Dean's POV
Hi! I'm Dean Wong, just call me D, dahil yun yung tawag sakin ng mga friends ko.
Retired volleyball player ako, nag lalaro ako dati bilang isang professional volleyball player sa team ng ChocoMucho, pero nakapag decide ako na mag retiro kahit 25 years old palang ako.
Maraming nang hinayang dahil isa ako sa magagaling na setter sa Men's Volleyball Team.
Anong reason ko kung bakit ako nag retiro? Kasi gusto kong i enjoy yung life ko, gusto kong ubusin yung time ko sa pag ta-travel.... life is too short, hindi habang buhay bata ka, kaya habang kaya mo pa, gawin mo na, sabi pa nga nila napapalitan ang pera, pero yung panahon hindi na..
Nakaipon na din naman ako, kaya kahit papaano kayang kaya ko ng buhayin yung sarili ko ng walang natatanggap na tulong mula sa family ko, meron na din akong naitayong business.
Mayaman din naman yung family ko kaya naman hindi na nila kailangan ng tulong ko. Pero kahit hindi na nila kailangan ng tulong ko, nagbibigay parin naman ako dahil yun yung gusto ko.
Nandito ako ngayon sa condo ko, nag aayos ng dadalhin ko sa pagha-hiking at camping, joiners kasi ako sa isang travel agency na pupunta sa Mt. Pulag bukas ng umaga.
Maya maya tumunog yung phone ko, nang tingnan ko iyon, tumatawag si Bei, isa sa mga kaibigan ko at ka team ko dati sa ChocoMucho pero tulad ko nag retiro na din sya dahil gusto nyang ipagpatuloy yung pag aaral nya bilang doctor.
Agad ko namang sinagot iyon.
"zup?" sagot ko sa tawag nya
"Hey D, you want to join us tonight? bar lang.." tanong nya
"Pass!" mabilis na sagot ko
"why? haha damayan mo naman ako ohh parang hindi ka kaibigan bro.." sabi nya sakin
"b-bakit? may problema ka?" tanong ko
"Oo eh, damayan mo naman ako" sabi nya, napakamot ako sa ulo ko..
Kaso maaga ako bukas.. pero sige na nga pwede naman akong mag paalam ng maaga sa kanila mamaya.
"Ok sige, sasama na ako" sabi ko
"Yan, salamat, I really need you now bro... Pupunta din sila Tots" sabi nya
Halatang ang lungkot ng boses nya...
"Ok bro, pero uuwi lang ako ha? maaga akong aalis bukas, may hiking ako" sabi ko
"Ok, basta pumunta ka" sabi nya
"Ok, see you later..." paalam ko sa kanya
Maya maya natapos na akong mag ayos ng mga dadalhin ko kaya nag pahinga na ako. Humiga muna ako sa sofa at nag check ng social media ko.
Ang daming nadagdag na followers ko sa IG, ang dami din nag me-message na mga fans, namimiss na daw nila akong makita mag laro.
Nang gumabi na, naligo at nag bihis na ako dahil pupunta ako sa bar kung nasaan ngayon sila Bei, nag text kasi sya sa akin, nandon na daw sila.
Pagkatapos kong maligo at magbihis agad akong umalis.
Pag dating ko sa bar, sa entrance palang marami ng nag papa picture sa akin. Meron ding nag aabot ng gifts. Wala akong magawa kundi ang kunin iyon.
Nagmadali akong pumasok sa bar dahil baka mas dumami pa ang dumating na tao at baka dumugin nanaman ako.
"LATE KA!" sigaw ni Tots pag dating ko sa table nila
"Naku pustahan, hinarang ng mga fans yan sa labas" sabi ni Ponggay, girl bestfriend namin
"Sorry guys, ang dami talagang nag papicture sakin sa labas, pinag bigyan ko na baka kasi ano nanaman yung sabihin nila" sabi ko
BINABASA MO ANG
I Never Knew Love Till I Found You
FanficDean Wong didn't believe in love until he met a girl who could change his beliefs.