Kiella's POV.
“The patient is now stable,but still unconcious.We just need to wait until she woke up.And Ventura’s family are on their way.”
Agad akong naupo sa upuan nang sabihin ni Doctora iyon.Lahat kami nakahinga ng maluwag.
Agad din naman inilipat si Azianna sa napili namin kwarto para sakaniya.Malaki at maaliwalas iyon,may tatlong sofa at may isang malaking TV.May Mini ref din.
Naka tingin lang ako kay Azianna na walang malay na nakahiga sa kama,may makapal na gasa sa noo niya at may kung ano anong nakaturok sakaniya.Parang naninikip ang dibdib ko habang tinitignan siya.
Naka upo lang ako sa isang sofa,at nasa kabilang sofa naman sina Austin at Kuya Kael,at nakahiga naman si Lucas sa isa pa.
Lahat kami tahimik,nagbabakasakali na magising agad siya.
“You’re lucky having her as a friend.”
napatingin ako kay Shiro nang sabihin niya iyon.Nakaupo siya sa upuan sa tabi ni Azianna.
“Hmm,parang kapatid ko na siya.” nasambit ko.
“Kael! where the hell are you?!”
Napatingin ako kay kuya nang marinig ang boses ni mama sa telepono niya.
Kausap niya pala.“Mom,nasa hospital po kami.Hindi po kami uuwi ngayong gabi..” ani ni kuya,napatingin pa ito sakin.
“What?sinong nahospital?!” dinig kong sigaw ni mama.
“Si Azianna po.”
“What?! is she okay?!”
“Opo,stable na siya.”
“Si Kiella? are you with your sister?!”
“Yes mom,she’s safe..”
hindi ko nalang sila pinansin dahil nilalamom nako ng antok.Kaya agad akong natulog.
“Shiro..” parang narinig ko ang boses ni Azianna.Pero kataka taka na parang ayaw magmulat ng mga mata ko,dahil pilit akong nilalamon ng antok.
“Azi..Boss..” dinig kong bulong ni Shiro.
“Yung lalaki...Pina aresto niyo ba? nahuli niyo ba?” nahihirapan na ani ni Azianna.
Para akong nanlambot dahil nasa ganyan na siyang kalagayan ay yung lalaki pa na humipo sa’kin ang iniisip niya.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa isiping iyon.Masyado siyang mabait,lagi niya akong iniisip,hindi niya iniisip ang sarili niya.
Agad akong nagmulat at tinignan ang oras.3:31 am na.
Agad kong linapitan si Azianna at pinalo ng bahagya ang binti niya.Nabigla naman ito.“Siraulo ka talaga ano?! wag moko isipin! ang isipin mo ang sarili mo!” sigaw ko sakaniya,natawa naman si Shiro,samantalang nakatitig lang sakin si Azianna habang nakangiti.
“Anong ngini ngiti mo?! wag kang ngumiti pinag alala moko!” sigaw ko.
“Magiging ayos din ako,mawawala ang mga sugat ko,maghihilom ito.Pero yung nangyari sayo? panigurado araw araw dinadala mo iyon.”
Agad akong nagbaba ng tingin nang sabihin niya iyon.Pero nabigla ako nang hawakan ni Shiro ang kamay ko at iginaya ako kay Azianna.
Pero ganon nalang ang panghihinang nararamdaman ko nang hablutin ni Azianna ang kamay ko at niyakap ako.
Yakap yakap ko siya,iyak lang ako nang iyak sakaniya.
“Shhh,nandito lang ako.” dinig kong ani niya.
Pero agad akong humiwalay sa pagkakayakap nang may maalala.
“Azi..Sina tita..” ani ko.
“bakit?” takang tanong niya.
“Pauwi na sila..”
Agad naman naglaho ang ngiti sa mukha niya nang sabihin ko iyon.Tumango tango nalang ito.
Sa huli ay sinabi niyang matutulog na muna siya.Kaya nang makatulog siya ay doon pa lang natulog si Shiro,naka upo siya sa upuan at hawak ang kamay ni Azianna.
Ramdam ko kahit hindi nila sabihin.
‘Mahal na nila ang isa’t isa.’
Ang pag aalala sa mukha ni Shiro kanina,ay hindi iyon matutumbasan.
Doon ko lang napansin na suot ko parin ang jacket ni Lucas.Agad kong tinignan si Lucas na taimtim natutulog.Ganon rin naman si Austin at Kuya Kael.
Dali dali kong hinubad ang jacket na suot ko at,ipinangkumot iyon kay Lucas para hindi siya lamigin.

YOU ARE READING
Love Undercover
RandomTwo rivals fall in love? The mission is to kill each other,but what if the mission went to love? A bullets of love. Work or love? Love or Life?