chapter 12: Doubt

88 0 0
                                    

KINNPORSCHE THE NOVEL

------PORSCHE-----

Nagising ako at nahihirapang bumuwelta. Agad na namayani ang sakit sa ulo ko nang unti-unting imuinulat ko ang aking mata.

Tang-inang Kinn!! Gaano ba karami ang ininom niya kagabi? Nalasing ba talaga ang gagong yun? Hindi nga nga umumbok man lang sa kinauupuan niya. At sa akin..... Sighhh. Ayoko na ngang isipin yun. Tinukod ko ang aking dalawang kamay sa kama at unti-unting inangat ang aking sarili. Nagpatuloy ang sakit ng ulo ko na oarang pinukopok ng bato. Inalis ko ang kumot na nakatakip sa akin  at.... Teka, kumot? Makapal na kulay itim na kumot? Malaking kama at malapad na kwarto-------

Inilibot ko ang kaing tingin sa loob at iniisip kung anong nangyari kagabi. Pumunta ako sa bar ni Jade at umuwi matapos magsaya. Nang nasa bahay na kami tinulungan ko si Pete kay Kinn at dinala sa kwarto niya. Pinansan ko siya at------

Tang-ina! Wag niyong sabihin na nandito na naman ako ulit sa kwarto ni Kinn!?

Tinanaw ko ang buong kwarto at hindi ko nakita si Kinn. Inilibot ko ang aking tingin hanggang napako ang aking tingin sa family picture. Si Khun Korn iyun kasama sila Kinn.

Hindi ako makapaniwal. Tang-ina kung bakit nandito na naman ako!? Biglang nawala ang dakit ng ulo ko nang marealize nang may maalala. Naalala ko ang nangyari kagabi, yung sarap na nararamdaman ko na parang nasa cloud nine ako. Ang mainit kong hininga at ang labi kong basang-basa dahil sa ginagawa ni Kinn. Nilamon na sana kao ng sarap nang marealize...... si Kinn ang gumawa sa akin nun!

HINALIKAN AKO NI KINN!

Kahit na lasing ako naalala ko ang lahat ng nangyari sa silid. Naalala kong nasa ibabaw siya sa akin. Aalis na sana ako sa kama nang may maamoy na nagpabaling ng aking atensyon. Agad kong ibinaba ang aking tingin at  inangat ang aking paa. May suka na nakakalat sa sahig at ang mas malala pa alam kong akin iyun. Pagkatapos kong sumuka kagabi nawalan agad ako ng malay.

Pero ang point rito ay hinalikan ako Kinn. Bakit niya ginawa syun!? Ano bang iniisip niya? Or baka ginugulo niya lang ako kaya ginawa niya iyun. Yun nga ang dahilan!

Naglakad ako sa kabilang kama at tinignan ang orasan na nasa dingding. Alas nuebe na nang umaga at may isang oras pa ako bago tawagin ni Khun. Ang pangyayaring ito ay katulad din nung nakatulog ako sa sofa. Same moment and same feeling. Tumayo ako at inilagay ang aking palad sa aking baywang nang bumukas ang glass door. Agad akong yumuko nang marinig ang pagbukas ng pinto. Iniluwa si Kinn na nakahawak ng cellphone na nakabalot ng cover sa couch at tumingin sa akin. Walang galit ang nababakas sa kaniyang mukha. Kalamado lang ito. Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan ko rin siya.

"Bakit hindi mo ako ginising? Saan ka natulog?"
Kalmadong tanong ko. Nakaramdam ako ng guilt nang marealized na natulog siya sa sofa habang ako natutulog sa kama niya.

"Wipe your puke before you go"
Sagot niya. At tinutok ang kaniyang tingin sa kaniyang cellphone.

"Of course! Hindi mo na kailangan sabihin sa akin"
Bulong ko sa aking sarili at naglakad patungo sa bedroom niya. Kumuha ako ng tissue at yumuko para punasan ang suka ko. Agad akong nandiri nang maamoy ito. Nagpasalamat nalang akong hindi ko hinubad ang aking damit katulad noong una dahil kung ginawa ko niyan hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap kay Kinn. Kumuha ako ng tela at ipinunas ulit. Pagkatapos kong punasan ang sahig agad kong inalis ang sheets sa kama ni Kinn at dinala para malabhan pero pinigilan ako ni Kinn.

"You can leave them. The house lady will come and pick them up later."
Sabi ni Kinn habang nakasandal sa pinto habang nakacross arms. Agad kong binitawan ang maruming sheets sa harap niya.

"Can you at least put them on the side?"
Nakasmirk na sabi  niya at nilaro-laro ang kaniyang labi.

"Bakit? Dito ko nalang ilalagya para makita niya"
Sabi ko at iniwan ito sa pintuan. Maraming tanong ang naglalaro sa aking isipan at gusto kong itanong sa kaniya pero natatakot akong mas lalo lang akong maguluhan sa sa sagot niya.

Kinn Porsche (Tagalog Translation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon