"Ano ba'ng nagawa mo, sweetie pie?" nag-aalalang tanong nito.

"I'll explain everything later. For now, all I need is your trust." She nodded. "Kaya ko na 'to." He moved and kissed her temple. "I'll see you, later."

They parted ways. Si Deyanne ay sumunod sa sinabi niya. Lumabas na ito ng fire exit door sa seventh floor at siya naman ay bumaba sa second floor at lumabas sa back garden exit. He was anticipating all the worst. Alam niyang walang lihim na 'di nabubunyag. So bad, mukhang hindi magiging gano'n kadali sa kanila para lusutan ito. I screwed big time lately. Naglalakad na siya palabas ng dorm building nang may humarang sa kanyang tatlong estudyante.

"Ariston Sebastian Celerio, I am Jay, a discipline marshal. Your presence is a must in Discipline Office now. Sumama ka sa amin."

He just nodded and found himself being escorted by three discipline marshals. Pumasok sila sa DO at inihatid siya ng mga ito diretso sa conference room. Natigilan siya nang makita niya ang kanyang Daddy Jude doon. Tiningnan siya nito nang matalim nang magtagpo ang kanilang mga mata. Yumuko na lang siya sa hiya. Naroon na rin sa silid sina Eli at Beau. Umupo na lang siya sa tabi ng mga ito.

"Let's just wait for the others," sambit ni Mr. Iñigo Alejo, ito ang Discipline Office Head at ama ni Eli.

Ilang minuto pa ay dumating na rin sina Thiago, Thunder, Lucas, Perry, Patrick, at si Chase na nakasama na rin sa grupo no'ng mid-term exam week. Ariston knew that they were in great trouble. Hinahanda na niya ang sarili sa consequences. 'Di rin nagtagal ay pumasok si Xian

"Alright, boys. Let's talk about some matters one by one," seryosong sabi ni Mr. Alejo. Isa isa nitong tiningnan ang lahat. Inilabas nito ang confiscated laptop niya na ibinigay niya kay Lucas. Kung paano iyon napasakamay ng DO Head ay hindi niya alam.

Nagkatinginan silang magkakaibigan. Napatingin si Ariston kay Lucas na napayuko nang buksan ni Mr. Alejo ang laptop. It was followed by a question.

"Whose laptop is this?" tanong nito.

"Akin po," pag-amin ni Lucas.

"Why do you think we confiscated this laptop?" muling tanong ni Mr. Alejo. Pero wala sa kanila ang sumagot. Bumaling si Mr. Alejo kay Thiago. "Mr. Villaruz? Any comments? Why do you think we called you here?" Ngunit hindi ito tumugon bagkus ay tiningnan siya nito nang masama.

Ariston knew na masisisi siya ng mga ito. Noon pa sinabi ni Thiago na ihinto na nila ang pekeng talpakan. Pero ang siste, kailangan pa ni Lucas ng pera para makapag-final exam.

"Okay. Matitigas talaga kayo," dismayadong sabi ni Mr. Alejo. "Xian, tell us what you found out."

Xian nodded and faced everyone. "A rumor was spreading about an online sabong happening inside the campus. So, we investigated. We were able to get the website, pero hindi namin mabuksan ang host account. So, we tracked it, until it brought us to Lucas' room and that laptop."

"Thank you, Xian. Now, I want you to explain this, Mr. Almeda. Are you hosting a gambling site inside the campus?"

"Uhm... .y-yes po. Pero bakit pati po sila ay nandito?" tugon ni Lucas.

MU Series: The Careless CutieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon