ARISTON was busy reading chat messages from few new friends. Thiago and Thunder asked the same question: ano ang puwede nilang gawin para makatulong sa financial problem ni Lucas? Nalaman nilang na-cut into half ang scholarship nito kaya naghahanap ito ng extra na kita. Ayaw naman nitong tumanggap ng direktang tulong. Nakakita ng opportunity si Lucas kung magpapataya ito sa e-sabong at inaaya nitong tumaya sila. But they couldn't continue doing it. Sugal iyon. Bawal iyon sa campus. Kapag nahuli sila, puwedeng ma-expel si Lucas at maging sila. Ariston found a way through the help of Patrick. Recently, napasama ito sa grupo dahil kay Perry.
Isang reply lang ang isinagot niya sa dalawa: I got it covered. Let's meet at the Rose Garden.
Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa Rose Garden. Isa iyong garden sa tabi ng kahabaan ng iba't ibang school building mula sa School of Business and Economics, School of Computer Science, School of Sciences, at School of Veterinary Medicine. Ito ang pinakamalapit na meet up point nila ni Patrick. Agad niyang nakita ito na nakaupo sa isa sa mga bench sa park.
"Sorry for being late," bungad niya kay Patrick.
"It's okay, Tunton!" Tumawa ito nang tingnan niya ito nang masama. "Ito na iyong laptop mo." Iniabot nito ang laptop niya.
"Salamat, Pakboy!" balik pang-aasar nito. "Akala mo, ah. Sige asarin mo ako, may ibabalik ako sa 'yo. We knew each other so much."
"The hell! Anyway, okay na iyan," sabi nito. He gave a piece of paper. "All Lucas need is to use that laptop and login here. Sa laptop mo lang accessible iyan."
"Hindi naman ito magli-leak, right? Well, I just wanna be sure that this gonna work. Hindi naman niya malalaman na manipulated ito, 'di ba?"
"No trace, unless you tell the truth to his face."
Ariston nodded. "Salamat."
On cue, dumating na si Lucas. Kasama nito sina Thiago at Thunder. Kasunod nila si Beau na as usual may dala na namang cupcake at softdrinks at si Eli na inihahagis sa ere ang familiar na stress ball. Mukhang galing na naman ang dalawa sa kuwarto niya.
Binalingan niya si Lucas. "Paps, kailangan mo ng laptop, 'di ba?" Iniabot niya ang laptop niya rito. "Take this. That's my old laptop. Gumagana pa naman. Hindi ko na nagagamit kaya sa 'yo muna."
"Talaga, paps?!" 'di makapaniwalang hirit ni Lucas. "Salamat, paps! Iingatan ko ito. Nabawasan ang problema ko. Ang hirap pa namang kumuha ng slot sa computer lab 'pag may kailangang i-research. Magagamit ko rin ito sa talpakan."
"Ah, regarding that," iniabot niya rito ang papel na ibinigay ni Patrick, "nakakita kami ni Patrick ng site na magagamit mo sa e-sabong. Don't worry, tataya kaming lahat. 'Di ba, guys?"
Everyone agreed. "Oo, para kay Lucas," sabi ni Thunder.
"Naku, salamat sa inyo," sabi ni Lucas.
"Let's try it later. Brandy on me," sabi ni Thiago. "Let's call Perry. The more, the better."
"Are you talking about the bet or the drinks?" tanong ni Patrick.
"Both," korong tugon nina Thunder at Thiago.
"Session uli mamaya?" tanong ni Beau.
"Game!" hirit ni Eli.
Napasama ang dalawang ito sa grupo nang magkayayaan silang mag-inuman pero doon niya dinala ang dalawa sa kuwarto ni Lucas.
![](https://img.wattpad.com/cover/304285892-288-k954863.jpg)
BINABASA MO ANG
MU Series: The Careless Cutie
Teen FictionAriston Sebastian A. Celerio thinks that studying at Montecillo University will give him peace. Well, kabaligtaran ang nangyari. Dahil nasa top list ng campus crushes, halos lahat ng babae-pati na rin ng mga lalaking pabebe-ay pinagkakaguluhan siya...