CHAPTER 18

40 4 0
                                    

Azi.



Ilang minuto pa kaming naghintay sa parking lot pero walang dumarating na Shiro at Kael.


Kanina pa kami hindi mapakali,baka ano na nangyari.

Kanina ko pa rin gusto magcr pero pinipigilan ko,kaya nang hindi ko na matiis ay nagpaalam nako kina austin.


“Samahan na kaya kita?para may kasama ka Azi.”pagpupumilit nila.

“Hindi na,ang lapit lang naman ng cr dito babalik ako kaagad.” nakangiting ani ko,wala narin naman sila nagawa.

“Azi,takecare.okay?”

“Hoy Azianna! balik ka kaagad!” sigaw naman ni Kiella.

“Pupuntahan ka namin kapag natagalan ka.”

Agad naman akong tumango kay Lucas.


Diretso lang ang lakad ko,hindi na kataka taka na halos wala akong nakikitang tao dahil panigurado lahat sila nasa gym.


Kaya nang makarating na ako ay agad akong pumasok sa Cubicle.


Nag ayos narin ako ng sarili ko,tinawagan ko pa si Shiro pero hindi niya sinasagot.

Kaya nang makuntento ay mabilis akong lumabas sa cubicle at ibinulsa ang telepono.

Pero ganon nalang ang gulat ko nang may tumamang matigas na bagay sa noo ko.


Nawalan pa ako ng balanse kaya napahawak ako sa pintuan sa cubicle.
Nakaramdam ako ng hapdi galing doon pero hindi ko nayon pinansin,bagkus ay nagtingin tingin ako sa paligid para makita ang kung sino man ang may gawa non.

Tahimik at dahan dahan ang lakad na ginagawa ko,pero agad din akong napalingon sa likuran ko nang maramdaman na bumukas ang isang cubicle.


Saktong pagharap ko ay ang pagtama na naman ng matigas na bagay sa mukha ko.Naramdaman ko na kaagad ang pulang likido na dumaloy mula doon.

“Sino ka?” Kalmadong tanong ko,kahit na magkahalo halo na ang nararamdaman ko.

Hindi nako makakita ng maayos at nawawalan ako ng balanse,pakiramdam ko ay anumang oras mawawalan ako ng malay.



“Warning lang ito,Kaize.Hindi lang kami,ako ang kaaway mo.” malaki ang boses na ani niya,pinilit ko parin imulat ang mga mata ko kahit nakakaramdam ako ng antok.



At nang tuluyan ko siyang makita ay isa itong lalaki,base on his clothes he’s from black organization.


Napangisi ako sa isiping iyon,hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako tinitigilan sa kakawarning.Paulit ulit nalang nila sinasabi na hindi lang sila ang kaaway ko.



Umatras ako ng bahagya at umikot para sipain ito sa sikmura.


“arghhh!” sigaw niya,pero hindi ko ito pinansin.Sinapak ko pa ito sa mukha.


Pero laking gulat ko nang mabilis siyang nakapunta sa likod ko at hinampas ulit sa’kin ang matigas na bagay na iyon.


Ramdam ko ang sakit sa batok ko dahil don,kaya tinignan ko ang hawak niya.
Ganon nalang ang gulat ko nang makita na isa iyong malaking mahabang bakal.


“That’s it,just remember what i’ve said.” nakakalokong ani niya bago umalis.


Ramdam ko ang sakit sa batok ko,pati ang hapdi sa noo ko.Dagdagan pa ang hilong nararamdaman ko.

Pero kahit ganon ay pinilit ko parin makalabas para makarating sa parking lot.

Pagewang gewang lang ang lakad ko habang nakahawak sa noo ko,ni hindi ko na alam saan ang punta ko dahil sa hilong nararamdaman ko.


At nang makarating ako sa parking lot ay agad kong hinanap sina Kiella,ngunit nasa dulo pa sila kaya hindi ko sila makita.

Agad akong napahawak sa isang kotse nang hindi ko na mapigilan ang sakit na nararamdaman.

Naramdaman ko nalang na nakahiga nako sa sahig.

“Azi! fuck!” rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.


Bago pa ako mawalan ng malay ay nakita ko si Shiro na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko.


Love UndercoverWhere stories live. Discover now