chapter 7: First Day

75 1 0
                                    


KINN PORSCHE THE NOVEL

------PORSCHE-----

Matagal akong nakatayo habang pinag-iisipan ang nagawang  desisyon ko  bago ako dumiretso papunta sa Golden gate ng bahay ni Terapanyakun. Kinuha ng guard ang pangalan ko at sinenyasan akong iparada ang big bike ko gilid. Isang matamlay na buntong-hininga lang ang nailabas ko habang nakatitig sa mga lalaking naka-black suit na nakakalat sa bawat sulok ng kanilang bahay. Bakit kailangan nila ng ganitong karami na mga bodyguards para magtrabaho para sa kanila?

Anong bang negosyo nila na kailangang talagang ganito kahigpit lahat ng oras? Pagpasok ko sa kwarto, sinalubong ako nang hindi magandang tingin. Isang grupo ng mga lalaki na masamang nakatingin sa akin.  Sinamaan ko lang sila ng tingin at ginawa ang kailangan kong gawin.

"Oh andito ka na pala. Sumama ka sakin." Pagdating pa lang ng mga paa ko sa pinto ay sinalubong ako ni P'Chan na may hawak na dokumento sa isang kamay at isang tasa ng kape sa kabilang kamay.  Marami kaming nadaanan na pinto. Hindi ko talaga ma memorize ang buong lugar. Masyadong tahimik, mabigat, at nakakatakot ang paligid.

"Pasok ka." Sinundan ko si P'Chan sa kwarto na sa harapan. Meeting room.  Ang mga projector, mesa, at maging ang mga upuan ay lahat ay nakahanay sa maayos na paraan.

"Hoy, matuto kang bumati sa mga nakatatanda mo." sabi ng lalaki na kumukuha ng mga kahon at inilalagay sa mesa.

"Uh.. Sawadee.. khap" Kaswal kong itinaas ang kamay ko, pero ramdam ko pa rin ang tensyon sa kapaligiran.

"Hoy, totoo bang nag-away kayo ni Big kahapon?" tanong ni P'Chan.

"Siya ang nagsimula." Matipid kong sagot.

"Kung pwede iwasang mong makipag-away sa mga tao rito. At least subukang mo namang makisama Porsche. Huwag mong pahirapan si Khun Kinn."

Nasira lang ang mood ko ng marinig ko ang pangalang iyon. Para bang isang anghel na bumaba sa langit kung bigkasin niya ang pangalang iyun.

"Umupo ka muna dito." Sinenyasan ako ni P'Chan na umupo at sumunod naman ako sa kanya.

"Alam mo naman siguro ito, baril t danger. Sa tuwing lalabas ka kasama si Khun Kinn dalhin mo ito. Wait marunong ka naman gumamit ng baril diba?" Tanong ni P'Chan at tumango naman ako. Bukod sa Taekwondo, lumaki ako na kinahiligan ang baril. It was just a piece of cake. 

"At huwag kalimutan na ang trabaho mo ay protektahan si Khun Kinn. Anuman ang mangyari you must keep him safe." Itinaas niya ang itim na kahon na naglalaman ng baril at kutsilyo saka ibinigay sa akin.

"Pero paano kung aksidente akong makapatay ng tao? Makukulong ba ako?"

Inabutan niya ako nang baril na parang isang laruan lang ito. Paano kung makapatay ako ng hindi sinasadya? Sa tingin niyo ipapakulong ni Khun Kinn ang sarili para sa akin?

"Everything that happens to the people here, is beyond the law."

Sinabi ba niyang lahat ng tao rito binili na ni Khun Korn? Ganito karami? Anong negosyo nila upang maging ganoon kaimpluwensya?

"Then at least tell me kung kanino ko dapat protektahan si Kinn."

"Everyone. Everyone that dares to hurt him."

Wow, ang isang yun.. uhmmm..

"Yung may utang sa kanila, karibal sa negosyo, at marami pang iba." Dagdagniya.

Great, just great! Napakagandang paraan para ilarawan ang mga magiging kalaban kong kakalabanin. Iniisip ko talaga kung anong uri ng negosyo ang ginagawa nila. Una, sinubukan kong iligtas  si Kinn at ngayon may kakaharapin na naman akong bagong problema nang dahil sa background ng pamilya niya.  

Kinn Porsche (Tagalog Translation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon