chapter 21: SHAKEN

87 1 0
                                    

KINNPORSCHE THE NOVEL

------Porsche-----

Click!

Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa paligid pero tamad kong imulat ang aking mata. Mas ibinaon ko pa ang aking mukha sa mainit na bagay sa harap ko, amoy at malambot na balat na nakadampi sa aking mukha na ibinabalik ako sa pagtulog.

"Porsche..Porsche.."
May narinig akong bulong at sinundan ng pagsundot sa aking braso na nagpairita sa akin. Tamad kong minulat ang aking mata at tinignan ang taong naglakas ng loob na gisingin ako.

"Ano!?"
Sabi ko sabay matalim na tinignan ang taong gumising sa akin. Sinubukan kong ipukos ang aking nanlalabong mata, hindi ko matandaan ang nangyari kagabi pero gusto kong matulog ulit. Lumayo ng konti si Kinn sa akin at nilagay anh kaniyang kamay sa gilid ng knaiyang ulo na nanunuyang nakangisi sa akin.



"Shit!"
Agad akong napatalon at agad na umupo at itinaas naman ni Kinn ang namamanhid niyang braso na inunanan ko buong magdamag.

"Uhm, mukhang busy ka yata. Aalis muna ako."
Sabi ng isang boses na galing sa pinto kung saan nakita ko ang gulat na mukha ni Time at natitigilang si Tae, Mew at Pete. Mabilis akong umalis sa kama nang marinig ang tawa ni Kinn. Napayuko ako dahil sa hiya, at walang lakas na loob na tumingin sa kanila at namumula ang aking mukha dahil sa matinding pagkapahiya. Agad kong tinungo ang pinto, habang pabaling-baling ang kanilang tingin sa amin ni Kinn. Wala na akong pakialam! Gusto ko nalang iumpog ang ulo ko sa dingding.

Ano bang pumasok sa utak mo Porsche?! Ugh, I am so fucked up!

Tumatakbo akong bumalik sa silid ko, hinugasan ang mukha at mata sa banyo at pagkatapos ginawa ko na ang dapat gawin. Nanatili ako doon ng ilang oras iniisip kong anong alibi ang sasabihin ko sa aking mga kaibigan.

Tang-ina!

Mukhang nahahalata na nila sa nakita nilang sitwasyon namin kanina. Ako at si Kinn, kasamang natutulog sa hospital bed! At higit sa lahat, magkayakap kaming dalawa! Anong gagawin ko ngayon? Sumandal ako sa lababo, tinitignan ang aking repleksyon sa salamin. Tinititigan ang well-rested guy as I noticed my skin glowing and my
face and lips are plump. Nakatayo lang ako doon at nag-isip ng ilang oras. Hindi to mangyayari kung hindi ako pinilit ni Kinn na patulugin doon, pero sa kabila nun, sang-ayon naman ako nun.

Tang-ina! I'm really fuck up!

Sinubukan kong pakalmahin ang aking utak habang tahimik na naglakad palabas ng banyo papunta sa kama. Nagawa kong kumain sa mesa. Parang baliw na malakas na tumibok ang dibdib ko pero kumilos akong parang walang nangyari at nagpatuloy sa pagsubo ng kanin. Biglang dumating si Jom, Tem at Pete  at tumayo sa gilid ng kama, nag-aakusang tumitingin sa akin.

"Oi"
Napapiksi kao ng binasag ni Pete ang katahimikan.

"Ang sabi ni Arm iniwan ka niya doon buong gabi"
Nanunuyang tawa sabay sabi. Sumandok ako ng isa pang kutsarang kanin papunta sa aking bibig nagkunwaring walang narinig.

"Kumusta naman ang tulog mo sa silid ng Master?"
Tanong niya habang nakacross arms. Sumulyap ako sa kaniya pero hindi sumagot at tapos yumuko ulit.

"Hoy!"
Sabay na sabi ni Tem at Jom. Ang lamig ng aircon pero bakit yata pinagpawisan ako?

"Tapos na ba ang klase niyo?"
Tanong ko sa kanila at sinubukang iiba ang usapan pagkatapos sumulyap sa wall clock na alas onse na pala ng umaga. Kailangan kong ibaling ang atensyon nila.

"Well ngayon, pinasa ko na nag report at pagkatapos aksidente kaming nagkita ni Phi Time, kaya isinama na niya ako", sabi ni Tem na nakatingin sa akin.

"Ngayon, sagutin mo tanong ko",
Tumatawa si Pete habang kumuha ng upuan, hinatak ito malapit sa gilid ng kama at umupong tinititigan ako.


Kinn Porsche (Tagalog Translation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon