chapter 5: Choice

79 2 0
                                    

KINNPORSCHE THE NOVEL

------KINN-----

Umupo ako habang naka-cross leg at ang aking braso ay nasa magkabilang gilid ng sofa. Nakatitig sa pintuang kahoy na may pattern ng dragon. Naghihintay para sa isang taong kasamang maglaro ng thug of war kamakailan.

"Nandito na siya"

Sabi ni Big sabay pagbukas ng pinto. Isang matangkad na pigura ang pumasok na sumulyap pa sa paligid na nakasuot ng  masikip na damit na uniporme. Kapansin-pansin ang tattoo sa ilalim ng puting kamiseta. Kailangan kong tumingin ng pangalawang sulyap dito. Nilibot ng kanyang mga mata aa paligid.

"Umupo ka" Pilit na ibinaba ni Big ang balikat niya para maupo sa sofa sa harap ko. Katahimikan ang bumalot sa kwarto. Walang naglakas loob na magsalita, pati ako. Nagkatitigan kami isa't isa at walang sumuko.

"Anong gusto mo?" Tanong ni Porsche sa mahinahon na boses. Ang kumpiyansa sa kanyang mga mata ay napalitan ng pagkamangha na hindi ko pa nakikita dati. Napatitig siya sa bodyguard sa likod ng itim na maskara at kitang-kita ko ang kaniyang takot.

"Work for me" Nanatili akong nakatingin sa kanya.

"AYOKO!" Sabi niya sa masungit na boses.

"Huh... Mas matigas ang ulo mo sa inaakala ko"

Natatawa sa klase na ugali na taglay niya at pinag-aaralan ito. Si Porsche ay isang matigas ang ulo at agresibong tao. Sinusubukang manatiling matigas upang itago ang kanya panloob na damdamin. Nakikita ko ang paglampas ng kanyang harapan. Bagama't nasa twenties pa lang ako, natuto akong magbasa ng mga tao.

"Bakit? Bakit mo ginagawa ito?"

"Huh... Ano bang ginawa ko?" Sumilay ang ngiti sa gilid ng labi ko.

“Sinasaktan mo ang mga tao sa paligid ko. Ginugulo mo sila. Para ano? Para magtrabaho ako sa iyo?"

"Ohh.. yes, i did it.."

"Balak mong sirain ang pinagtatrabahuan ko para matanggal ako."

"Sinadya ko lang na turuan ka ng leksyon. You, na niloloko ako" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wag mong pakialaman ang mga tao sa paligid ko!"

"Kung hindi ko gagawin yun... Papayag ka bang magtrabaho para sa akin?"

Wala na akong ibang choice  kundi ang ganituhin siya. Ang taong katulad ni Porsche kung gagamitan mo siya ng dahas mas lalo lang siyang magmamatigas at lalaban. Don't get me wrong, I tried persuading him in a proper manner. Pero matigas talaga ang bungo niya. Kung hindi lang nanganganib ang buhay ko hindi ko siya pag-aaksayahan pa bg aking oras. At dahil pinahirapan talaga niya ako ng husto tuturuan ko siya ng leksyon.  

"Bakit ako? Bakit ano bang gusto mo sa akin?" galit na tanong ni Porsche.

"Dahil ang mga taong tulad ko lahat ng gusto ko nakukuha ko"

Napangiti ako sa aking huling sinabi. Tinignan niya ako ng tingin. Alam kong mayabang ako pero pawang katotohanan lamang iyun. Lumaki akong komportable sa buhay dahil sa kaoangyarihan ng aking ama na hawak pati gobyerno. Kung anong bagay na gusto ko lahat ginagawa nila para mapasa akin iyun. Lalo na sa mga bagay na hirap akong makuha mas lalong akong magkakainteres na kunin ito, katulad ngayon.

"At bakit ko naman susundin ang gusto mo?"

"Let me tell you. Kung gagalitin mo ang isang tulad ko ano sa tingin mo ang mangyayari?"

"Sino ka ba sa tingin mo?! Sino ka ba para magsalita ng ganyan sa akin!!!"

Biglang tumayo si Porsche mula sa couch. Pumasok lahat ng mga tauhan ko at pinalibutan siya hanggang sa tumigil siya at tumingin sa paligid.

Kinn Porsche (Tagalog Translation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon