Azi.
“Never have i ever confess to someone i like!” Sigaw ni Kiella,nabigla naman ako dahil sabay sabay uminom ang tatlo,sina Kael,Austin at Lucas.
“Dude,i still remember your face when you confess to Katy.” Natatawang tugon ni Shiro habang nakatingin kay Kael.
“She rejected Kael Santiago from alpha hahaha!” Si Austin.
“Ikaw rin tanga! nireject ka rin naman ni Sarah ah!” Si Lucas.Habang nilalagyan ng alak ang mga baso nila.
“Shut up!” inis na binatukan ni Austin si Lucas.Agad naman pumalag si Lucas dahilan para matamaan si Kiella.
“Nananahimik na ako e! ” sigaw ni Kiella kay Lucas.
Kusa naman silang tumigil nang mapansin na lahat kami ay nakatingin sakanila.
“Okay,never have i make out with someone i do not know.” Si Kael.
Ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang tumunga ng alak si Kiella.
“What the hell?” gulat na tugon ni Kael habang nakatingin kay Kiella.
Hindi naman malaman ni Kiella ano gagawin.
Uminom din si Austin,kaya napatingin ang lahat sakaniya.
Silang dalawa lang ang uminom.
“Share naman diyan! who's the lucky girl?” Lumapit pa si Lucas kay Austin na animong hinihintay itong bumulong sakaniya.
Nanghinayang naman siya nang hindi magsalita si Austin,tumawa lang siyang tumingin sakaniya.
“Is it Sarah?” sabat ni Shiro.
Umiling naman si Austin sakaniya.Diretso lang akong nakatingin kina Austin habang nakikinig sa mga pinag uusapan nila.
Pero bigla akong nanigas nang bigla maramdaman ko ang hininga ni Shiro sa gilid ng mukha ko.
Naamoy ko agad ang bango niya dahil sa lapit namin,kinukuha niya ang alak sa bandang gilid ko,kaya napalapit siya sa mukha ko.
Kapag humarap ako ay alam ko na ang mangyayari,oras na humarap ako sakaniya ay magdidikit lalo ang mga mukha namin.
Hindi pa rin ako makagalaw dahil sa nangyayari,nakita ko si Austin na nakatingin sa'min.
“Here.” Ani ni Austin,laking pasalamat ko dahil kinuha niya ang alak at siya mismo ang nagbigay kay Shiro.
Umayos naman ng upo si Shiro at kinuha ‘yon.
“Thankyou.” nakangiting tugon ni Shiro.
Para akong nabunutan ng tinik dahil sa ginawa niya.
Hindi ako makahinga ng maayos kaya wala“ sa sarili kong nilagok ang alak.
“What?! you did?!” Sigaw ni Kiella,napatingin ako sakanjya.
Tinignan ko naman sila ng nagtataka,ganon din sila gulat na gulat nakatingin sa'kin.
Ano daw?Hindi ko maintihan anong tinutukoy niya.
“I said never have i ever kissed someone i met in the bar! ” sigaw ni Kiella,nanlaki ang mga mata akong tumingin sakanila.
“Tapos mabilis mong nilagok ang alak sa baso mo! so sabihin mo kailan?!” excited na sigaw pa niya.
“Tss.” napatingin ako kay Shiro nang marinig ko siya.
Nagtaka rin tumingin si Kiella sakaniya.
“So tell us,when?” humarap sa'kin si Shiro.
Hindi ko malaman anong ekspresyon ang pinapakita niya,nakangiti ito ramdam kong may sa iba sa mga ngiti niyang ‘yon.Nakatingin sila sa’kin ngayon,na para bang hinihintay akong magsalita.Si Kiella at Lucas lang ata ang excited na naghihintay sa sagot ko.
Lahat sila nakatingin sa’kin,hindi ko alam bakit napasok ako sa sitwasyon na ito,para akong naipit sa kasalanang hindi ko sinasadyang gawin.
Naalala ko lang ay kinabahan ako masyado sa ginawa ni Shiro.
Kaya ininom ko ang laman ng baso ko.
Nanigas ako sa kina uupuan ko nang guluhin ni Shiro ang buhok ko.
Nakangiti itong nakatingin sa'kin.
“Tell me,you didn't.Right?”He whispered.
Dahan dahan naman akong tumango sakaniya,dahilan para lumiwanag ang mukha niya.
“I knew it.” he sweetly said to me,bago alisin ang ang kamay niya sa ulo ko.
“Akala ko pa naman may first kiss kana!”
Binasag ni Kiella ang pananahimik ng iba,kaya napatingin ako sakaniya.
Nakasimangot ito habang pinaglalaruan ang bote.
Nagpatuloy lang kami sa paglalaro,hanggang sa isa isa na kaming nag sang ayon na matulog na.
Magkatabi kami ni Kiella sa isang tent.
Samantalang magkatabi naman sina Shiro at Kael.
Sa kabilang tent naman ay sina Austin at Lucas.
Mahimbing na ang tulog ni Kiella,samantalang ako hindi ako mapakali sa pagkakahiga ko.
Naalala ko ang matamis na bulong ni Shiro.
Hindi ko alam bakit hinahanap hanap ko ito,ang makikislap niyang mata,at ang matamis niyang ngiti sa tuwing tumitingin ito sa’kin.Bumuga ako ng hangin at napagdesisyonan na magpahangin muna sa labas.
I wear black white hoodie and black pants.
Si Kiella ang nagdala ng mga ‘to.
Mabilis akong naupo sa mahabang upuan,malayo sa tent kung saan natutulog ang mga alpha.
Nakaupo lang ako roon at nakatingin sa mga bituin.
Ramdam na ramdam ko ang malamig na sariwang hangin dumadampi sa mukha ko.
Kahit na balot na balot na ako ay nilamig pa rin ako.
Ilang minuto pa akong nakaupo doon,nang maramdam kong may umupo sa tabi ko.
Agad kong hinarap ‘to,at bumungad sa’kin ang mukha na hinahanap hanap ko.
“Can’t sleep,love?” he whispered again.
YOU ARE READING
Love Undercover
RastgeleTwo rivals fall in love? The mission is to kill each other,but what if the mission went to love? A bullets of love. Work or love? Love or Life?