Kiella’s POV.
“Ano?hindi ka talaga sasabay?!” kausap ko si Azianna sa telepono.Ang sabi niya ay hahabol nalang daw siya.
“Hindi talaga,may aasikasuhin lang hahabol naman ako.”mahinahong tugon niya.
Ngayon kasi yung gig ng mga Alpha.Start na mamayang 8:30 pm.“Siguraduhin mo lang ha?! may
naghihintay sayo!” sigaw ko pa.Pinlano ng mga Alpha na surpresahin si Azianna.Nagpatulong lang si Shiro sinabi lang sakin ang gagawin nila hehe.
“Oo na sige na.” at binabaan niya ako ng tawag!
Shiro ask for help,kakantahin daw niya ang mga paboritong kanta ni Azianna.Pagkatapos ay tatanungin niya si Azianna kung maari ba siyang manligaw,pfft.
‘What a shame.’
Nagsuot lang ako ng Simpleng dress at nag ayos lang ako ng sarili ko.
“Mommy! una napo ako!” i shouted,habang pababa ako ng hagdan papuntang parking lot namin kung saan nakapark ang kotse ko.
Narinig ko pa nagsalita si mommy pero dahil sa pagmamadali ay nauna na ako.
8:20 pm na rin! baka di ako maka abot!At nang makarating ako ay pinark ko muna ang kotse ko,pero papasok na sana ako sa loob nang makita ko siya,seryosong nakatitig sa’kin.
‘Ano na naman ba?’
Hindi ko nalang ito pinansin,pero nasa bungad pa lang ako ay agad ko ng naramdaman ang kamay niyang pumipigil sakin.
“I used to liked you,Kiella.” madiing ani niya.
“Ano gusto mong gawin ko?” tanong ko.
“Gustuhin ka ay isang malaking pagkakamali.” ramdam ko ang seryosong tono ng boses niya.
“Okay.” sagot ko at deretsong pumasok sa loob,iniwan ko na lamang ito sa labas.
’Mapapatahimik rin kita.’
Nainis ako sa isiping iyon.
Pagkarating ko ay inaayos na ng mga alpha ang mga gagamitin nila.Agad lumapit sa’kin si Kuya Kael,samantalang nasa stage naman sina Austin at Shiro may kung anong inaayos.
“Asan si Azianna?” tanong ni kuya.
“Hahabol nalang daw kuya e,may ginagawa ata.”
“Ganon?sana makahabol siya,minsan lang gumawa ng ganito si Shiro.” natatawang tugon niya.
“Oo kuya hahabol iyon!” masayang ani ko.
“Nakita mo ba si Lucas?” nakataas kilay na tanong niya.
“Ah,hindi e hehe.”
“Ayon na pala,sige na magstart na kami dyan ka lang ha?”
nginitian ko na lamang ito.
Nakita ko pa si Lucas na naglalakad papuntang stage,seryoso ito masyado.“Goodluck!” sigaw ko sakanila,habang nakataas pa ang mga kamay ko,nginitian lamang nila ako samantalang seryoso pa rin si Lucas.
Halos itulak na ako ng mga tao nang magsimula na silang tumugtog.Masyadong maraming tao,idagdag mo pa ang malilikot na ilaw sa lugar na ito.
Halos 30 minutes na rin silang nagpe-perfom pero wala pang Azianna na dumarating!
Habang tumutugtog si Shiro ay kitang kita ko paano gumala ang mga mata niya.

YOU ARE READING
Love Undercover
RandomTwo rivals fall in love? The mission is to kill each other,but what if the mission went to love? A bullets of love. Work or love? Love or Life?