chapter 1: Deja Vu

285 3 0
                                    

"Sino bang taong nag-iisip sa akin? Kagabi pa ako bumabahing! Tang-ina!"

Tumikhim muli si Jom habang inilalagay ang tasa ng kape sa marble table sa harap ng faculty ng Sports Science. Nanatili akong nakatingin sa kanya at paulit-ulit na humihingi ng tawad sa isip ko. Kahapon, nagsinungaling ako tungkol sa pangalan ko at bagkos ay ibinigay ang pangalan  niya.

Jom

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jom

Well, hindi ako madaling magtiwala sa isang estranghero, at lalo na't sa sitwasyon iyun, sino ang maglalakas-loob na sabihin tunay na pangalan nila? Tinanggap ko ang kaniyang relo at binenta. Naibenta ko ito sa halagang isang daang libo. Kaya't kung sakaling dumating siya upang hanapin ako, maaari kong itanggi ang pangalan iyun na hindi naman talaga ako.

Naalala ko ang sinabi niya, "Kung may mangyari sa relo, isipin mo nalang na patay ka na"

"Bakit ka nakatingin sa akin, fuck head?" Tanong sa akin nang gagong si Tem na umupo sa tabi namin ni Jom. Sila lang ang mga kaibigan ko, ang dalawa kong matalik na kaibigan. Kahit gwapo ako, makinis ang mukha, hindi ako masyadong palakaibigan, lalo na sa hindi ko kilala. Bihira kong ipahayag ang aking damdamin sa iba. At palagi kong naririnig sa iba na malamig raw ako. Hindi daw ako approachable.

 Hindi daw ako approachable

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tem

Siguro ding may kinalaman ang Japanese tattoo ng cherry blossoms sa kaliwang braso ko kaya din hindi sila naglakas-loob na banggain ako. Itong dalawang tanga lang naman ang nakikipagkaibigan sa akin hanggang ngayon. Nasa second year na kaming tatlo  sa isa sa mga nangungunang unibersidad sa bansa, pero kung hindi dahil sa scholarship ng pagiging athlete boy, hindi ako makakaapak man lang dito. Nag-aaral ako ng libre. Bilang isang kampeon sa taekwondo at isang representative ng aming paaralan, naging mas madali ang pag-apply ko ng scholarship sa paaralan.

"Kung matapos natin ng maaga ang report, Porsche, pwede ba tayong gumala sa club?" Sabi ni Jom na naglalaro sa phone niya.

"Bago mo maisipang uminom, tulungan mo muna ako rito" Ipinahiwatig ni Tem na siya lang ang gumagawa ng lahat nang dapat gagawin sa uulatin namin. Ako?, kailanman hindi ako nakikisali sa pinanggagawa nila, wala akong planong tumulong.

Kinn Porsche (Tagalog Translation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon