CHAPTER 17

42 4 0
                                    

Azi.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanta samantalang nakikisabay rin naman minsan si Shiro.

Pero kumunot ang noo ko nang mapansin ang babaeng nasa harapan ko.

Ramdam ko ang galit sa kinalolooban ko nang makita pano siya hipuin ng lalaking katabi niya.


Agad kong pinagmasdan ang babae at sinuri ito,batid kong dahil sa takot ay hindi siya makapagreklamo.


“Azi?what’s wrong?” dinig kong tanong ni Shiro.

Agad kong tinignan ang mga kasama ng babae,dahil panigurado akong hindi nila napapansin ang ginagawa sa kaibigan niya.

“HAHHAHAHAHAHA ulol si manong guard hinahanap pa tayo!”


Agad kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses.Sumulyap ako sa mga kasama ng babae pero laking gulat ko nang mapagtanto na sina Lucas Austin at Kael iyon!


agad kong hinawakan sa balikat ang babae at napagtanto na si Kiella iyon.

Bigla ay para akong nanghina nang mapagtanto na siya ang hinihipo.

Agad itinigil ng lalaki ang ginagawa kay Kiella nang maramdaman na lumingon sakin si Kiella.

Ramdam ko ang kaba sa mga mata ni Kiella,para itong bata na lumuluha.

“Azi?What’s happening?” takang tanong ni Austin,ramdam kong lahat sila ay nakatingin sa’kin.

Subalit nakatitig lamang ako sa lalaking katabi ni Kiella na kasalukuyan nanonood.

Siraulo ‘to.

“Azi?hey?what’s wrong?” naramdaman ko ang kamay ni Shiro sa balikat ko pero hindi ko ito napansin,nakatitig lang ako sa lalaki at hawak ang balikat ni Kiella.

“Kiella?bakit ka umiiyak?” si Lucas.

“Ano?bakit?Kie anong nangyari sayo?!”

“Kuya...” umiiyak na ani ni Kiella.

Damang dama  ko ang galit sa kinalolooban ko kaya agad kong hinila si Kiella at iginaya sa banda ni Shiro.

Dahilan para humarap samin ang lalaki.

Agad ko siyang sinipa sa mukha pagkaharap niya.

“Ano ba!” Kunot noo sigaw niya habang hawak ang ilong niya.

“Azi? ano ba nangyayare?!” sigaw ni Kael.

Pero hindi ko ito pinansin at sinapak ang kaharap kong lalaki.

“Azi! what  are you doing?!” Hinawakan ni Shiro ang kamay ko.

“Ano ba nangyayare?”

“Ano ba ginawa ko sayo ha!” sigaw ng lalaki.

Matunog naman akong ngumisi sakaniya,dahilan para mangunot ang noo nito.

“How asshole you are,huh?” nakakalokong tanong ko.Batid kong may nagkumpulan na para masyoso.

“Ano bang sinasabi mo?” taas noo tanong niya.

“Kitang kita ko pano mo hipuin ang kaibigan ko!” sigaw ko.

“Ano?!” galit na sigaw ni Kael.

“Ghad,wtf.”

“Kiella isuot mo ito.” nakita ko paano hinubad ni Lucas ang suot na jacket at ipinasuot iyon kay Kiella.

“Come here,azi.”Naramdaman ko nalang na hinawakan ako ni Shiro at idinala sa likuran niya.

Hindi nako nabigla nang makita na hawak ni Shiro ang lalaki at pinagsusuntok naman ni Kael iyon.

“They can handle him naman.” rinig kong ani ni Austin bago niya ako hilahin.

“Austin,Lucas? take them away here,kami na bahala dito.”si Shiro.

“Yes,takecare dude! Kael! kalmahan mo ha!”

“Austin,take care of them,lalo na kay Azi.” pahina nang pahina ang boses ni Shiro nang sabihin niya iyon.

“Kie?ayos ka lang ba?” tanong ko kay Kiella,habang hinahagod ang likod niya.

“Tara na!” rinig kong sigaw ni Lucas at hinila si Kiella,agad naman akong sumunod sakanila at nasa likuran ko naman si Austin.


Tinignan ko pa sila Shiro na seryosong nakahawak sa lalaki,kitang kita ko rin ang galit sa mga mata ni Kael.

Nagpunta nalang kami sa parking lot,binilhan naman kami ni Austin ng tubig.


Agad kong linapitan sina Lucas at Kiella na tahimik nakasandal sa kotse.

“Pasensiya kana,hindi namin alam na may nangyayari na palang ganon.” dinig kong ani ni Lucas.

Tahimik naman lumuluha si Kiella.

“Kie,tahan na.” Ani ko.

Parang akong tinatanggalan ng hininga nang bigla niya akong yakapin at umiyak nang umiyak.

“Kie,i’m sorry wala akong nagawa..” ani ko at hinahagod ang likod niya.

Iyak lang naman siya nang iyak.

Love UndercoverWhere stories live. Discover now