KINN PORSCHE NOVEL
------Porsche-----
Pak! Pak!
Naagaw ang aking pansin nang makarinig ng tunog na parang may hinampas habang ako'y naninigarilyo sa likod ng bar sa eskinita na aking pinagtatrabahuan. Inilagay ko ang malaking garbage bag sa bin, nahagip ng aking mata at natagpuan ang isang grupo na hanggang lima o anim na lalaki na binugbog ang isang taong nakahiga sa lupa na walang magawa na ipagtanggol ang knaiyang sarili. Walang humpay ang pagtama nang kanilang matitigas na kamao at paa sa lalaki. Napahigpit ang hawak ko sa backpack ko habang tumalikod habang humihigop ng sigarilyo at bumubuga ng usok na parang wala akong nakita. Sanay na akong makakita ng ganito eksena, sa madilim na eskinita na ito, kung saan ang mga tauhan at mga delivery lang ang dumadaan.
"Ang tigas mo tang-ina!"
Nanggaling ang boses sa isa sa mga lalaking nagbubugbog. Wala akong pakialam habang nakatutok sa pag-lock ng pinto sa likod. Katatapos lang ng part-time job ko bilang waiter at didiretso na ako pauwi sa bahay. Sa mga oras na ganito, nagsisimula ng magsiwala ang mga costumers at empleyado. Ang ilan ay naghihintay ng taxi, ang ilan ay pumipili ng isang babae na iuuwi. At ang ilan ay nagkakaroon lang ng away gaya ng nangyayari sa aking likod.
Hindi ako masamang tao, pero ayoko lang makialam sa buhay ng iba. Hindi ko gustong madamay pa sa gulo ng iba. Wala akong pakialam kung husguhan niyo man ako. For all I know, baka may kasalanan din ang taong ito kaya siya binubugbog.
"Bitawan mo ako!" Nilingon ko ang kawawang taong nakasalampak sa lupa, tumayo siya at sinubukan niyang labanan ang mga lalaki. Ibinato ko ang upos ng sigarilyo ko sa lupa at tinapakan ito habang tinatamad na nag-inat, at tahimik na aalis pauwi. Aalis na sana ako nang may humawak sa shirt ko.
"Tulong.." galing sa paos na boses ng lalaki, naagaw ang aking atensyon sa logo ng unibersidad sa likod ng uniform niya.
Lumingon ako sa sa lalaking humawak sa akin, dumudugo ang ilong at bibig niya. Natigilan ako nang makita ang basag niyang mukha. Kahit bugbog sarado ang kaniyang na may dugo pa, sa kabila niyon gwapo parin itong tignan, ang kanyang balat ay maselan at makinis. Mula sa ang dim lights ng eskinita, mukha siyang mas bata sa inaakala ko.
BINABASA MO ANG
Kinn Porsche (Tagalog Translation)
Action1. INTRO: LOVE IS THE worst "Nasaan ka? Pakibili ako ng condom." "Condom my butt! I'm your bodyguard, not your slave! "Sino ba nagsabing alipin ka? ASAWA kita." "What the fuck?" ************************************* Mahirap ang buhay. At...