CHAPTER 19

43 4 0
                                        

Kiella’s POV.

"Kamusta na pakiramdam mo?ayos kana ba?" Tanong ni Lucas,habang inaabot sa'kin ang isang burger.

"Ayos na ako,salamat." nakangiting ani ko.

Hanggang ngayon ay parang nararamdaman ko parin ang kamay ng lalaki iyon sa katawan ko.Hindi ko alam bakit hinayaan ko siya na gawin sakin yon,natakot ako nang tutukan niya ako ng patalim kaya hindi ako nagsalita.

Mabuti nalang at napansin iyon ni Azianna.
Malaki ang utang na loob ko sakaniya.Pero dahil kilala ko iyon ay hindi niya iyon tatanawin na isang utang na loob.

Ramdam ko ang galit niya kanina nang hawakan niya ako.

I know that she wanted to cry too when i was crying on her shoulder.
I'm thankful having her,hindi lang kaibigan ang turing ko sakaniya,parang kapatid ko na rin siya.

Lagi siyang nandiyan sa mga panahon na kailangan ko siya,she's not showy and can't tell to me she loves me,but her actions do.

Huhubarin ko na sana ang jacket na pinasuot sakin kanina ni Lucas nang hawakan niya kamay ko.

"Tangina,kie."naibulong niya.

"Bakit?"

"Sa susunod na mangyare iyon,magsabi ka naman kapag may nangyayari ng ganon.Pero hindi ko na rin hahayaan na may mangyaring ganon sayo." namamaos na ani niya.

At ayon na naman ang mga luhang nagbabadyang pumatak.Kanina ko pa iyon pinipigilan habang kausap siya.

"Kinabahan ako,Kie.Ako nasasaktan para sayo." bulong niya pa.

Nabigla ako nang yakapin niya ako.
Doon ko na hindi napigilan ang mga luha ko.

"Shhhh,it's okay.Nandito lang kami,ako."bulong niya.

Ilang minuto pa kami sa ganong sitwasyon ng biglang lumabas sa kotse si Austin.

"Kanina pa wala si Azi,ilang minuto na." kunot noo ani niya.

"Puntahan na natin." pagyaya ko sakanila.Agad naman silang sumang ayon.

Bigla ay para akong nakaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan.

At nang makarating kami sa malapit na cr ay agad kaming pumasok.

"Azi?nandyan kaba?"

"Azi?sumagot ka kung nandyan ka!"

Katok lang kami nang katok sa mga cubicle pero walang sumasagot.At nang makapunta na ako sa huli ay bukas ito.

Pero agad din akong napaatras ng makita ang dugong nagkalat sa pintuan,pati na rin sa sahig.

Agad nagpunta sa direksyon ko sina Austin at Lucas.

"Bakit may dugo dito?" tanong ni Lucas.

"I hope she's fine." bulong ni Austin.

Mas lalo akong kinabahan dahil sa dugong nagkalat sa kung saan.Hindi ko alam san galing iyon.

Tinignan pa namin ang mga ibang cr pero wala siya,inikot ikot na namin lahat pero wala kaming Azianna na nakita.

Agad kaming bumalik sa parking lot nagbabakasakali na nandon siya.
Pero wala,wala pa rin ito.Doon na kami kinabahan.

"Tangina,ano nangyayare" dinig kong bulong ni Lucas,maski ako ay naiiyak na rin sa mga nangyayari.

Samantalang may tinatawagan naman si Austin.

"Damn,pick up the damn phone shiro!!" inis na sigaw niya.

"Austin! open the door!" nakita ko si Kuya Kael na tumatakbo papunta sa direksyon namin.

"Kael si Azi.." ani ni Austin.

"Kanina pa namin siya hinahanap pero wala hindi namin siya nakita"

"She's with shiro! papunta na sila dito!" sigaw ni Kuya,agad nangunot ang noo ko sa inaasta niya.

Pero agad ko rin naintindihan nang makita si Shiro na buhat buhat si Azi na duguan at walang malay.

"Shiro! anong nangyare sakaniya?!" kinakabahang tanong ko.

"Anong nangyare kay Azi?!"

"What happened to her?!"

sabay sabay na tanong namin.
Pero hindi sumagot si Shiro bagkus ay dumiretso ito sa kotse at agad naman siyang pinagbuksan ni Kuya.

"Austin,sumunod nalang kayo!" sigaw ni Kuya at dali daling sumakay sa driver seat.

Agad naman tumango sina Lucas at nagpunta sa isang kotse.

Sumakay naman ako kina Kuya,agad akong naupo sa passenger seats,samantalang nasa backseat naman sina Shiro at si Azi na walang malay.

Agad kong tinignan si Azianna,putok na putok ang noo niya at hindi mo na makilala dahil sa dami ng dugo na umaagos mula sa noo niya pababa sa mukha.

"Ano ba kaseng nangyare?!" tanong ko.Kinakabahan ako,sana walang matinding apekto ang nangyaring ito sakaniya.

"I saw her sa bungad ng parking lot walang malay at duguan,i don'tknow what happened to her.." bulong ni Shiro.

Agad akong napaluha dahil doon.

"Please,drive fast!" sigaw ni Shiro,ramdam ko ang pag aalala niya sa kaibigan ko,sinunod naman iyon ni Kuya.

"Hold on,please please.." rinig kong bulong niya,maski ako ay nag aalala sa kung anong pwedeng mangyari sakaniya.

"Hold on,Azi ko...Please...Kael make it fast,si azi ko...." pahina nang pahina ang boses niya,nag alaalala talaga siya.

Pagkarating namin sa hospital ay agad inagapan ng mga doctor at nurse si Azianna.Tahimik lang kaming nakaupo,naghihintay na may lalabas na doctor.

Agad din naman dumating sina Austin at lucas,kasabay nang pagdating nila ay ang paglabas ng doctor mula sa kwarto ni Azianna.

"I'm sorry but the patient is still not stable."Bungad ng doctor,dahilan para mapatayo si Shiro.

"Ano?bakit ho?" kunot noo tanong niya.

Huminga namang malalim ang doctora bago nagsalita.

"Her parents?nandito ba sila?" tanong niya,agad naman silang tumingin sa'kin kaya tumayo nako para makausap siya.

"Wala ho ang parents niya,nasa ibang bansa." ani ko.

"I need to talk to her parents,the patients need to under go in operation."

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang sabihin ng doctora iyon.

"Pero nasa ibang bansa po sila doc.."

"I know but as much as possible they need to come here and sign the paper,we need her parents permission and signature so she can under go in operation."

"Her condition is serious,may mga butong nabali sa batok niya sa lakas ng pagkakatama."

"Ano?!" sabay sabay na sigaw namin.

"Yes,sa tingin ko ay may pumalo ng malakas sa pasyente,when we checked her nangingitim na ang batok niya,at may naiwan pang bakas doon."

Agad akong napaupo nang marinig iyon.Ano nalang ang sasabihin nina tita at tito kapag nalaman nila ito.

Love UndercoverWhere stories live. Discover now