Azi.
"Azianna..." agad kong inabot kay Kiella ang litrato at ngumiti.
"Shhh,ayos lang 'yon." nakangiting ani ko.
Para hindi siya mag alala.
"Nagluluto ka diba?tapos na ba?" tanong ko,pinipilit na ibahin ang usapan.
"Azianna,magpapaliwanag ako.."
"Tara kumain na tayo?" nakangiti pa rin ako,habang tinitignan ang mga linuto niya.
Inilagay ko ito sa mesa para makakain na kami.
Agad kong pinunasan ang luha na tumulo galing sa'king mga mata at hinarap si Kiella.
"Upo kana kakain na tayo,kie." ani ko,habang abala pa rin ako sa paghahanda.
"Azianna,magpapaliwanag nga sabi ako.."
"Nakita nga pala kita kanina,Kie."
"Azianna! huwag ka ngang umakto na parang ayos ka!"
Natigil ako sa pag aayos ng mga kakainin nang sumigaw ito.
Dahan dahan ko itong hinarap.
"Ano ba pag uusapan? about the two of you?" natatawang tanong ko.
"Hindi sa ganon,walang kami!"
"Ah talaga? eh ano y-"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang pumasok si Ate kalli sa kusina.
Mas nakakabigla na nasa likod niya ang mga alpha.
"Kaize." si ate.
"Ate?anong ginagawa nila dito?" puno ng pagtataka tanong ko,habang nakatingin sa mga taong nasa likuran nila.
"Boss?" rinig kong ani ni shiro
"Oh,ayan na pala si Shiro,Kie." nakakalokong pagtawa ko.
"You need to listen,Azi." biglang lumapit sa'kin si Shiro,kaya napahakbang ako paatras.
Listen? para ano?
"I'll tell you everything,just please,listen to me first." akma nitong hahawakan ang kamay ko kaya iniwas ko ang mga 'to.
"Kaize...wag na matigas ang ulo,oh?"
Natatawa kong tinignan si ate kalli nang sabihin niya yon.
"Bakit ate? ano bang pinakain sayo nito at kumakampi ka sakaniya ngayon?"
"Hindi sa ganon,kaize..Pero kasi pakinggan mo muna siya."
"Okay." tipid na sagot ko at hinarap si Shiro.
"Kio sigurado kana ba?" napatingin ako kay Austin nang sabihin niya yon.
Ano raw? kio? tinawag niyang Kio si Shiro?
"Kio pre alam mo pwedeng mangyare sa'yo." si lucas.
Nagtataka ako,tinignan ko silang lahat,parang lahat sila may alam.Ako nalang ang wala.
"Azi,i'm not your enemy.Okay? hindi ako agent sa agency na 'yon." pagsasalita ni Shiro.
He held my chin so i look at him.
"I'm not Shiro either,i lied." pagtuloy niya.

YOU ARE READING
Love Undercover
RandomTwo rivals fall in love? The mission is to kill each other,but what if the mission went to love? A bullets of love. Work or love? Love or Life?