chapter 4: Pressure! Pressure!

113 2 0
                                    

KINNPORSCHE THE NOVEL

------Porsche-----

Sumakay ako sa motorsiklo kasama ang isang back rider na parang nakabaon sa hukay ang kalahati niyang katawan at malapit na ang araw sa paghuhukom. Out of nowhere  tumawag sa akin si tito Athie para sunduin siya. Pagkatapos noon hindi na siya nagsalita, hindi nagtatanong, at hindi sinasagot ang  anumang tanong ko maliban sa sinabi niyang uuwi siya sa bahay niya.

"Bumaba ka muna," sabi ko sa mahinahong boses. Dahan-dahan niya akong sinundan at kumunot ang noo habang pinipihit ko ang susi. Pinatay ang makina at dahan dahang tinutulak ang motor sa guwang na likod-bahay. Pagkatapos ay nagawa kong tumalon at umakyat sa dingding upang iangat ang sarili ko.

"Anong ginagawa mo?" Medyo natatarantang tanong ni tito. Bago ako nakalapit sa kaniya inilahad ko ang kamay ko sa harap niya.

"Shhttt! Manahimik ka... bilisan mo at umakyat ka na."

Inabot ni Uncle ang kamay niya, tapos ako hinila pataas ang katawan niya sa gilid ng dingding bago ako tumalon sa sahig. Ginaanan ko ang paglanding sa sahig hangga't maari.

"Bakit kailangan mong pumuslit sa sarili mong bahay?!" Huminga ng mahina si tiyo at hinihipan ang kanyang buhok. Walang pakialam kong pinaalis siya sa pader ng bakod. Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan bago dahan-dahang binuksan ang pinto sa likod para hindi gumawa ng kaunting ingay at pumasok sa loob.

"Phew! Sa wakas ay nakaligtas pa ng isang araw." Huminga ako ng malalim bago ako nagmamadaling lumingon at binigyan ng masamang tingin si Athie na nakasunod sa likod ko na akmang pipindutin ang switch ng ilaw.

"Huwag mong buksan ang ilaw!" Bumulong ako.

"Ano ang problema mo?" Tanong niya na parang hindi ako maintindihan. Maingat akong naglakad patungo sa lighter para sindihan ang kandila na nangangalahati na dahil nagamit na kagabi.

"Wag ka ngang maingay.." sagot ko na lalong ikinagalit ni tito at mukhang naguluhan pa nang kinuha ko ang pamaypay sa drawer.

"Lilipas rin ang init huwag mong buksan ang aircon!"

"Huh? Hindi ka ba nagbayad ng kuryente?" naguguluhang tanong ni Athie habang kinuha ang pamaypay bago ako naglakad patungo sa bintana at bahagyang binuksan ang mga kurtina. May nakita akong dalawang lalaking nakaitim na nakaupo sa mga mamahaling motor at nakatingin sa loob ng bahay ko.

Damn it! Kailan ba sila titigil?!

Dalawang araw na ang nakalipas. Ang gagong iyun nagpadala ng tauhan niya para sundan ako sa club at sa bahay. Para na akong isang dagang nagtatago sa pusa.

Mabuti nalang nagpahinga ako sa trabaho ko sa club nang sinabi ni Jade na may laging pumunta at palaging binabnaggit nag pangalan ni Jom tuwing gabi. Nanindig tuloy balahibo ko sa katawan at dagdagan pang nakakatakot pa ang lumalabas na salita sa bibig ni Jade patungkol doon.

"Ano bang problema sayo ni Mr. Kinn? Bilisan mo, puntahan mo siya at humingi ng tawad sa kanya. Masasabi kong hindi lang siya ordinaryong tao."

Ang takot na namamayani sa aking dibdib na pilit kong itinatago ay unti-unting lumalaki paglipas ng mga araw.  Kapag hinahanap ako ng mga gang men kung saan-saan palaging bukambibig si Jom. Sigurado akong hinahabol ako ni Kinn at hindi ako hahayaang makatakas nang ganun kadali. 

"Anong kalokohan ang ginawa mo para mapansin ka ng mafia, Porsche!" Sigaw ni Athie habang naglalakad at tumabi sakin sa likod ng kurtina. Tumingin siya sa direksyong tinitignan ko. 

"..Mukhang ngang  may nagawa ako, pero ano? Anong nagawa ko?"

Mabilis kong iniba ang usapan. Walang lakas na loob na sabihin sa kaniya ang tungkol sa relong naibenta ko. Dahil sa pagkuha ko sa mahalagang bagay na iyun hindi na ako tinantanan ni Kinn.

Kinn Porsche (Tagalog Translation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon