chapter 6: Right or Wrong

77 2 0
                                    

KINNPORSCHE THE NOVEL

------PORSCHE-----

Tiningnan ko ang mga dokumento sa harapan ko at  binasa ang laman ng dokumento kasama ang matandang lalaki na may kalmadong ekspresyon sa kaniyang  mukha at ang matangkad na pigura ni Kinn na nakadekwatro habang nakakunot ang nuo sa akin.
Nakita ko siya at pinigilan ang aking sariling huwag tusukin ang kanyang mga mata.

Gusto kong kunin ang vase na nasa mesa at ihagis sa ulo niya para malamang mabubuhay ba siya. Sa ngayon, nakaupo at nakikinig sa mapanuksong alok at mga salitang  lumabas sa bibig ng isang matandang may kakaibang personalidad. Sa simula palang pagkakita ko sa taong ito ay alam ko nang  isang mahusay na negosyante.

.

Si Khun Korn o ang ama ni Kinn ay matagumpay na nakakumbinsi ako. Sa isang gabi, nakatayo ulit ako sa parehong lugar. Isang malaking bahay na may hindi mabilang na mga guwardiya na nakapila sa bawat sulok. Ang bahay ay pinalamutian nang marangyang bagay na nagpapaalam sa sinuman na ang antas ng karangyaan na ito ay makakahalintulad sa isang casino o pambansang merchant. Iyun ang tamang depenisyon sa lugar.

"Kung papayag ka sa alok ko maaari mong pirmahan ito."

Ang laman sa papel ay may kasamang insurance na kung ako ay mamatay ay nakalista na doon kung sino ang gagawin tagapagmana at tatanggap ng money insurance ko. Sa pagbabasa palang ng pahina ay nahihilo na ako. Anong gagawin ko? Pagkatapos ay mayroon pang  iba't ibang mga patakaran at mga regulasyon sa pagpasok at paglabas ng bahay.

*Inspeksyon ng armas.

*Atleast a minimum of 1 year of work, kung nasira ang kontrata magbabayad ka sa halagang 200,000 baht.

*Sa isang buwan, maaari kang magpahinga ng dalawang araw at limang araw ang iskedyul ng trabaho  sa isang linggo,

*Maaari akong pumili ng mga araw. Ngunit problema ito para sa akin.

“About the working days, nag-aaral pa ako kaya hindi ko masisiguradong matatrabahuan ko ang limang araw " sabi ko nang tahimik. Gamit ang ballpen itinuro ko sa kanila ang bagay na hindi ako makakasunod. 

"Hindi yan problema pwede ka naman sa night shift ..."

"Pwede din ba akong pumili ng oras?"

Nanlaki ang mata ko sa gulat.

“May 24/7 bodyguards dito, morning shift from 6am to 6pm at night shift mula 6pm hanggang 6am." Paliwanag sa akin ni Khun Korn. Baliw! Magtatrabaho ako bilang bodyguard o sa 7/11 staff member?! Pwede rin akong magpalit ng shift. Be on guard kahit si Kinn ay tulog dahil baka may sumugod at pumatay sa kanya. Sobra na ito!

"Ngunit kung magnaninight shift ako at mag-aral sa umaga. Paano ako matutulog?" honest kong tanong.  Hindi ako Iron man. Isa akong ordinaryong tao na talagang kailangan ng saktong tulog. Gusto ko rin magpahinga!

"Mukhang may nagdadahilan..." Galit na sigaw ni Kinn. "Sabihin mo nalang na hindi mo kaya!!!"

"Are you sure you can't? Kinn told me you work at a nightclub?", Tanong ni Khun Korn.

"8pm to 2am lang ang duty ko dun tapos isasara ko na ang club. Pagkatapos ay uuwi at matulog and then papasok sa school sa umaga. Besides, Thursday to Sunday lang ang trabaho ko sa club ni Jade. The remaining days wala na akong trabaho nun at tambay sa bahay"

"Anong oras ka pumapasok sa college tuwing umaga?"

"Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday lahat yun afternoon class" magalang na sabi ko dahil trinatrato ako ng maayos ng matanda. Sinabi ko ang schedule ko. Sabado lang at Linggo ang rest time ko  Lunes hanggang Miyerkules abala ako sa umaga at sa gabi.

Kinn Porsche (Tagalog Translation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon