Chapter 26

196 122 7
                                    

MASAMA ang tingin ni Ariston sa picture na naka-view sa cell phone niya. Lenard posted a picture with love notes for Deyanne. Si Deyanne na nakatalikod at naglalakad papasok sa gate ng MU ang nasa larawan.

Na-bad trip siya lalo sa caption. Ihahatid ka palagi hanggang makarating ang puso mo sa akin.

Mukhang seryoso talaga ang playboy niyang pinsan kahit sinabi naman na ni Deyanne dito na wala itong special feelings dito. Ngunit hindi kailan man mapapalagay si Ariston. He was aware that love could be developed just like what happened to him. Hindi niya gusto si Deyanne noon, ngunit nag-iba na iyon ngayon. Paano kung ma-develop ang feelings ni Deyanne kay Lenard? Hindi iyon imposible sa galing nitong mambola ng babae. Saan siya pupulutin 'pag nagkataon?

"Obob ka kasi. Liyamado ka na sana, mali lang ang diskarte mo," bulalas ni Thunder.

Napalingon si Ariston dito sa pag-aakalang siya ang kinakausap nito. Ngunit ang mata nito ay nasa laptop na pinahiram niya kay Lucas para sa talpakan. Tuloy pa rin ang manipulated e-sabong na iyon ni Lucas. Good thing hindi pa nito nabibistong peke iyon at hindi tunay na talpakan ang nagaganap. Tumataya kuno pa rin siya, sampu ng mga members ng wasalak, kahit na wala naman talagang tatayaan. At least, Lucas appeared like he earned from it and they were able to help him with his financial needs.

"Kapag sumulong kasi, dapat 'di na aatras. Kaya natatalo, eh," komento pa ni Lucas.

Napailing na lang si Ariston. Tinamaan siya sa komento ng dalawa sa kung paano lumaban ang pinapanood na panabong na manok. Bakit nga ba atras-abante din siya kay Deyanne? Kung tutuusin, sure win na siya knowing na nauna itong magkagusto sa kanya. Ano pa ba ang ikinakatakot niya?

Nang hindi niya nakuha ang sagot ay nilagok na lang niya ang whisky na iniinom at inilapag sa mesa ang baso. He get his wallet, took off Five Thousand Pesos, and gave it to Lucas. "Taya ko sa sunod. I'll need to go."

"Sige, paps. Saan ko itataya ito?" tanong ni Lucas.

"Sa tatayaan ni Thunder." Ngumisi siya. "Mukhang expert na siya sa sabong."

Thiago chuckled. "Panay hawak kasi nito sa birdie na ito." Itinuro pa nito ang nananahimik na figurine sa mesa ni Lucas.

"Mga sira-ulo!"

Tinawanan lang nila ito. "Gonna go," muli niyang sabi bago lumabas ng silid ni Lucas.

Kailangan niyang gumawa ng paraan para mabawi lahat ng 'di magandang nangyari nitong nakaraan. Kahit naman sinabi ni Deyanne na okay lang ito, alam niyang naapektuhan ito sa sinabi niya sa Truth or Dare game na iyon. Napangiwi niya. Maliban kay Deyanne, kailangan din niyang makausap si Patty pero umiiwas din ito sa kanya. He knew, he screwed up.

"Aristella!"

Hinabol niya ang kapatid nang makita niya itong palabas ng cafeteria. And he was surprised when he saw Trace beside her. Ilang beses na niyang nakikita ang kapatid na palaging kausap ito. Ngunit sabi naman nito ay magkasama lang sila sa Areum Gazette and nothing else. But he doubted it. Sa tingin niya ay may gusto kay Aristella ang binatang ito na mas matanda pa sa kanya.

"I'll go ahead, Telai," sabi ni Trace. Tinanguan siya nito bilang pagbati bago ito tuluyang naglakad palayo.

"W-Why, kuya?" Aristella asked.

"That guy. Is he courting you?" seryoso niyang tanong.

"Hindi. Wish ko lang, ano."

MU Series: The Careless CutieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon