CHAPTER 16

42 4 0
                                    

Azi.

"8:30 pm yung starts ng concert,azi! nakinig kaba kay Miss Reyes kanina?"

Napakamot naman ako sa ulo dahil aminado ako na hindi ko alam na sinabi iyon ni Miss Reyes.Hindi ko siya narinig dahil lumilipad ang isip ko.


Papunta kami ngayon sa university,as usual pinapagalitan na naman ako ni Kiella dahil 9:00 pm na,hindi naman kasi niya sinabi sa'kin anong oras e.

"Pupunta ba sina Shiro?" tanong ko,while doing a light make up.This is my talent kaya ko maglagay ng kolorete sa mukha ko kahit nasa sasakyan ng walang nagugulo.

Nakasuot lang ako ng Black fitted pants and white sando top,and white black shoes.
Maraming tao don,siksikan panigurado kaya hindi na'ko nagdress.

"Ang sabi nila kanina ay papunta na sila,baka andun na mga 'yon,ikaw kasi e! bagal mo kumilos!" naiiritang sigaw niya,napasimangot naman ako.

"Sorry na,hindi ko alam e." i pout.

"Don't give me that face! Hindi bagay sayo!"

Agad akong natawa at hindi nalang siya pinansin,sinusuyo na nga e,may
galit talaga sa mundo pag wala sa hulog.

Pagkarating pa lang namin agad na chineck ni Manong guard kung talaga ba na dito kami nag aaral,wala rin naman siyang nagawa dahil pamilyar ang mukha namin sakaniya.


Agad ipinark ni Kiella ang kotse niya,sa parking lot pa lang ay dinig na namin ang mga sigawan,kaya mas lalo kong minadali si Kiella para makapanood na.

Aalis na sana kami papunta sa gymnasium kung saan ang mga ben&ben nang biglang makita namin si Shiro na tumatakbo,kasunod si Austin,kael,lucas.

At nasa likod ay si Manong guard,hinahabol ang mga alpha.


"Sir! bumalik na po kayo bawal po talaga sir!"sigaw ni manong guard.

Agad kong nasapo noo ko nang makita ang ginagawa nila,eto ba ang plano nila?

"Sino taya?si manong guard?" Tanong ni Kiella habang nakatingin sa mga Alpha.

Agad kong tinignan si Kiella at tumango sakaniya,sa paraan nayon ay alam na niya ang tinutukoy ko.

"I just want to be with my azi! allowed us na po manong!" rinig kong sigaw ni Shiro habang tumatakbo.

siraulo talaga kahit kailan.

"Manong!!" sigaw ko nang makalapit kami kay manong guard.

"Manong may mga outsiders na naman sa labas!" sigaw din ni Kiella.

"Ano?May nagbabantay po doon Ma'am! hahabulin ko pa po mga iyon!!" turo niya kina Shiro na kasalukuyan tumigil sa pagtakbo at tinitignan kami.

"Ah ganon po ba manong?" si Kiella.

Agad kong tinignan si Kiella at sabay kaming tumakbo sa kinaroroonan nina Shiro.


"Shiro! takbo!!" sigaw ko,tumakbo naman sila,samantalang sigaw nang sigaw si Manong guard.

"Mga pasaway! Ma'am, sir!"


"Let's go." Hinawakan ni Shiro kamay ko nang makalapit kami sakanila,sumabay naman ako sa pagtakbo ganon rin si Kiella.



"Come on! this is so exciting!" rinig kong sigaw ni Austin habang nasa likod na namin sila ngayon.


Agad kong tinignan sa likod namin si Manong guard,napagtanto ko na malayo na siya samin kaya agad ko silang inaya magtago sa eskinita na may mga flywood.

Love UndercoverWhere stories live. Discover now