KINNPORSCHE THE NOVEL
***Porsche***
"Huwag mong sabihin sa akin na ibababa mo ako ulit sa gas station katulad kahapon?" Sabi niya gamit ang paos niyang boses malapit sa tenga ko. Mas okay nag kaniya lagay ngayon kaysa sa kahapon. Kahit na may bakas na pasa sa kaniyang mukha dahil kahapon hindi parin iyun hadlang sa kagwapuhan niyang taglay.
"Bakit ka bumalik?"
Nagsalita ako gamit ang mahinahon na tono at tumingin sa side mirrors bago bumilis at mas mabilis. May nakita akong lalaking nakaitim na papalapit sa amin. Ngayon mas naging handa ako. Nagmamaneho ako sa mga eskinita nang hindi man lang nahihirapan. Mahusay kong nagmamaniobra sa aking motorsiklo sa kalsada.
"Slow down!" Sabi ulit ng namamaos na boses niya at mahigpit na hinawakan ang bewang ko at tinago ang kaniyanv mukha sa likod ko para maiwasan ang hanging tumatama sa mukha niya.
"Kumapit ka ng mahigpit." Bulong ko bago muling pinaikot ang makina, naiwan ang mga sumusunod sa amin.
****
"Ohoi, buhay ako."Masayang sabi ni Kinn na tumingin sa paligid. Pinatay ko na ang makina pagkatapos kong masigurado na walang sumusunod sa amin. Syempre, hindi nila ako masusundan. Ako yata ang pinakamagaling kung pagmamaneho na ang pag-uusapan. Ang daan na tinatahak namin kanina ay medyo kumplikado. Iniikot-ikot sila hanggang sa hindi na sila makahabol pa.
Nakahinga ako ng maluwag nang umabot ang aking motorsiklo sa harap ng aming bahay.
"Saan naman..."
"Bahay ko."
Ayokong ilagay sa gulo ang buhay ko pero sa kalagitnaan ng pagtakas mukhang dito pa ako dinala ng aking paa sa bahay namin. At bago ko pa namalayan ay nandito na kami sa harap ng bahay.
"Pumasok na tayo at maghilamos ka ng mukha." Napabuga siya ng hangin as sign of releif na para bang kagagaling lang niya sa impyerno.
"Teka." Naabutan ko siya at naglakad palayo sa pinto. Kumuha ako ng isang pakete ng sigarilyo mula sa aking pantalon at lighter pagkatapos ay nagsindi. Wala siyang sinabi kundi tinaasan lang ako ng kilay.
"Limang pung libo." I uttered the words with the cigarette in my mouth, tapos tumingin ako sa kanya.
"Huh?.."
Isang maikling tawa ang pinakawalan niya at saka hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Kahapon, ang relo ko-"
Bago pa man siya matapos ay napalunok na ako at pinutol ang sasabihin niya.
"Kahapon ay kahapon.."
Lihim akong natatakot na baka bawiin niya ang relo. Kaya nagpapanggap akong maging harsh sa kaniya baka sa ganoong paraan aymagdadalawang isip siya para itanong ito ulit ngayon. Dahil gustuhin ko man ay wala na sa kamay ko ang relo. Ang nakuha kong pera mula sa relo ay nagamit ko na para pambayad sa tuition fee ni Cher, pambayad sa pag-ayos ng air-con sa kwarto, at kailangan ding bayaran lahat ng utang. Halos wala nang natira sa akin.
"Kahapon humingi ka sa akin ng fifty thousand pesos, at ngayon fifty thousand pesos pa. At one hundred thousand lahat. Alam kong alam mong magkano ang halaga ng relo na kinuha mo kung hindi ka lang tanga naibenta mo sana ito sa halagang hindi bababa sa four hundred thousand pesos. Kaya kung iisipin mo binayaran pa kita in advance."
Sabi niya habnag may ngiti sa labi at iniling ang ulo niya na parang nang-aasar sa akin. Ito ang unang pagkakataon na napag-aralan ng maigi ang kanyang mukha. Ang matatalas na mata na may nakakatakot na kinang na nakatingin sa akin nang diretso na parang sinasabing hindi siya ordinaryong tao.
BINABASA MO ANG
Kinn Porsche (Tagalog Translation)
Action1. INTRO: LOVE IS THE worst "Nasaan ka? Pakibili ako ng condom." "Condom my butt! I'm your bodyguard, not your slave! "Sino ba nagsabing alipin ka? ASAWA kita." "What the fuck?" ************************************* Mahirap ang buhay. At...