chapter 14: Get in the Way

80 1 0
                                    

KINNPORSCHE THE NOVEL

------PORSCHE-----

Nakauwi kami ng mas maaga ni Pete. Marami kaming oras kaya naglaro pa kami until nag-umaga. At sa kapatid ko naman hindi na niya ako kinukulit kung naong trabaho ko. Baka naiintindihan niya din ako o kaya pagod na siyang kulitin ako. Pero sana nga naiintindihan niya ako dahil ginagawa ko lang naman ito para din sa kaniya.

AT SCHOOL

"Guys maglalaro kayo ng basketball? Hinahanap tayo ni P' Ohm"
Katatapos lang naming tatlo mag-aral at bumaba kami mula sa faculty para maghanap ng activities na gagawin.

"Pass ako. May practice kami sa swimming bukas. Kailangan kong magsave ng lakas"
Sabi ni Tem habang iniling ang ulo niya. Nagpapractice na aiya ng maigi mula nung nag-audition siya na maging representative sa aming faculty last time. Nagvolunteer naman akong maging proxy though inaamin kong baka matalo lang ako dahil kulang na rin ako sa practice.

"Well, may practice din ako sa football. Ikaw Porsche? Hindi ka ba pupunta sa Judo practice?"
Tanong ni Jom. Naalala kong may pupuntahan pa pala akong Judo practice. Madalas lang akong pumupunta doon para magoractice at kung pupunta naman ako magliwaliw lang ako doon ng isang oras o dalawa. Hindi katulad ni P'Bram na palaging nagrereklamo pero how i wish na maging masipag din ako katulad nang mga kaibigan ko.

"Matutulog ako bukas"
Nakakaramdam parin ako ng sakit sa aking braso kaya hindi ako confident sa performance ko. Pero alam kong gagaling rin ako bago ganapin ang competition. Busy kaming tatlo ngayon kaya ako at si Tem ay kumain nalang at bumalik sa apartment imbis na lumayo pa.

"Kumain tayong mamayang hapon. Gutom na ako"
Tumingin sa akin si Tem na may matamlay na expression.

"Hey, wag niyo rin akong kalimutan. Gutom rin ako"
Sabi agad ni Jom na lumpait sa amin.

"Pagkatapos nating kumain samahan mo muna ako dahil malungkot ako"
Mapaglarong sabi ko sa kanila. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw. Naghahanap ako ng atensyon though hindi naman ako nagpapahalata dahil baka kantyawan ako ng mga gago. Siguro masaya lang ako dahil nakakasama ko sila ulit. Pero pagkatapos nito magiging busy na namna ako. Busy kami sa pag-uusap nang may taong nakakuha sa amin ng atensyon.

"Hi."
Matangkad na lalaki ang huminto sa harapan namin at lumingon sa akin at binati ako. Matamlay akong ngumiti at tumango sa lalaki bilang sagot. Agad siyang naglakad patungo sa amin habang malaki ang ngiti sa mukha.

"Nakita natin siya kahapon, diba? Ano ngang pangalan niya ?"
Bulong ni Tem sa tenga ko.

"Aw, Veha!", Sambit na gago.

"Hei! Sawadee Veha"
Confident na binati ni Jom na walang alam kung ano talaga ang tunay na pangalan ng lalaking kausap niya. Ngayon ko lang narealize kung gaano katanga ang mga kaibigan ko. Sighh... Mahinang  atawa naman ang lalaki at tumingin sa kanila.

.
"Vegas. My name is Vegas."

"Oh that's right! Vegas! Yan sinabi ko kanina"
Sabi ni Jom at tinapik ang balikat ni Vegas. Ang gago hindi talaga alam kung anong oras hihinto.

"It's nice to see you again."
Sabi ni Vegas sa akin habang nakangiti. Napataas ako ng kilay at tumingin sa kaniyang uniform. Napansin kong mukhang bago yung suot niya baka kakatransfer lang niya kahapon. At malaman din dahil hindi ko siya senior nor junior.

"I came because I saw a familiar face. But I honestly don't know your name."
Sabi niya habang hinawakan si Tem sa balikat pero nakatingin parin sa direksyon ko.

"Porsche." Sagot ko.

"Tem. Ang pangalan ko ay Tem."
Pakilala ng gago sa kaniya. Agad na tumingin si Vegas sa isang kasama namin.

Kinn Porsche (Tagalog Translation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon