Azi.
“Azianna! ano ba! may klase tayo!” nagising ako sa maingay na bunganga ni Kiella,agad kong tinignan ang orasan at 7 am pa lang pero grabe na siya kung makagising.
Teka,ano?7 am??!!
Mabilis akong tumayo at nagpunta sa cr para maligo,nakalimutan ko na 7:30 am class namin.
“Oh ano tanga ka bilisan mo!” sigaw ni Kiella.
“Oo! oo!” inis na sigaw ko.
Gulat na gulat si Kiella nang lumabas ako sa cr pagkatapos ko maligo.
“Ghad azi!! 8:00 am na! boba!”
Nasapo ko ang noo ko sa sinabi niyang iyon,hindi ko tanggap na hanggang ngayon hindi ko parin kaya maligo ng mabilis.
“Sorry na may next sub naman e” nakasimangot na ani ko.
“Bilisan mo diyan!” sigaw niya.
Kahit ganon ay natawa pa rin ako sa isipin na hinintay niya parin ako,imbis na iwan nalang ako at mauna na pumasok.
“Nasisiraan kana ba talaga?! ano ngingiti ngiti ka nalang diyan?! para kang tanga azianna! dalian mo kung hindi ay hindi ko sasabihin ang good news sayo na ikakatuwa mo ng todo!” sigaw niya habang nakaupo sa couch,kaya agad akong nagpunta sa kwarto para mag ayos.
“Ano naman ‘yon?” tanong ko.
“Basta! bilisan mo nalang diyan!”
Ang init ng ulo,baka di nag almusal.
Pagkatapos ko mag ayos ay dumiretso nako sa kusina,inaya ko pa kumain si Kiella pero ang sabi niya ay busog siya.
Kaya ang ending pagpasok namin sa room,pinagalitan kami kasi absent kami sa first sub.
“Girls? what did you do bakit late kayo?!”Miss Reyes said.
Pagpasok pa lang namin sa room sinabon na kami ni Miss Reyes,mukhang bad mood pa naman.
“I’m sorry M-” Hindi na natuloy ni Kiella ang sasabihin niya,when we heard someone knocking on the door.
Lahat sila ay tumingin sa pintuan.
Nakitingin rin si Kiella.
Pagharap ko ay nakita ko ang mga Alpha.
“Miss,excuse us.We’re sorry to say this pero napuyat po sila,nagpatulong po kasi kami to our activity.” Si Kael,tumaas ang kilay ko sa sinabi niyang ‘yon.Napatingin naman ako Kay Shiro na ngisi ngisi nakatingin sa’kin,inambaan ko lang siya kaya natawa ang gago.
“Yes,Miss.We’re so sorry it’s our fault po.”Si Austin.
Parang bula na naglaho ang ang istriktong mukha ni Miss Reyes.Dahil nang tignan ko ito ay para siyang anghel na nakangiti kay Kael.Nakatago pa sa likod niya ang stick na hawak niya pamalo kanina samin.
“Is that so?” Miss Reyes ask,while still looking at Kael.
“Yes,Miss.We’re sorry.Can a pretty and sexy Advicer in this class forgive us?” nakangising dagdag ni Kael.
Animo kinilig naman na parang bata si Miss Reyes,dahil umayos ito ng pagkakatayo,nakita ko pa paano niya pinigilan huminga dahil biglang lumiit ang tiyan niya.
YOU ARE READING
Love Undercover
RastgeleTwo rivals fall in love? The mission is to kill each other,but what if the mission went to love? A bullets of love. Work or love? Love or Life?